Chapter 55: North West

43 4 0
                                    

Den's POV
Naghiwalay na kami ni Lemon. Hinihingal ako pero kailangan kong tumakbo. Lalo na't alam kong hinahabol na ako ni Alvino ngayon.

"Den, bakit ba ayaw mong magpahuli?" Tanong ni Alvino sa'kin.
"Kasi sinisiguro kong di ako mamamatay sa araw na 'to." Sabi ko naman sa kanya habang tumatakbo pa rin.

"Bakit ayaw mong mamatay? Ayaw mo pa bang makasama si Vina?" Tanong niya sa'kin.

Oo, gusto ko siyang makasama. Pero di ngayon. Masyado pa akong bata para mamatay.

"Di ako mamamatay! Dahil alam kong kung buhay man siya ngayon, di niya rin gugustuhin ang kagustuhan mong yan!" Sigaw ko kay Alvino at nadaplisan naman siya sa braso nung barilin ko siya.

Tumakbo na rin ako nung ma-focus ang tingin niya sa braso niyang natamaan ng bala. Yes, nakatakas ako! Wooh!

"Pvtangina naman oh! Bumalik ka dito Roaden!!! Bwisit! Natakasan ako!!! T^πgiπ^!" Rinig kong sigaw ni Alvino.

Agad ko rin namang hinanap si Lemon. Nagulat naman ako nang may nakabangga ako sa pag-atras ko.
"Walang hiya ka. Ginulat mo ko." Bulong ko kay Lemon.
"Baka kasi ikaw lang yung nagulat." Sabi niya naman sa'kin. Hay, 'tong taong 'to.

"Tara puntahan na natin sila Orange." Sabi ko kay Lemon.
"Tol, nakikita mo na ba ulit yung leon?" Tanong ni Lemon sa'kin.
"Di pa. Di ko alam kung nasaan na." Sabi ko naman sa kanya at pumunta na kami sa direksyong pinasok nila Orange kanina.

Buti na lang at di pa sila gaanong nakakalayo mula dun sa entrance kaya nahanap agad namin sila.
"Nakatakas kami." Sabi ni Lemon kina Orange. Di ko alam pero kanina pa talaga namin sila natatakasan.

"Buti naman. Tara na." Sabi ni Mich. Nagtanong din sila tungkol sa leon ni Alvino at di pa rin daw nila ito nakikita.

Saan naman kaya nagtungo ang nilalang na yun? Hay, di bale na nga lang.

"Anong oras na?" Tanong ko kay Orange. Tiningnan naman niya ang relo niya.
"6:17 AM." Sabi niya. It's almost seven. Kailangan na naming mapatay ang halimaw na si Alvino.

"May sugat na siya sa braso. Mahihirapan na siyang makipaglaban." Sabi ko sa kanila at napangiti na lang sila.

Panginoon, tulungan niyo po kaming talunin si Alvino. Alam po naming noong una ay kami ang nagkamali. Pero po ngayon, alam naming nasa tama kami. Amen.

Diyos na lang ang tanging pag-asa namin.

Alvino's POV
Napakagaling ng final four ng Prada. They're like warriors. Ang hirap nilang hulihin. Magkakaparehas lang naman kami ng sandata.

Si Tajimi, hinayaan ko na lang muna siyang umalis. I'm going to fight this battle on my own.

Vote, comment, and spread.

Abangan sa Chapter 56: 4 vs. 1

"Apat kami at isa ka na lang. Asan na ang sinasabi mong alas? Nagsawa na rin ba siya sa'yo?" Tanong ni Mich kay Alvino at nag-init naman ang mata ni Alvino.

My Murder CatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon