Chapter 45

176 17 5
                                    

Daughter



I was ready.




I was ready to run and go to that burning house when a loud familiar voice shouted my name. Natulos ako sa kinatatayuan. No. Damn it, how did he find me?




Agad akong natigil sa pagpasok sa bahay dahil muli siyang sumigaw. Pagtingin ko sa likod ko, nakikipag-combat na ang mga tauhan ni Klyffton sa mga wala nang armas na tauhan ni Eliz. Si Klyffton naman ay hinabol ako at hinila paalis sa bahay kahit nagpupumiglas ako. Si Prince naman ay umiigting ang panga na nakatingin sa akin, may convoy siyang mga tauhan at kaagad na lumahok sa pagpapabagsak sa mga tauhan ni Eliz.




"Paparating na ang mga firemen. Huwag mo nang piliing pumasok. May mga pumasok nang tauhan ko at hinanap ang basement. Paniguradong doon ilalagay ni Eliz ang anak mo. At isa pa, pumunta ka na sa boyfriend mo. Siya iyon, 'di ba? Si Prince?"




Pumiglas ako. Marami mang gumugulo sa isipan ko kung bakit tila may alam si Prince sa nangyayari at kung bakit nandito siya, kailangan ko pa ring makuha ang anak ko. Hindi ako mapapanatag hangga't hindi ako ang makakasalba sa buhay niya.




Inambahan kong tatakbo ngunit hindi pa man ako nakakapasok sa bahay ay may humablot sa akin nang maingat at kaagad na inilayo roon.




"What the hell are you thinking?! Are you planning to kill yourself?!" iritadong tanong ni Prince. Ngunit halos magmakaawa na ako para makaalis.




"Let go of me! I need to save her!"




Agad niya akong hinarap sa kaniya nang nasa labas na kami ng gate. Nasa likod kami ng sasakyan at may mga bantay na nakapalibot sa amin.




His bloodshot eyed met my pleading eyes. "You're not going to get inside that fucking house!"




I pushed him. "Don't order me around! I need to save the little girl!"




Akmang tatakbo na ulit ako pero pinigilan niya ako. "Fine! I'll go inside and save her but don't ever think about going inside!"




Alam kong galit siya. Pero bahid doon ang pag-aalala sa akin. Kaya mas lalong nangilid ang luha ko. Sinapo niya ang mukha ko at hinalikan sa noo.




"Please, stay here. I don't want you to get hurt. I will save the little girl, just... just stay safe here." His eyes were pleading. Kaya unti-unti akong tumango sa kaniya.




He once kissed me again on my forehead. "I love you,"




Matapos niyon ay tiningnan niya ang mga tauhan niya. "Secure her. If something bad happens to her..." banta niya, at tila alam na ng mga tauhan niya ang ibig sabihin kaya tumango sila kay Prince. Kita ko pa na may hawak na baril ang mga tauhan niya.




Saglit pa akong sinulyapan ni Prince bago pumasok sa loob.




Wala sa sariling napasilip ako sa paligid. Bagsak na ang lahat ng tauhan ni Eliz kahit iilan lamang ang nakilabang tauhan ni Klyffton. Si Klyffton naman ay ngayon kausap si Prince. Tumango ito kaya may sumama kay Prince na pumasok sa bahay na nasusunog.




Ang iba namang tauhan ay nagsimula nang sirain ang linya ng tubig para mapigilan ang pag-alab pa ng apoy. At dahil wala nang tauhan si Eliz, lumapit kami kay Klyffton. May kausap ulit ito sa earpiece niya at sa tingin ko ay mga tauhan niyang pumasok sa loob.




Habang nakatingin ako sa bahay na nasusunog, napadasal na lamang ako. Pinagpapawisan ako sa kaba, takot, at pangamba. Ang mag-ama ko pa naman ang nasa loob ng bahay.




Love Between Past and Present [Vesalden Series#1]Where stories live. Discover now