Chapter 27

118 21 1
                                    

Welcome

Nang gabing iyon, maaga kaming umuwi ni Prince.

Plano niya pang sabihin sa mga magulang namin ang dahilan, pero sinabi kong huwag na lang. Baka nalamigan lamang ang tiyan ko. Marami pa namang guests kaya hindi pwedeng basta na lang silang iwan.

Prince was so worried. Halos hindi siya natulog kababantay sa akin. Nanatili namang ganoon ang katawan ko. Ayaw ko lang masyadong ipahalata kay Prince dahil bawat duwal ko gusto na niya akong idala sa ospital agad.

"Are you okay?" hindi pa rin mawala ang pag-aalala ni Prince. Nilingon ko siya. Tumango ako bahagya.

"Oo naman," sagot ko. Nasa kusina kami ngayon. Nagluluto siya ng breakfast naming dalawa. Maaga akong nagising dahil nagsusuka na naman ako kanina.

"Idala na lang kaya kita sa ospital, Avery? Nag-aalala ako. Bukas na ang simula ng trabaho natin, walang magbabantay sa 'yo." Sabi niya. Paulit-ulit na sumusulyap sa akin kahit may nakasalang sa stove.

"Hindi lang ako natutunawan sa pagkain." Depensa ko naman.

Kunot lamang ang noo niya at mabigat na bumuntong-hininga. Napakagat ako sa labi ko. Kumain kami ng sabay. As so far, mabuti na lamang at hindi na ulit nanlamig ang tiyan ko. Nagpahinga lamang kami maghapon sa condo dahil simula na ng trabaho namin bukas.

Nakahiga si Prince sa kama ng kwarto niya at nasa ibabaw ng matigas niyang tiyan ang laptop niya. Nasa vanity table naman ako at pinapatuyo ang buhok. Katatapos ko lang na maligo. Maaga kaming kumain pang-gabihan dahil maaga akong nagutom. Kaya naman pababa pa lang ang araw ay handa na kaming matulog. Inaantok na naman kasi ako kahit natulog naman ako nang mahaba kaninang tanghali.

Nang matapos, gumapang ako sa kama at sumiksik sa kaniya. Napatingin siya sa akin. Gamit ang isang kamay, agad niyang pinailalim ang braso niya sa baywang ko. Kaya ginawa kong unan ang kaunting parte ng dibdib niya para makita pa naman niya ang nire-receive niyang emails sa laptop.

"Sleepy already?" Prince huskily asked me. Tumango ako. Kiniskis ang pisngi sa kaniyang balikat nang magsawa ako kauunan sa dibdib niya.

"Just do your thing. It's okay to me." Pangungumbinsi ko naman.

"Alright." He said and gave me a light kiss on my forehead.

Hinayaan ko siya roon na mag-work sa laptop niya. Hindi ko na lang binasa dahil nabagot ako. Tumaas ako ng higa at ang buhok niya naman ang pinaglaruan ko. Inikot-ikot ko ang ilang hibla niyon sa daliri ko at bahagyang hinihila. Hindi naman nagreklamo si Prince, nanatili lamang ang isang braso sa baywang ko.

Nang magsawa sa buhok niya, bumaba na naman ako ng higa hanggang sa idantay ko ang isang hita ko sa hita niya. Saglit siyang napatingin sa akin habang nagbabasa siya. Nanlaki ang mata ko at nginitian siya. Napahalakhak siya sa ginawa ko pero tinulak ko na ang mukha niya para ipagpatuloy ang ginagawa niya.

Nang wala na naman sa akin ang tingin niya, niyakap ko siya patagilid at siniksik ang mukha sa leeg niya.

What the heck am I doing? I don't know. I just know that I love smelling him.

Kaso nga lang, nainis ako sa puwesto ko. Kaya pagapang akong lumipat ng puwesto sa kabila. Doon na ulit ako nagsisi-siksik kay Prince. Napakurap ako nang pinapanood na pala ako ni Prince. Amusement is on his eyes like he found something funny about me.

"What? Don't smile! Just work! I don't wanna see your ugly face." Inirapan ko siya. Ang guwapo naman niya... pero ngayon, ang pangit na.

Prince barked a loud laugh. "B-Baby, what's happening?" natatawa niyang tanong. Tinapik ko ang dibdib niyang matigas.

Love Between Past and Present [Vesalden Series#1]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora