Chapter 12

127 27 20
                                    

Addicted


"Really? Is that your boyfriend?!"

Napatikhim ako dahil sa lakas ng tanong ni Sean. Pinanliitan ko siya ng mga mata. "Baliw, hindi nga."

Napakurap siya. "But he just kissed you! And really? You both share in one room? Does Tita and Tito knows about this?"

Huminga ako nang malalim. "Hindi nga kasi ganoon 'yon..." napapikit ako nang maalala ang text ni Prince. My heart is pounding so fast. I couldn't even think straight.

"Fine. I remembered, why did you blocked my number? I can't even contact you." he suddenly said. Napaangat ako ng tingin sa kaniya. Naghihintay ng sagot ko. Napaawang ang labi ko. Prince blocked his number? And he even deleted it!

"I bought new sim card this time, I deactivated the last one. Save it." aniya at inabot sa akin ang cellphone niya. Inabot ko naman iyon at tinipa ang numero ko.

Matapos ay ngumiti ako sa kaniya. "As much as I want to talk with you furthermore, I need to go. Sumunod ka na rin para makita mo sila Mama at Papa."

He nod. "Okay, I'll just give you my gift later."

Nauna na akong maglakad, mula sa kinatatayuan ko, natanaw ko si Prince na seryoso ang mukhang nakatingin sa akin. May bitbit siyang black jacket, sa tingin ko ay sa kaniya iyon. Ipapasuot niya sa akin 'yan? Nang makalapit ako sa kaniya ay bahagya akong ngumiti. Ngunit magkasalubong ang kilay nang makita si Sean sa likuran ko.

"Let's go," sabi ni Prince bago ako marahan na hilahin. Hawak niya ang palapulsuhan ko at ang isang kamay niya'y bitbit ang jacket. Nagpatianod na lamang ako kahit ramdam ko ang tingin ni Sean sa likuran namin.

Nang makarating kami sa venue, napaawang ang labi ko. It's really on the seaside. Para silang gumawa ng malaking gazeboo ngunit gawa ito sa mga kahoy na poste, nakapulupot doon ang mga bulaklak. At ang buong gazeboo ay napapalibutan ng kulay buttermilk, at kulay wisteria na dimmed lights. Malawak ang gazeboo at ilang malalawak na table at buffets ang naroon sa loob nito.

May mga tao rin naman sa paligid at mga customers iyon, pero sa bandang venue na ginawa nila Mama, walang gumagawi roon. Maraming pagkain sa tables at buffets, may mga waiters na nagkakalat sa loob.

I saw my mother wearing her oceana plain dress with see-through sleeves. Her hair is flowing like mine. While my father is with his black long-sleeved polo and brown slacks. May mga kaibigan na silang nakaupo, may kinakausap sila roon at binabati. Samantalang lumipad naman ang tingin ko kay Denber at Flix at prenteng nakaupo sa isang round table sa gitna—na sa tingin ko ay para sa amin.

May nga napapatingin na mga babae sa kanila. They are also wearing formal polos. Samantalang ang katabi ko namang si Prince, naka-black formal attire rin. Ang lakas tuloy ng dating niya.

Nang makarating kami roon, agad napatingin sa akin si Mama. Marami siyang inimbita kahit sinabi kong ilan lang. Magiliw akong nilapitan ni Mama at Papa. Nagpaalam naman si Prince na pupunta muna siya kina Flix at Denber.

"Happy birthday hija!" batian ng mga inimbita ni Mama. Nagpasalamat ako sa kanila. Marami pang bumati sa akin, at gustong-gusto ko nang matapos dahil gusto ko nang kumain. Natanaw ko na kasi si Flix na lumalantak ng Japanese food na request ko pa kay Mama.

May malaking table roon, kung saan nilagay lahat ng mga nag-regalo sa akin. Napangiwi ako, sa tingin ko ay hindi ko rin naman 'yon papakialaman. Sa isang gitna ng buffet, nandoon ang four-layer na cake. Nagpunta kami sa harapan.

Love Between Past and Present [Vesalden Series#1]Kde žijí příběhy. Začni objevovat