Kabanata 14

115 8 10
                                    

Muli

"Doktor Medina?"

Kunot ang kaniyang noo. Lumapit ako papunta sa kaniya. Nakabarong siya at napakapormal ng kaniyang postura. Tila sanay na sa mga ganitong pagdiriwang.

"Bakit ka narito?" tanong ko.

Sumilay ang kaniyang matamis na ngiti. Tumubo na ng mas mahaba ang kaniyang bigote at balbas na lalong nagdepina ng kaniyang panga. Nakita ko ang mabilis na pagsuyod ng kaniyang mga mata sa aking buong katawan.

"Ayan ba ang ibubungad mo sa muli nating pagkikita?" tanong niya.

Natuop ako sa aking kinatatayuan. Nakakabingi ang tibok ng aking puso. Hindi pamilyar ang ganito sa akin at sa kaniya ko lamang ito nararanasan.

"Nagagalak akong makita kang muli," sambit ko. Humakbang siya ng isa papalapit sa akin nang biglang sumulpot sa harap namin si Ajay.

"Magsisimula na," agap niya na para siyang natataranta.

Pinapila na kami ayon sa aming pagkasunod-sunod na pagpasok sa simbahan. Salitan ang tingin ko sa dalawang lalaki ngayon. Masakit sa leeg dahil masyado silang matangkad kaya heto ako na panay tingala sa kanila.

"Paano ka nakapunta rito?" kuryosong tanong ko kay Doktor Medina.

"I have my ways..." aniya. Tila may namumuong bagyo sa pagitan nilang dalawa. Natatanaw ko ang kidlat na nanggagaling sa mga mata nila.

Sandali lang...

"Ajay, alam mo na pupunta siya rito?" tanong ko kay Ajay.

"Bakit? Bawal ba?" agap ni Arturo sa akin.

"Hindi naman kaso lamang ay biglaan ang iyong pagdating."

"Bakit mo kasama ito?" tukoy ni Arturo kay Ajay.

"Sumabay lang ako sa kaniya tapos nag-aya siyang  dumalo muna ako sa kasal ng kaniyang kapatid..."

Salitan ang tingin ko sa kanila. Para yatang sumasakit ang ulo ko dahil sa tensyon na mayroon ngayon. Klinaro ko ang aking lalamunan upang mapukaw ko ang kanilang mga atensyon.

"Ikaw, ano ang dahilan bakit napunta ka rito?" ganti ni Ajay kay Arturo.

Nagsimula nang tumugtog ng pangkasal at isa-isa nang pumasok ang mga batang abay. Narito na rin si Riya kaso lamang ay nakahiwalay siya sa amin dahil sa engrandeng pagpasok niya mamaya. Nakulong ang aking mga mata sa seryosong titig ni Doktor Medina sa akin.

"Narito ako para kay Victoria..." matapang siya dahil nakakaya niyang makipagtitigan sa akin ngayon. Halos masamid ako sa sarili kong laway nang dahil sa sinabi niya. Ako yata ang naduduwag ngayon dahil ayaw kong masalubong ang kaniyang mga mata.

Tamang-tama ay nahagip ng aking mga mata si Tina na mukhang problemado sa kaniyang pila. Salubong ang kilay nito sa akin.

"A-ano... Ajay, ano kaya kung daluhan mo muna si Tina?" suhestyon ko.

"Ikaw ang partner ko," pagtatanggi niya habang umiiling.

Nakagat ko ang aking labi sa pagkataranta dahil ayaw niyang pumayag! Gusto kong matigil ang tensyon dito kaya mas mabuti kung pupuntahan niya muna ang kababata niya.

"Tutal nakabarong naman itong si Doktor Medina, siya na lang ang pares ko. Ayos lang ba kahit hindi siya imbitado?" tanong ko. Ipinikit ko ang aking mga mata ng paulit-ulit na tila aso sa pang-aamo.

"Pero---"

"Kawawa naman kasi si Arturo kung maghihintay lang dito sa labas ng simbahan. Atsaka baka mapaslang pa ako ni Tina dahil sa matalim niyang mga titig sa akin!" pangungubinsi ko. Matagal niya akong tinitigan at lumipat ang mata niya kay Tina at kay Arturo pabalik sa akin.

Hiraya ManawariWhere stories live. Discover now