Chapter 25

122 22 0
                                    

Sky lantern


Habol ko ang hininga ko, habang siya naman ay bahagyang kumalma na.

Hindi ako makatingin sa kaniya, nag-iwas ako ng tingin dahil sa tingin ko ay hindi ko kakayanin ang intensidad ng tingin niya. Pinigilan kong huwag umalpas ng kung anong ingay lalo na nang tinanggal na niya ang kaniya at humiwalay sa akin.

I couldn't move my body. Para akong nilamog at namamanhid pa. Rinig ko ang pagtaas niya ng suot pang-ibaba dahil dinig ko ang pag-lock niya sa kaniyang belt. Ni hindi ko nga rin maasikaso ang sarili ko kahit kitang-kita na niya.

Naramdaman ko ang paglapit niya sa akin kaya napatingin ako sa kaniya. Malamlam ang tingin sa akin bago may kinuha mula sa bulsa ng trousers niya. It is a gray handkerchief with an embroidery of italic 'Venerialde'. He fold it and slowly, he sat in front of me.

"I don't have wet wipes," he said. I bit my lower lip and shifted my weight when he gently wiped his handkerchief on my femininity. Wala sa sariling napakapit ako sa braso niya. He stopped and stared at me. Tila nagulat pa ako bago nag-iwas ng tingin. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko.

Talaga bang ginawa namin iyon? Nangyari na... nangyari na talaga!

Hindi niya tinuloy ang ginagawa kaya napatingin ulit ako sa kaniya. He sighed and approached my face. He passionately kissed me and caress my face.

Simpleng kilos niya na tila minemensahe na magtiwala ako sa kaniya. Tumugon ako sa magaan niyang halik at mayamaya, hinayaan ko siyang kumilos.

He continued cleaning me up using his handkerchief. Sa totoo lang gusto kong sabihin na huwag iyon dahil personal handkerchief niya iyon na siguro pina-customized pa ng Mama niya.

I let him do everything since I still couldn't move. Magaan ang paglinis niya sa akin.

Nang matapos, nakita kong ibinulsa niya ang panyo niya.

Nakita ko pang may bakas iyon ng dugo at pinagsamang katas namin pero tila wala siyang pake. Ibinulsa niya pa rin iyon.

Isinunod niya ang pagsuot sa underwear ko at maikling shorts bago sinunod ang puting dress shirt niya. Bahagya niya pang pinunasan ang pawis ko gamit lamang ang kamay niya. Nang matapos niya akong mabihisan, hinawakan niya ang mga kamay ko at pinaibabaw iyon sa mga hita ko. Ayaw kong tumitig sa katawan niya dahil wala siyang damit pang-itaas.

Hinalikan niya ang mga kamay ko. "Let's go? I'll carry you..."

Umiling ako sa kaniya. "K-Kaya ko naman," sabi ko at umambang tatayo nang mapaigik ako at nanigas. Masakit pa rin ang gitna ko. Narinig ko ang mura ni Prince bago ako marahang binuhat.

Agad akong kumapit sa leeg niya at nilagay ang mukha ko sa pagitan ng leeg at balikat niya. Mahigpit niya akong pinulupot sa matitigas at malalakas niyang braso na para bang aalis ako anumang oras kapag hindi niya ako hinawakan nang mahigpit.

Sinabit niya sa kabila niyang balikat ang bag ko at siniksik doon ang damit kong basa. Unti-unti siyang naglakad at binuksan ang sliding door ng van. Napatingin ako sa labas nang makalabas na kami at masara niya ang van. Buti na lamang at malawak ang garahe at tila nagsilbing basement parking dahil mayroong elevator sa pinakadulo.

Walang tao kaya kampante ako. Nang makasakay sa elevator, mabuti na lamang at wala kaming nakasabay na tao hanggang makapasok kami sa hotel room namin. Nilapag niya ako nang magaan sa kama. Pero pakiramdam ko, hindi pa rin ako lubusang makagalaw. It's so new to me, and it's kinda painful. Pakiramdam ko, nararamdaman ko pa rin ang kaniya sa gitna ko.

"Timplahin ko lang ang tubig ng bathtub. You need a warm bath." Aniya. Ni hindi niya muna inasikaso ang sarili niya dahil dumeretso siya sa bathroom.

Malawak ang hotel room. Maganda at neutral color ang walls. May malaking flat-screen TV, at mamahalin ang mga muwebles. May terasa rin pero nakasara ang sliding door niyon. Dalawang araw lang kaming maninitili rito, dahil sa pangatlong araw, uuwi na kami.

Love Between Past and Present [Vesalden Series#1]Where stories live. Discover now