Chapter 23

102 21 19
                                    

Babies


"I'm sorry for the little inconvenience, hija. Nice meeting you."



Naging mabilis ang pangyayari. Hindi ko namalayan, nang magpaalam si Mr. Venerialde para i-entertain ang bisita, pasimpleng tumayo si Mrs. Venerialde. Nagpaalam si Prince sa akin na kakausapin ang Papa niya kahit busy ito sa bisita. At hindi ko namalayan, na hinila ako ni Mrs. Venerialde upang makaalis sa floor ng venue. Kasama namin si Jall at ang isang ka-edad niya rin, ngunit sa hitsura alam kong kapatid ito ni Denber.



Naiwan sila Mama roon na nagtataka, siguro naki-usyoso sila roon. Hindi ko nga rin namalayan na isinama ako ni Mrs. Venerialde patungo sa itaas na floor ng kanilang hotel.



"It's okay, ma'am." Naiilang ako kasi hindi ko alam ang dapat gawin. Base sa reaksiyon ni Mrs. Venerialde kanina, alam kong tinatago niya ang nararamdaman niya. Agaran siyang umalis kasama kami. Ayaw sigurong makita pa na may kasamang iba ang asawa niya.



"Ma..." si Jall, may bitbit na tubig. Nasa isang presidential suite kami at nakaupo sa tanggapan. Kinuha ni Mrs. Venerialde ang tubig at binawasan ito ng kaunti.



"Ayos ka lang po, Tita?" tanong ng kasama ni Jall. Magkatabi sila ni Jall sa isang malambot na leather sofa. Tumango si Mrs. Venerialde bago nilapag ng walang tunog ang baso sa vintage glass round table sa harap.



"I am okay, I just want to talk with my son's girlfriend privately." Ngumiti siya sa akin. Hindi ko alam kung paano suklian, siguro kalahati sa sinabi niya ay totoo, pero ang kalahati ay pantakip sa sitwasyon kanina. Kaya sinabayan ko na lang si Mrs. Venerialde. Ngumiti rin ako sa kaniya ng buong puso.



"Nice meeting you rin po, Mrs. Venerialde." Magalang kong bati. Bahagyang namula ang pisngi niya na parang bata bago winagaygay nang mahinhin ang kamay.



"You can call me Tita, hija. Hindi ka na naiiba rito," ramdam ko na ang sinseridad sa boses niya at tila pansamantalang nakalimutan ang naganap.



Nagtitiwala ako kay Prince na hindi nga masisira ang party sa baba. Pero kanina pa ako hindi mapakali, nandoon si Eliz. Nagkausap ba sila? Malaki ang tiwala ko kay Prince, pero kay Eliz ako walang tiwala. Ano na kayang ganap sa ibaba?



Pero mabuti na lamang at natakpan na rin iyon dahil sa pag-uusap namin dito. Mabait si Tita Nathalia. Para siyang di-makabasag ng pinggan. Batang-bata siya kung tingnan at sobrang ganda. Mapusyaw ang balat niya at may kakaibang halo ng kulay ang buhok niya, samantalang si Mr. Venerialde ay itim na itim. Tila may half si Tita Nathalia, at tama ako roon. Sinabi niya na half British siya dahil taga England ang Papa niya.



I also met Eilmest Darviela. Kapatid nga ni Denber. Jall and Viela were best friends. Mas labid nga lang si Jall at mas malikot, samantalang si Viela ay tila nagdadalawang isip pa kung magsasalita, minsan nahihiya pero kalaunan ay naging palasalita rin sa akin.



We were all laughing because of Jall's joke when the door of the presidential suite opened.



"Wife? Nathalia, let's talk."



Kaboses ni Prince. Pati yata ako nanindig ang balahibo nang marinig ang boses ni Mr. Venerialde. It's deep and authoritative, like Prince' voice.



Natahimik kaming lahat. Si Tita ay isang beses lang sinulyapan ang asawa pero hindi niya ito pinansin. Kinausap niya si Jall at nagmatigas. Pero tila hindi mapakali si Tito at agarang kinuha ang atensyon ni Tita. Hinapit nito ang baywang ni Tita Nathalia at marahang hinigit patayo.



Love Between Past and Present [Vesalden Series#1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon