Chapter 33

130 22 6
                                    

Tormentor

"Tumawag na ang Tita Amanda mo, kauuwi niya lang sa Pilipinas kaya ang pinsan mo ang nauna sa presinto para tingnan ang Papa mo."

Tulala ako sa kawalan nang sabihin iyon ni Mama.

"Anak, kumain ka naman. Let's just stay strong okay? Hihintayin natin ang pagdating ng Papa mo." Patuloy ni Mama habang pinipilit sa akin na kumain ako.

It's been a week. Dahil habol-habol kami ng media sa Pilipinas, wala kaming nagawa kung hindi ang mag-migrate sa New York. Ang bansang kinalakihan ni Papa.

My father has a half-sister. She's Tita Amanda. But since she got married with a Spaniard, hindi na namin alam ang nangyari. Maliit pa lamang ako noon kaya wala akong maalala. Isa pa, hindi naman daw kasi close rati si Papa at Tita Amanda dahil galit si Papa noon sa Mama ni Tita Amanda.

Papa is so traditional. Ang sabi niya, kahit pa raw mamatay ang taong mahal mo, hindi ka na dapat pang magmahal ulit para lang sumaya ka. Tatandaan daw na nangako ka pa rin sa altar, hanggang kamatayan iyon kaya manatiling makontento sa asawa kahit wala na.

My father's mother is American. Samantalang si lolo ay purong Pilipino. Ang Mama naman ni Tita Amanda ay American din. Magulo ang pamilya ni Papa. Iyon ang sabi niya, kaya lumaki akong walang alam sa kanila dahil ayaw ni Papa na ikwento sa akin iyon. Ni hindi ko nga alam kung sino 'yong pinsan ko o ano na ang apilyedo nila ngayon.

Kaya naman pareho kaming gulat ni Mama nang isang araw tumawag ito sa amin. Nabalitaan daw ang biglaang pagbagsak ng Zandoval at ang pagkakulong ni Papa. Nanguha na rin ang Tita ko ng lawyer para asikasuhin ang kaso ni Papa.

The investors pulled out their shares from my father's company. And many of them wants to own our company and sell it to the business industry since mataas parati ang sales dahil sa magandang pagpapatakbo ni Papa sa mga resorts at hotels namin.

Pinabagsak ng karamihan ang aming negosyo at dahil nasa 65 percent shares lang si Papa, marami pa ring pumiling magkampi-kampi upang kunin ang negosyo mula kay Papa.

Ang bilis ng pangyayari. Dahil lamang sa rumors na pagpatay ko sa anak ko, pati family business namin, nadamay.

"Charlotte... please..." pagmamakaawa ni Mama sa gilid ko.

Tiningnan ko siya. Namayat si Mama ng kaunti at halata ang stress sa kaniya. Bumuntong-hininga ako bago pinilit ang sarili na kumain na lang.

Lumipas pa ang ilang araw at hinintay namin ang resulta sa ginagawang pag-aasikaso ni Tita Amanda.

And it's a success. Ilang araw na lang ang hihintayin at susunod na rin dito si Papa.

"You all deserve a break, I'll visit you all after this matter." Tita Amanda said while we're on a video chat.

"Thank you, Amanda." Mama said. Ngumiti si Tita Amanda. Bagamat may katandaan ang edad ni Tita, maganda pa rin siya katulad ni Mama. Mas bata nga lang siya kaunti kaysa kay Papa.

"No need to thank me. Nabawi ko na ang ilang branches ng kompanya niyo, ako na ang bahala sa iba. Magpapatulong ako sa asawa ko. Bukas ay darating diyan ang anak ko. Babantayan muna kayo para mapanatag si Kuya Alexander." Mahabang litanya niya.

Love Between Past and Present [Vesalden Series#1]Where stories live. Discover now