Chapter 28

119 22 4
                                    

Italy

Mahirap maging buntis. Pero at least kaakibat niyon sa akin ang saya.

Saya, dahil nasa loob ng katawan ko ang magiging anak namin ni Prince. Saya dahil magkakaroon na kami ng anak. I love kids, pero hindi ko aakalain na mas mamahalin ko pa ang anak ko kahit hindi pa man ito lubusang buo sa tiyan ko.

Dati ay nanghihingi ako ng kapatid sa mga magulang ko, dahil pakiramdam ko nag-iisa lang ako. Hindi ko aakalain na darating ang araw na ito, na mismo galing sa akin, at sa taong mahal ko, magkakaroon ako ng sariling anak na magpapasaya sa akin.

Nang malaman naming buntis ako, parang gusto na rin ni Prince na ikasal kami, pero pinipigilan niya. Hindi dahil sa nagbago ang isip niya o ayaw niya, bukod sa gusto niya pagkatapos ng promotion ang kasal namin, ayaw niya rin namang mahirapan akong maglakad sa altar na mabigat ang tiyan aniya'y baka mahirapan ako. And I agreed, parang gusto ko rin kasi na saka lang kami ikasal kapag naipanganak ko na ang anak namin. Para makita niya kami kahit wala pa siya sa isip.

Those first months of my pregnancy have been so hard. Naninibago ako sa mga nararamdaman ko. Sa panlasa, oras ng pagtulog, pagkakaroon ng mood swings, at kakaibang kagustuhan ng pagkain. Lalo na ang morning sickness.

Naaawa na rin ako minsan kay Prince. Bago siya pumapasok sa trabaho, inaasikaso niya muna ako, at pagkagaling sa trabaho, aasikasuhin na naman ako. I was always assuring him that I'm okay and that he don't need to check up on me because I can take care of myself and I want him to take care of himself too. Pero ayaw niya. He insisted.

Though pagod siya, may ngiti pa rin sa labi tuwing inaalagaan niya ako. Marahil siya ay natatawa sa mga bagong ugali ko na siguro epekto ng pagbubuntis ko.

Maayos naman ang lahat. Kahit nakakapagod, mahirap, at hectic ang schedule, masaya pa rin kaming dalawa ni Prince. Minsan nag-aaway, pero natuto na rin kaming nag-adjust para sa isa't-isa.

I could tell that my relationship with my ex before was so immature. I am not trying to compare Prince and Zarm, I am just stating the fact.

Pero kasi kay Prince, nagsimula man kami sa kasunduan, sa kaniya naman ako nag-grow.

Sa isa't-isa kami natuto kung ano ang totoong relasyon. Kung paano magkaroon ng mature relationship.

Busy ako sa sala habang namamapak ng cookies na sinawsaw sa caramel. Gabi na kaya hinihintay ko ang pagdating ni Prince. Nanonood ako sa sala ng condo niya.

Five months na ngayon ang tiyan ko at malaki na ito. Hindi naman ako gaanong nahihirapan sa pagdadalang-tao, dahil nakaalalay parati si Prince sa akin.

Nakasuot ako ng yellow maternity dress. Ang buhok ay nakalugay dahil tinatamad akong mag-ipit ng buhok.

I already cooked our dinner. Siya na lang ang hinihintay ako.

I laughed while I was watching Disney Princesses. Napahawak ako sa tiyan ko at bahagyang hinaplos iyon.

Sa nagdaang mga buwan, hindi namin kinalimutan ni Prince na magpa-checkup sa obstetrics and gynecology. Palaging sinasakto iyon ni Prince sa tuwing weekend dahil iyon lang ang pahinga niya sa trabaho.

I was laughing hard when the door opened. Agad akong napatingin doon at biglang tumayo. Mabilis akong lumapit sa kaniya at niyakap siya. The moment he lift me up to carry me as I wrapped my legs around his waist, he chuckled and kissed me. Pinanatili namin ang distansya sa bandang tiyan ko kahit buhat niya ako.

I kissed his neck as he walked near the sofa. Umupo siya roon habang bitbit pa ako. As soon as he sat in there, he hugged me.

"Looking happy huh?" he chuckled. Kumalas ako sa yakap ngunit nasa kandungan niya pa ako. Nginitian ko lang siya. Nandoon na naman ang pagod sa mga mata niya na nahahaluhan ng saya habang nakatingin sa akin.

Love Between Past and Present [Vesalden Series#1]Where stories live. Discover now