Chapter 5

176 51 6
                                    

Condominium


"Thank you,"

I tried to calm my voice. Matapos kumain, ipinagpatuloy pa namin ang ginagawa hanggang sa mag-alas nuebe. Nagpresenta na rin siyang ihatid ako sa bahay. I couldn't process everything, I was all silent the way here, same to Flix and Denber. I want to think that it's because of the medicine I gave him.

Pero bakit parang ang babaw naman ng dahilan, 'di ba?

Nang tingnan ko siya, nakatingin siya sa harapan ng gate namin. Parang kinakabisado pa talaga ang lokasyon ng bahay namin. Tumingin naman siya sa akin bago simpleng tumango.

"Alright, I'll go ahead." mahinang aniya. Tumango naman ako bago tuluyang bumaba. Nagkatinginan pa kami.

"Ingat sa pagmamaneho," maikling sabi ko bago tipid na ngumiti. Gumanti rin naman siya ng tipid na ngiti bago tuluyang pinaandar paalis ang sasakyan niya. Pinanood ko pa na mawala ang sasakyan niya sa village namin bago binuksan ang gate namin. Exclusive village naman 'to kaya kampante sila Mama na huwag nang mag-assign ng guwardiya.

"Naka-Porsche ah? Bakit hindi mo pinapasok, anak?" napatalon ako nang marinig ang boses ni Mama. Nang mag-angat ako ng tingin, nakangisi siya at tumatagos ang tingin na para bang nakikita pa rin ang kotse ni Prince sa labas.

Nakapang-tulog na siya, nasa likuran niya si Papa, kung si Mama ay tila tuwang-tuwa, si Papa ay seryoso lang ang mukha.

"Yayamanin 'yon! Latest 'yong kotse, boyfriend mo ba 'yon anak?" kumikislap sa tuwa si Mama, sumabit pa sa braso ko. Hindi ako nakasagot dahil tumikhim si Papa, napatingin tuloy kami sa kaniya.

"Sino 'yon, Charlotte? Magha-hating gabi na, ngayon ka lang inihatid?" walang bahid ng tuwa na sabi ni Papa. Napalunok ako.

"Kaibigan ko lang po, Pa." kahit anong pigil ko ay medyo tensyonada ako dahil sa boses ni Papa. Naningkit pa ang mga matang nakatingin sa akin.

"Kaibigan?" hindi kumbinsidong tanong niya. Tumango na lang ako.

"Huwag kang magpaka-strikto! Paano magkakaroon ng bagong boyfriend ang anak natin niyan?" nagulat ako nang hampasin ni Mama si Papa. Napasentido na lang si Papa.

"Kung takot sa akin ang manliligaw sa anak natin, Chrisanna, ngayon pa lang ay hindi na ako payag. Ni hindi man lang nagpakilala iyon at nagpaumanhin na magha-hating gabi na ihatid ang anak natin."

"Papa. Sabi kong kaibigan ko lang iyon, at hindi siya nanliligaw. Na-late lang ako dahil tinapos namin ang outline para sa gagawin namin. Wala akong ibang ginagawa. He's not my suitor nor boyfriend." paliwanag ko.


Sa huli, napabuntong-hininga na lang si Papa bago ngumiti. "Alright, kumain ka na ba?"


Tumango naman ako.


Hindi ako nakatulog ng gabing iyon dahil balak ko na talagang kumuha ng condo. Nag-search na rin ako ng condo na hindi masyadong malayo sa university namin. Nakakita naman ako, maganda iyon at napapalibutan ng skyscrapers view. Five star rates naman iyon kaya nag-view through online na lang ako.


Pagkatapos ng last class ko bukas, titingnan ko na ito. Wala naman kaming gagawin bukas dahil sa sabado pa ang pag-survey at pag-interview namin. Natapos na rin naman ang mga ni-research namin through books and google at sinigurado naming gumawa na rin kami ng sariling opinion para hindi kami ma-plagiarize. Ginawa lang naming base iyong mga sites para may idea kami tungkol doon.


"Okay ka lang?"


Nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Flix sa tabi ko. Humikab akong tumingin sa kaniya bago tumango. Kumunot ang noo siya.


Love Between Past and Present [Vesalden Series#1]Where stories live. Discover now