Chapter 3

208 52 4
                                    

Almost


Sa totoo lang, hindi ako mapakali.



Para akong bulate na binudburan ng asin sa kinauupuan ko. Nasa unang klase na kami pero kinakabahan ako. Kung kailan naman hiniling ko na sana hindi na kami ulit magkita pa, ngayon pa talaga ihaharap sa akin ng ganito, at ka-schedule pa talaga! Para akong masisiraan ng bait.



Nasa unang row ako, tumingin ako sa likuran ko at nakita ko si Prince na prenteng nakaupo lang sa silya, pinaglalaruan ang ballpen habang tamad na nakatingin sa notebook. Tatlo silang transferee.



Hindi ko alam kung ano'ng record nila kaya sila na-kick out sa pinagmulan nilang unibersidad. Pero sa palagay ko ay pakikibasag-ulo. Sa pangangatawan pa lang nilang tatlo halatang nasanay na sila sa ganoon.



Iyong isang kasama niya, si Lawrence Flix. Sa kanilang tatlo, siya ang magaan ang aura, palakaibigan at may pagkadaldal. Unang tingin mo pa lang ay madali mo na itong pakikisamahan. But his demeanor screams something different. He looks playful but, dangerous.



Mas lalo naman itong isa, si Eizce Denber. Napaismid ako nang makitang pinapanood niya ang mga nag-aawayan sa labas ng room namin. Alam kong si Jia iyon dahil siya lang naman ang palaging may kaaway tuwing magsisimula ang klase.



Denber is a nerd type, he's always wearing reading glasses, and I observed that he's a bookworm. Puro iba-ibang libro kasi ang makikitang bitbit niya. He's a bit silent, but I can sense that he's not that bad.



Bumalik ang tingin ko kay Prince. Pero gano'n na lang ang gulat ko nang makitang mariin itong nakatingin sa akin. Para bang sa lalim ng tingin niya, nagtataka na bakit ko pinagmamasdan ang mga kaibigan niya.



Kumurap ako sakaling mag-iba siya ng tingin.



But damn he just won't divert his gaze away from me! When his vision watched me, I gulped before I drift my gaze off him.



Tumingin na lang ako sa harap at nagkunwaring naga-advance reading.



The class went on without a hassle. Maigi akong nag-aral. Noong break, dumeretso ako sa cafeteria para umorder ng pagkain.



Matapos mag-order ng chocolate port mousse, sicilian pasta at one bottled water, dumeretso ako sa table na hindi okupado bago ilapag ang tray ko roon at nilabas ko ang cellphone ko mula sa bag ko.



Nag-scroll lang ako sa internet habang kumakain doon. Ni hindi ko napansin na may papalapit sa akin, saka ko lang iyon napansin nang umupo na sila sa mesa ko.



"Hi!" bati sa akin ni Flix. Nahihiyang ngumiti ako, hindi ko alam kung ngiti pa ba iyon dahil halos ngiwi na. Nanggugulat naman kasi sila.



"H-Hi..." nalilitong sagot ko na lang. Si Flix ang nasa harap ko habang si Denber at Prince ay nasa magkabila ko. May pagkain din silang bitbit. Tahimik lamang ang dalawa, ngunit pansin ko si Prince na nakatingin na naman sa akin.



Bakit hindi siya tumigil? Hindi ba siya naiilang na nararamdaman ko ang mga tingin niya? Anong iniisip niya? Iyong nangyari ba sa Tagaytay? Halos magkulay-kamatis ang mukha ko, bakit na naman iyon pumasok sa isip ko!



Muntik pa akong masamid sa pasta na kinakain ko, buti na lang at nakainom kaagad ako ng tubig. Nagtataka silang nakatingin sa akin.



"You okay?" Denber asked me. Unlike Prince, his voice is kinda cold but it's more entertaining to hear than Prince's husky and cold voice.



Love Between Past and Present [Vesalden Series#1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon