Chapter 29

104 22 8
                                    

Betrayed


Days went too fast.

Ilang araw pa lang mula nang umalis si Prince ay nangungulila na ako sa kaniya. We always communicate through laptop and phones, pero iba pa rin talaga kapag nandito siya mismo sa tabi ko.

Nakatira ako pansamantala sa bahay namin dahil bilin iyon ni Prince. Ayaw niyang naiiwan akong mag-isa sa condo niya.

Hinahaplos ko ang kwintas na regalo niya sa akin noong first anniversary namin. Natawa rin ako dahil pareho kami ng naisip nang magbigayan kami ng regalo. He gave me a necklace with a small little cloud. White gold iyon, pero ang cloud ay binuo gamit ang maliliit na pearls.

Halos pareho kami ng regalo para sa isa't-isa. I gave him a white gold bracelet. And of course it has small cloud formed by the small pearls.

He said, I don't like much lights in the sky, kaya cloud ang naisip niya na bagay para sa akin. At sa akin naman, naiisip ko siya kapag plain lamang ang kalangitan.

Hindi ko alam bakit mas gusto ko ang plain na kalangitan. Dahil alam kong ang mga ilaw ay hindi naman palaging nariyan para sa 'yo. You make your own light. That's it. Huwag kang makampante sa ilaw ng iba.

"Sweetie? Nathalia and Jaydrien are here, with Jallerim." Sabi ni Mama sa akin.

Bumalik ako sa huwisyo dahil sa narinig. Tumayo ako at sumama kay Mama upang salubungin sila. Bumaba na rin si Papa galing sa study room niya sa itaas. Off nila ngayon, it's Saturday.

"Oh my! It's good to see you again Avery!" Tita Nathalia greeted me with full of excitement. Jallerim laughed.

"OA mo Ma, noong isang araw lang natin binisita si Ate." Natatawang sabi ni Jallerim. But Tita didn't mind.

Magiliw din nilang binati ang mga magulang ko. Dito nila balak mag-stay hanggang gabi. Kaya naman masasabing kahit wala si Prince, naging masaya pa rin naman ako kahit papaano.

"Am I doing it right?" tanong ni Jall habang marahang iniipitan ang buhok ko. Nasa kwarto ko kami ngayon kasama si Jall at si Tita Nathalia.

"I think it's right." Sabi naman ni Tita Nathalia at nakisama sa pag-aayos sa buhok ko. Nasa harap kami ng vanity table. Inaantok ako sa ginagawa nila kahit hapon pa naman.

"Iniipitan ko rin naman ang buhok ko pero hindi 'yong ganito karaming pasikot-sikot. Kuya really study this stuff?" Natatawang sabi ni Jall. Inaantok akong tumango.

"Hija, do you want to sleep now? You look very sleepy." Sabi ni Tita sabay haplos sa pisngi ko. Napangiti ako at umiling sa kaniya.

"As much as I want po Tita, mamaya na lang. Hinihintay ko pa 'yong meryendang ihahatid mamaya rito ni Mama." Sabi ko. Sabay silang mag-inang humalakhak.

"Oh my, you're so wonderful. I wonder what is the gender of your baby." Nangingislap ang mga mata ni Tita habang hinahaplos ang malaking tiyan ko. I bit my lower lip to suppress my smile.

Balak namin ni Prince na sa araw na manganak ako, saka lang namin sasabihin. We want them to be surprised. Kahit pa may pangalan na ang anak namin.

"I'm also excited to see my pamangkin. If you'd only knew Ate how much Kuya shout to the world he's a father already." Napailing si Jall.

"Yes, he's too proud of it. Kahit sabihin nating maaga pa, nakakasabik pa ring magkaroon ng bata sa loob ng isang tahanan. Lalo na sa taong magkasintahan." Wala sa sariling sambit naman ni Tita Nathalia. I laughed mentally, she's too excited. Well I cannot blame it.

Pati ang media ay nakikiusisa na rin. Mabuti na lamang at marami kaming bantay.

Sakto namang nagkukuwentuhan kami ay pumasok si Mama bitbit ang tray na maraming nahiwang prutas. Agad naming pinagkaguluhan iyon pero mas marami ang para sa akin.

Love Between Past and Present [Vesalden Series#1]Where stories live. Discover now