Chapter 5: Chopped

75 5 0
                                    

Den's POV

Late na naman akong pumasok sa school. Late na rin kasi akong nakatulog e. Dahil sa kakaiyak.

Di ko matanggap na wala na ang bestfriend kong si Vina. Sino na lang ang magpapaalala sa'kin ng mga bagay na nakakalimutan ko lagi?

Pag-akyat na pag-akyat ko sa hallway, nagulat ako. Bat ang dami pang tao? E 9:30 am na ah. Ano kayang meron?

Lumapit ako sa pinagkakaguluhan ng mga tao. Nagpumilit akong makapunta sa gitna ng kumpulan sa pamamagitan ng paghawi sa mga tao.

Nung makarating ako sa gitna, nakita ko ang ate ni Saji na umiiyak. Sinusubukan niyang buuin ang pira-pirasong katawan ng kapatid niya. Halos lahat ng tao na nakakita na sa katawan ni Saji ay umaalis at nagsusuka.

"Bumalik na kayo sa mga classroom niyo." Rinig naming sabi ni Sir Prince na kasama yung pulis na kumausap yata kina Mich kahapon.

Pinilit nilang ilayo ang ate ni Saji pero ayaw din nitong sumunod. Pumasok na ako sa room namin. Wala na naman si Ma'am Ella. Maingay na naman ang lahat.

Para bang walang paki sa nangyari kay Saji. Hay, sila talaga ang mga tipong di madaling maapektuhan. Siguro nga ganun na talaga kami.

Binaba ko na ang bag ko sa upuan ko. Si Vina pa ang katabi ko dito dati pero lagi na lang akong mag-isa ngayon. Wala na ngang Vina, wala pang Anne na laging tumatabi sa'kin kapag wala si Vina.

"Den, sali ka samin." Sabi ni Lemon sa'kin at umiling lang ako. Alam kong kung nandito si Vina, ayaw niya na ganito kami. Nanahimik ang lahat nung bigla ulit mag-ring ang phone sa shelf. Sinagot naman yun ni Julie.

"Prada, my condolences sa pagkamatay ni Saji." Sabi nung nakakatakot at nakakapangilabot ng boses.

"When will you stop, stupid killer?" Tanong ni Arianne dun sa nakakatakot na boses/killer. Narinig naman namin ang nakakapangilabot na tawa ng killer.

"Kailan nga ba? Siguro pag patay ka na, Arianne. At pag naubos na ang 7-Prada." Sabi nung killer. Nagulat naman ang lahat dahil sa boses lang ni Arianne ay nakilala agad ito ng killer. Magtatanong sana sila pero binabaan na sila ng killer.

MidnightMarine♥

Vote, comment, and spread.

My Murder CatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon