Chapter 24

126 22 0
                                    

Warning: Mature content ⚠.
Be a responsible reader.




I love you




"What are you doing?" natatawa kong tanong.


Humalukipkip sa Sofia at pinagpatuloy ang pagdikit ng kung anong maliit na camera sa condo ko. Halos lahat ng sulok ng condo ko nilagyan niya.


"It's a talent. Natuto ako dahil narin sa trabaho noon ni Dad at Kuya." Sagot niya. Hinayaan ko na lang siya kung anong gusto niya. Wala namang nakakapasok basta-basta rito sa condo kaya wala lang sa akin. At isa pa, may CCTV naman ang floor namin kaya ayos lang.


I even asked Sofia if what his brother doing. Pero hindi niya raw alam kung nasaan. I just shrugged, palagi naman 'yong wala.


Naging mabilis ang panahon hanggang sa matapos na rin ang internship namin. Natapos na rin ang ibang exams pero minor subject nalang ang ite-take ko bukas. Tapos maghihintay na lang kami ng result, graduation na.


Sofia and I always go somewhere when we have free time, palagi nga lang napuputol dahil kung hindi si Flix ang mambubulabog, si Prince naman ang sisira ng trip. Inuuwi niya ako kapag ganoon.


It was already seven in the evening. May early night class si Prince kaya medyo late ngayong uuwi. Last day niya rin ito para sa major examinations. Bukas, pareho kaming lahat na minor na lang ang i-te-test.


Nagluto ako sa condo niya. Dito na rin ako nasanay. Umuuwi lang ako sa condo ko kapag maliligo, o minsan doon kakain pag wala si Prince, o matutulog. Pero sanay na rin kasi ako rito sa condo ni Prince kaya nag-bigayan kami ng duplicate keys at nagbigayan ng passcode though passcode na lang niya ang binigay niya dahil alam naman pala niya ang passcode ko.


Nagluluto pa lang ako nang bumukas ang condo niya. At dahil sa nakasanayan, ang una niyang pinuntahan ay kusina para makita ako. Pagod ang mukha niya pero nang makita ako ay biglang sumigla.


He immediately took our distance off.


"What did you cooked?" marahang tanong niya at niyakap ako mula sa likod. Pinakita ko naman sa kaniya ang niluluto ko.



I can feel his heavy sighs. "Magpahinga ka muna saglit, maluluto na 'to." Marahang sabi ko sa kaniya. Bumuntong-hininga siya bago tumango.



Nagpahinga siya sa kwarto niya habang pinagpapatuloy ko naman ang niluluto ko. Nang matapos ay inihanda ko na iyon at gumawa ng dessert para sa aming dalawa. I know he's tired. Unti-unti akong tumungo sa kwarto niya at kitang kakaligo lang pero nakatulog.



Bumuntong-hininga ako bago lumapit sa kaniya. Pinagmasdan ko ang mukha niya. Bahagya akong napahalakhak nang makitang suplado pa rin ang hitsura niya. Hinaplos ko ang malambot niyang buhok. Naaamoy ko ang panlalakeng pabango niya. Napangiti ako, kahit ang suplado pa rin ng mukha niya, ang gwapo niyang pagmasdan.



"Prince?" malambing kong gising sa kaniya. Hindi siya kumibo. Dahan-dahan ko siyang tinapik.



"Gising ka na muna, kumain muna tayo tapos patuyuin ang buhok mo bago ka matulog..." malambing kong bulong sa kaniya. Unti-unti siyang dumilat at pupungas-pungas na sumulyap sa akin. Pagod siyang huminga bago ako hinila upang mayakap.



"Let's eat then?" he asked. Tumango ako sa kaniya at pinagbigyan siya ng yakap. He cuddled with me first before we went to kitchen to eat.



Ganoon palagi ang nangyayari. Pero hindi namin kinakalimutan ang isa't-isa.



Nasa parking ako at hinihintay si Prince. Sabay ang dismissal namin ngayon at maaga ang uwi. Sabi niya, kakain daw kami ngayon sa labas. Mayamaya ay natanaw ko rin siya na palapit na. Masungit ang mukha at parang galit sa mundo. May mga kasabayan siya pero balewala lang sa kaniya. Nang makita niya ako, mas binilisan niya ang paglakad bago ako halikan sa pisngi.



Love Between Past and Present [Vesalden Series#1]Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin