Chapter 2

244 57 19
                                    

Schedule

Tahimik na lang akong pumasok dahil mukhang wala yatang balak sumagot ang kasama ko.

Maingay na kaagad sa loob at halos nagwawala na ang mga tao sa sobrang kalasingan. Una mo agad na makikita ay mga naglalandian. Bumuntong hininga ako bago pumunta sa counter kung saan nandoon ang bartender.

Naramdaman ko naman ang pag-upo ng kasama ko kanina sa tabi kong high chair. Sabay kaming umorder ng alak. Sa akin ay vodka samantalang siya ay black label kaagad. Pinakiramdaman ko ang paligid, naramdaman ko na naman ang pagdaplis ng tingin niya sa akin na ikinabahala ng loob ko.

Kanina pa kaya siya!

Nang makuha ang order ay kaagad ko itong ininom kahit na parang sinusugatan ang lalamunan ko. When I finished drinking my vodka, I immediately looked at him. He's slowly drinking his drink, I can't help but see his Adam's apple moving.

Oh damn, what a sight.

"Who are you?" I asked him, iniwas ko ang tingin sa lalamunan niya dahil ramdam ko ang sunod-sunod na paglunok ko. Bumuga siya ng hangin matapos inumin ang alak, marahas na pinasadahan niya ang kamay niya sa kaniyang buhok bago tumingin sa akin. Muntik pa akong mahulog sa kinauupuan, buti na lang at nakakapit kaagad ako sa counter.

Napakunot-noo siya. "Why are you asking?" he asked without emotion.

"Masama bang tanungin ang pangalan ng kanina pa nagnanakaw ng tingin sa akin?" marahan kong tanong. Itinaas niya ang isang kilay niya at supilpil na humalakhak ng sarkastiko bago tumingin sa harap ng counter, naniningin ng alak na nasa shelves ng bartender.

"Assuming," he huskily said.

I gritted my teeth. Ako pa talaga ang ginawang assuming? E ramdam na ramdam ko na nga kanina ang mga tingin niya.


"Liar." mahinang bulong ko bago tumingin sa bartender.


"Two glass of vodka, please." order ko. Mabilis naman itong nanguha ng order ko. Umorder na rin ang kasama ko ng black label ulit.


Hindi ko alam na may pagkasuplado itong kasama ko. Kanina pa nakabusangot, at ang paraan ng pagsagot niya sa akin ay ang rahas na malamig! I heaved a sigh. Baka ganito lang talaga siya.


"I'm Charlotte Avery." pakilala ko pa rin kahit hindi siya nagtatanong. Busy na kami sa pagsimsim ng alak.


"Did I asked?" he asked. Mas lalong nag-init ang ulo ko dahil sa sinabi niya. Nagtitimpi na ako dahil sa kaniya. Fine, he's a stranger pero wala siyang karapatan na maging ganito sa akin.


"Ang sarap talagang ipalamon sa tsunami..." bulong ko, narinig ko siyang humalakhak, o baka lasing na ako? Nang tingnan ko siya ay hindi naman tumatawa.


Nakailang baso na ako kaya hindi na ako magtataka bakit medyo sumasakit na ang ulo ko. Akala ko ba saglit lang ako rito?


Nang medyo nainip ako dahil hindi naman ako kinakausap ng kasama ko, at bakit nga ba ako magdedemand e hindi ko nga siya kakilala 'di ba? Inis na tumayo ako habang bitbit ang order na alak.


Dumiretso ako sa isang table na walang tao. Umupo ako roon sa crescent couch at pinagpatuloy ang pag-inom. Malakas ang tugtog kaya iyon na lang ang pumapasok sa tainga ko. Ngunit pagmulat ng mga mata ko, nanlaki ito nang makita sa isang table malapit sa akin si Zarm at Zelaira.


What the hell? Dito pa talaga?


Tatayo pa sana ako para hindi na nila ako mapansin nang bigla na lang silang napatingin sa akin. Marahil sila ay napatigil na rin. Hindi pa kami nakakapag-usap nang masinsinan, kaya alam kong hindi na ako makakaalis dahil tumayo na sila para pumunta sa banda ko. Hindi ako nakagalaw.


Love Between Past and Present [Vesalden Series#1]Where stories live. Discover now