Chapter 4

181 51 3
                                    

Allergic

Mas nagka-ilangan yata kami ni Prince dahil sa palaging panunukso sa amin ni Flix.

"Sa condo ko na lang, tinatamad akong magbiyahe para makipag-meet up." tamad na sabi ni Flix habang ngumunguya ng tsitsirya ko. Buraot ang lintik. Inis na kinuha ko sa kaniya ang binili kong chips.

"Ang dami mong pera, sa akin ka pa talaga nakiki-agaw ng meryenda." matabang na sabi ko. Nasa loob kami ng room namin, break time ngayon ngunit halos lahat kami tinamad na kumain sa cafeteria kaya matapos bumili ay umistambay na lang kami rito. Mangilan-ilan lang naman ang kasama namin dito.

"Ang damot mo naman. By the way, 'yong research natin, ikaw na lang, Charlotte ang gumawa pati si Denber. Matalino naman kayo." ngumisi pa siya. Ngumiwi ako sa suhestiyon niya.

Ilang linggo na rin ang nakalipas nang makilala ko sila. Ayos naman, kaso hindi ko inaasahang mas mapapalapit sila. Siguro dahil natatagalan ko ang ugali nilang paiba-iba. Guwapo man sa paningin ng iba, hindi ko na lang alam kung mapagtiya-tiyagahan ba nila ang pagiging bipolar ng mga ito.

"You're so fucking lazy." asik ni Denber sa kaniya, bahagyang tinadyakan pa ang desk ni Flix. Tumawa lang si Flix.

"Kahit kami na ang bahala sa pag-present at pag-encode, basta sumama kayo sa pag-survey. Pareho pa namang quantitative at qualitative ang research na dapat nating gawin." sabi ko.

"'Yong condo ko na nga ang gagawin nating lugar para pagkitaan sa paggawa, malaking ambag na iyon. Malapit lang din ang condominium na tinutuluyan ko sa mga kompanya roon, may mga bagong nagco-construct pa roon, maaari tayong mag-interview do'n." sabi ni Flix.

Napairap na lang ako. Katamaran.

"Si Jethro ang walang ambag dito, matalino naman pero hindi rin ginagamit ang utak. MagC-CEO ka ng ganiyan?" biro pa ni Flix kay Prince na nakaupo lang doon habang may kinakalikot sa cellphone niya. Seryoso pa rin ang mukha, ni hindi niya yata alam ang ngumiti.

"What do you suppose to say, Flix? I'm not dumb," sagot naman ni Prince. Ang tigas naman niyang mag-English. Kahit naman magaling ako roon, kung kaharap ko na ang fluent sa English, umuurong na agad ang dila ko.

"Ikaw na ang sagot sa kotse, kung may pupuntahan, ikaw ang magmamaneho. Isang kotse lang para tulong sa ekonomiya, walang masyadong gasolina ang makonsumo. Ikaw na rin ang bahala sa mga gagastusin, dapat may meryenda palagi." ngising-aso na sabi niya. Napabuntong-hininga na lang si Prince at tamad na tumango.

Napamura na lang sa gilid si Denber. Naiingayan na yata sa kaibigan, nagbabasa kasi siya ng libro. Huminga naman ako nang malalim bago nilabas ang isang libro para mag-advance reading.

"Bukas ng hapon na tayo magsimula, maraming gagawin, total ay two weeks from now on pa naman ang submission." sabi ko sa kanila. Sumang-ayon naman sila, kahit hindi sumagot si Prince dahil nakatutok pa rin sa cellphone niya.

Palagi na niya akong iniiwasan ng tingin lately. Nakakamiss tuloy 'yong nakakapanindig balahibong tingin niya.

Nagpatuloy na lang ako sa binabasa. Malaking pasasalamat ko na rin na sila ang group mates ko para sa research na ito. Sa totoo lang hindi ko in-expect na pipiliin nila ako, nagulat na lang ako na apat kami ang magkakasama.

Pag-uwi ko ay halos maingayan na naman ako kay Mama. Hapon na't magdidilim pero ang dami na namang sinasabi sa akin. Katulad ng healthy diet para raw mas humubog ang katawan ko. Napailing na lang ako.

"Sexy naman na ako, Ma." nakabusangot na sagot ko. Pinaghandaan pa talaga ako ng sandwich na puro gulay ang palaman.

"Ay kahit na!" pamimilit niya.

Love Between Past and Present [Vesalden Series#1]Where stories live. Discover now