Chapter 22

110 21 7
                                    

Girlfriend


It's already vacation.

Hindi ako makapaniwala. Hindi ko akalaing magugustuhan ako ng isang Prince Jethro Venerialde. Kung nananaginip man ako, sana huwag na lamang akong magising. Everytime I'm with him, I feel complete.

Tila nagwawala ang mga sistema ko kapag malapit siya. Naiisip ko pa lamang ang madilim ngunit malamlam na mga mata niya, kumakaripas na ng tibok ang puso ko. I feel so special that he only stare like that to me. Sa akin niya lang pinapakita ang ibang katangian niya. Sana huwag nang lumipas ang oras.

From: Prince♥

I miss you.

Tumagilid ako ng higa. Simple lamang ang text niya pero pakiramdam ko, isang teenager pa lang ako na tinext ng crush niya. I replied.

To: Prince♥

I miss you too.

Nasa kaniya-kaniya kaming mga magulang para sa bakasyon na ito. Nakausap ko na rin ang mga magulang ko tungkol sa new year celebration na pinag-usap-usapan namin nila Flix. Pumayag sila at inalok pa ang bahay namin para gawing venue. Hindi rin naman daw tutol ang mga magulang nila, pumayag din daw sila nang malamang sa aming Zandoval magaganap ang selebrasyon.

I guess our surname really rings a bell. Sikat din naman ang mga Salvador, Walden, at lalo na ang Venerialde. Pero unti-unting napawi ang ngiti ko nang maisip ang mga magulang ni Prince. Kumusta na kaya sila? Ayos na ba? Wala namang naku-kuwento si Prince sa akin.

Humuni ang cellphone ko. Tiningnan ko iyon at tiningnan ang reply ni Prince.

From: Prince♥

Nandito ako sa tapat ng bahay niyo. Come here please, I miss you so much.

Nanlaki ang mga mata ko sa nabasa. Napakurap pa ako. Alas nuebe na ng gabi! Paniguradong nasa kwarto na si Mama at Papa. Nagbibiro ba siya? Hindi pa ako naniniwala nang mag-text ulit siya.

From: Prince♥

Baby, come here now. I want to see you.

Nang matantong seryoso talaga iyon, mabilisan akong kumuha ng gray knitted cardigan. Kakaligo ko lang naman, ni hindi ko na naipit ang buhok ko dahil sa pagmamadali. Nakasuot lamang ako ng faded denim shorts at white spaghetti strap shirt. Pinatong ko na lang ang cardigan ko.

Dahan-dahan akong bumaba. Maliliit na ilaw na lang ang nakabukas at patay na ang chandelier. Tulog na ang lahat. I don't know, but meeting him like this gave me thrills inside.

Agad akong lumabas nang hindi hinahayaan na tumunog ang pagsara ng double doors namin. Dumeretso ako sa gate at binuksan iyon nang walang tunog. Nakita ko kaagad si Prince sa dilim.

He's a bit leaning on his black ducati. He's sporting a black casual leather jacket and white tee shirt inside. Black ripped jeans, and paired with men's tactical combat black boots high cut. His hair were disheveled, but he's so looking expensive and handsome tonight. Idagdag pa sa angas niya ang hikaw at mga singsing sa daliri niya.

Pero agad kong naalis ang atensyon doon nang mabilis siyang lumapit sa akin at hinapit para sa isang mainit at mahabang yakap. Binaon niya ang mukha niya sa leeg ko. I smiled, slowly feeling my heart that is throbbing so fast. Ginantihan ko rin siya ng yakap at pinulupot ang mga kamay sa leeg niya hanggang batok.

"It's just fucking three days but felt like one month for me." He chuckled on my neck. Medyo nakiliti ako dahil doon. Humiwalay ako sa yakap at pinakatitigan siya. Nanatili naman ang mga braso niya sa baywang ko.


Love Between Past and Present [Vesalden Series#1]Where stories live. Discover now