Chapter 14

130 25 0
                                    

Emergency


Hindi ako nakapagsalita. Nanatili akong nanigas kahit yakap niya ako.


"Hey, don't be uncomfortable. I'm just confessing my feelings for you," he chuckled on my neck. I gasped, paano naman ako hindi maiilang? Hindi ko alam ang sasabihin.


All this time, akala ko ako lang ang nakaramdam ng kakaiba mula pa sa Tagaytay nang magkita kami noon. I didn't expect that he will like me right now like how I also like him.


Totoo ba ang sinasabi niya?


Hanggang sa nakapag-ayos na siya at kumakain na kami sa hapag, hindi ako makapagsalita. Nakasuot na siya ng black na sando at gray na cotton shorts. Tahimik kami sa pagkain, panay ang sulyap niya sa akin ngunit ako, gusto ko na lang lumubog.


"Are you... uncomfortable?" He gently asked while eating, agad niyang hinawakan ang isang kamay kong nakalapag lang sa mesa. Napaiwas ako ng tingin at babawiin pa sana ang mga kamay ngunit pinirmi niya iyon.


Napaangat ako ng tingin sa kaniya nang marinig ko ang malalim na paghinga niya.


Lumamlam ang tingin niya sa akin at hinaplos ang mga kamay ko. "You don't need to think about it, okay? Just let me show you how I like you so much."


"Prince..."


He gently smiled and kissed the back of my palm. "Let's eat now,"


Nasa kwarto na ko't nakahiga pero hindi pa rin iyon maalis sa isip ko. Gusto ko ring aminin na gusto ko siya, pero masyadong mabilis kung ganoon. At ayoko namang magpa-easy-to-get. Ni hindi ko nga alam ano nang mangyayari ngayong umamin siya sa akin.


Aaminin ko rin ba sa kaniya ang nararamdaman ko?


Sa huli, hinayaan ko na lamang ang pag-iisip. Aaminin ko na lang kung dumating ang panahon na nakalaan iyon.


Kinabukasan ay halos umurong ang mga paa ko nang matanaw ko siya sa ibaba, naghihintay sa akin para makapunta na kami sa school. Nakasandal siya sa Porsche niya. Naka-button-down long-sleeved polo siya at naka-tuck-in iyon sa black jeans niya. Hinayaang magulo ang buhok habang pinaglalaruan ang susi sa kaniyang mga daliri.


Hindi ko alam kung aatras ako, pero bago pa man ako makatago para maghabol ng hininga, tumama ang tingin niya sa akin. Napaayos siya ng tayo at pinagmasdan ako. Wala akong nagawa kung hindi ang magpatuloy sa paglalakad upang makalapit sa kaniya.


Umikot siya papuntang front seat upang pagbuksan ako ng pinto. Kaagad naman akong pumasok at nagsuot ng seatbelt.



Tahimik kaming nakarating sa paaralan. Hindi na rin siya umimik dahil siguro ramdam na talaga niya ang pagkailang ko. Lumabas siya at pinagbuksan ako ng pinto. Nanatili akong nakaupo, hindi lumalabas. Kakausapin ko ba si Flix ngayon?



"Hindi ko alam kung kakayanin kong makausap si Flix ngayon, Prince." Sabi ko kay Prince. Bumuntong hininga siya bago tumukod sa pinto ng sasakyan at dinungaw ako.



"You can. Don't worry, I already warned him."



Napalabi ako at hindi alam ang gagawin. Hindi ko alam kung kakayanin ng konsensya ko kapag nakausap ko si Flix. Nagsinungaling kami at hindi man lang sinabi sa kanila. Nang hindi ako kumilos, pinantay ni Prince ang mukha ko bago kuhanin ang kamay ko.



"Let's go?"



I bit my lower lip, in the end, I nodded and slowly went outside. Nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko at pinagsiklop iyon.



Love Between Past and Present [Vesalden Series#1]Where stories live. Discover now