Chapter 46

161 15 11
                                    

Punished

"Oh, gising ka na pala. Kumusta ang apo ko?"

Napangiti ako kay Mama habang nagluluto.  "Natutulog pa lang, Ma. Mamaya ko na lang siya gigisingin. Jet lag siguro."

Napatango si Mama bago binalik ang tingin sa niluluto. "Okay, sit there. I'll just finish this one."

"No, Ma. I'll help you. Gusto ko ring ihandaan ng pang-umagahan si Aviorre." Pagpupumilit ko naman. She chuckled.

"Alright. Pancakes with caramel syrup or chocolate syrup?" she asked me. Humalakhak ako. "Well, she love those. So it's a both."

We started cooking.

Sa totoo lang, medyo nahirapan kaming tumakas kagabi sa ospital. Sabi naman ni Mama, ayos lang na ma-discharge na ako kapag nagising na kaya walang problema pagdating doon. Kaso, may mga tauhan si Prince na bantay namin. I almost cussed because of that. Bakit niya kami pababantayan? Ni hindi ko nga nakita ang pagmumukha niya para dalawin man lang kami ni Aviorre sa buong araw na iyon.

At dahil doon, mas ginusto kong ilayo sa kaniya ang anak ko! Si Miles ang tumingin at namahala pansamantala sa kompanya dahil wala pa akong balak bumalik sa Manila. Nandito kami sa isang beach resort namin sa Palawan. Nakatira kami sa villa namin na pinatayo pa ni Papa noong buhay pa siya.

And back to my story, Mama fixed everything. She tricked Prince's men. Sa una, hindi talaga nila pinapakinggan si Mama dahil tanging salita lang daw ni Prince ang susundin nila. What a loyalty. Tch.

Pero nagpanggap si Mama na emergency na nawalan ako ng pulso—na naisip kong idahilan. Kaya hindi na sila nagkandaugaga pa. Nataranta sila at nagsitakbuhan papunta sa nurse station upang mag-request ng doktor na titingin sa akin.

Kinuha namin iyong pagkakataon para tumakas sa ospital.

"I know that, I've been so mad at Prince before. But, don't you really want to know what is he doing sweetie?" Mama carefully asked me.

Nilapag ko ang mga nalutong pancakes sa plato at nilagay sa ibabaw ng mesa. "I don't want to hear anything about him, Ma. I just want to focus with my daughter right now."

I heard her sighs. "Alright."

Tila may nais pa siyang sabihin pero tinikom na niya ang kaniyang labi. According to Mama, I've been confined for almost one week. Dahil daw iyon sa stress, at sobrang pagod. Idagdag pa ang natamo ko sa nasusunog na bahay.

Nakampante akong magpunta rito sa Palawan dahil may tiwala ako kay Klyffton na inayos na niya ang kaso kasama ang kinuha kong abogado sa ahensiya nila.

Iniwan ko si Mama sa kusina at dumiretso sa kwarto ko. Our villa is large. Ang pader ay mataas at semento, pero sa ibang parte ay salamin ito kaya nakikita namin ang magandang tanawin sa labas mula rito sa loob. Ang payapang karagatan. It's modern, with symmetrical furnitures and interior design. Sa totoo lang parang glasshouse na rin ito, pero ang mga pundasyon ay semento at matitibay na materyales.

We have three large rooms here. Ang pangatlo, kwarto ko. Unti-unti ko iyong binuksan at nakita ang anak ko na payapang natutulog. Nakayakap sa isang unan at bahagyang nakaawang ang labi. Napangiti ako bago lumapit sa kama.

Humiga ako at pinakatitigan siya. Ngayon, wala na talagang duda na anak ko siya. Kamukhang-kamukha ko siya. Iyon din ang sabi ni Mama.

Hinaplos ko ang mukha niya. Unti-unti kong hinalikan siya sa noo. Noong niligtas ko siya sa bahay ni Eliz, payat siya. Pero isang linggo lang akong nakatulog sa ospital, nagkakalaman na ulit siya.

Love Between Past and Present [Vesalden Series#1]Where stories live. Discover now