Chapter 45: The plan

43 5 0
                                    

Mich's POV

Pagpapatuloy ng Flashback♦
"Palalabasin nating suicide ang nangyari." Sabi ni Arianne sa aming lahat. Sabay ng pagkakasabi ni Arianne noon, kumulog, kumidlat, at umulan na.

"Pero kailangan natin ng suicidal note." Sabi naman ni Julie. Lahat ng nandito, sang-ayon sa plano. Maliban sa nakatulalang si Vina. Kahit ako, di ako sang-ayon.

"E paano yun? Patay na nga siya." Sabi naman ni Lemon.
"May kaya bang gumaya ng sulat niya?" Tanong ni Ariel. Napatingin naman sa'kin si Orange.

"Kaya mo, di ba?" Tanong ni Orange sa'kin at tumango na lang ako. Kaya binigyan nila ako ng ballpen at papel.
"A-anong i-isusulat ko?" Tanong ko sa kanila.

Labag ito sa kalooban ko. Pero natatakot ako na baka ako naman ang isunod nila sa kanya pag di ko 'to ginawa.

"Sige, ididictate ko." Sabi ni Arianne.

"Dear Lord,
Ang sakit sakit na po ng nangyayari sa'kin. Bakit po ba kailangan akong magkaroon ng problema sa buhay?

Di po ba pwedeng happy na lang ako araw-araw? Ang tanga ko kasi eh. Napakatanga ko.

Di ako matalino kaya pinagtatabuyan ako ng mga magulang ko. Lagi na lang ang mga kapatid ko ang nakikita nila.

Lord, sana mapatawad niyo ako sa gagawin ko. Ako na lang po ang tatapos ng buhay ko. Di ko na po kasi kayang hintayin ang oras ko." Yan ang ipinasulat sa'kin ni Arianne.

Nung natapos ko na, itiniklop nila yun at nilagay sa mga gamit niya. Tumawag na din sila ng ambulansya.

"Hello... Yung kaibigan po kasi namin... Nandito po kami sa tulay ng Starmount Village... Sige po..." Sabi ni Arianne sa kausap niya sa telepono habang medyo umiiyak pa kunwari. Napakagaling niyang umarte.

Mayamaya, dumating na ang ambulansya. Pinuntahan nila ang katawan niya na nasa isang bato. Doon siya bumagsak at bali na ang mga buto niya dahil sa taas ng pagkakahulog niya.

"Ano bang nangyari?" Tanong ng pulis kay Arianne.
"Kasi po nawala siya kagabi. Hinanap po namin siya at dito na namin siya nakita. Di na po namin siya naabutang buhay." Pagsisinungaling ni Arianne at tumalab naman.

Sinamahan niya pa kasi ng iyak e. Sunod namang pinuntahan ng mga pulis ang kwarto niya. Doon, nakita nila ang sulat. Dineclare na rin nila na suicide ang nangyari.

"Hija, parang kanina ka pang tulala ah? Ayos ka lang ba?" Tanong ng isang pulis kay Vina. Pero di siya sumagot.

"Bestfriend po kasi siya ng namatay." Sabi na lang ni Lemon sa pulis. Umayon ang lahat sa planong pinag-usapan.
End of Flashback♦

Matapos kaming umalis sa Starmount kasama ng mga pulis, iniwan na rin namin ang alaala doon. Akala namin okay na ang lahat nang paniwalaan kami ng mga pulis pero eto nga't isa-isang pintay ang mga kaklase namin.

Di namin alam kung kailan niya rin kami papatayin. Dapat lang 'to samin. Lalong-lalo na sa akin. Kung di ako nagsulat, malalaman ng lahat ang totoong nangyari. Mabibigyan siya ng hustisya. Pero takot ang nanguna sa'kin noon.

"Naghihiganti siya." Sabi ni Julie samin.

"Sigurado akong kilala natin siya." Sabi naman ni Lemon. Oo, naghihiganti ang killer para sa kanya. Pero sino nga ba ang killer na ito? Sino ang tao sa likod ng maskarang suot niya?

Vote, comment, and spread.

Abangan sa Chapter 46: Who are you?

"Bakit mo kami binalik sa lugar na 'to?! Bakit mo alam ang nangyari?! Sino ka ba?! Sino ka ba talaga?!" Umiiyak na sigaw ni Arianne sa killer.

My Murder CatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon