Chapter 28: Asha

50 4 1
                                    

Asha's POV

Ako si Asha Janelle Santos. Isang drug addict. Takas sa rehab center. Pinaniwala ko na lang ang mga magulang ko na hindi na ako humihithit at sumisinghot ng drugs.

Kumikita rin kami dahil sa mga bisyo namin. Tulak ng drugs, benta ng alak, mga ganun.

Pero bakit nga ba ako naging drug addict? Its just that my parents never noticed me. Lagi na lang si Shenna.

Isa pa, nagda-drugs din naman si Papa. Marijuana ang gamit niya. Sabi daw kasi pampataba yun.

Ewan ko kung maniniwala ako kasi kahit ilang taon na akong nag-mamarijuana, di pa rin ako tumataba. Mas pumapayat pa nga ako e.

Pumasok na ako ng bahay namin. Sigawan na naman ng mga magulang ko ang naririnig ko.

"Asan na yang kabit mo?! Bakit hindi mo ilabas?!" Sigaw ng nanay ko sa tatay ko. Perfect na sana ang buhay ko. Yan nga lang ang problema. Kaya rin ako naging ganito, dahil sa kanila.

"Wala nga!" Sigaw naman ni ama.

Hay, tanga talaga ng nanay ko. May tao bang aamin sa kasalanan? Wala naman di ba?

Ako nga, nung may nakita silang shabu sa kwarto ko, di agad ako umamin e.

Kaso pina-drug test nila ako kaya ako nabuking. Kaya nga minsan ayoko sa technology e.

Pero ngayon, mas maingat na ako sa pagtatago ng drugs ko 'no.
Nilalagay ko sa isang lugar na ako lang talaga ang nakakaalam. Sa box na nakadikit sa ilalim ng kama ko. Haha. Ginawa ko lang. Para di halata, di ba?

Umakyat na ako sa hagdan. Napadaan naman ako sa kwarto ng kapatid kong si Shenna. Binuksan ko ang pinto. Ganun pa rin ang gamit niya. Walang pinagbago kahit wala na siya.

Patay na siya, oo. Namatay siya nung minsan siyang naglayas dahil sa pag-aaway lagi ng parents namin.

Nasagasaan siya. Pero kinasaya ko yun dahil inakala kong pag nawala siya, mapapansin na ako ng mga magulang ko. Di pa rin pala.

Mas inisip pa nila lalo si Shenna kahit wala na siya. Ano bang meron si Shenna na hindi nila makita sa'kin? Matalino naman ako. Parehas lang naman kami pero mas napapansin pa rin siya.
Pumasok na lang ako sa kwarto ko at binuksan ang tv.

"Isang bangkay po ang natagpuang nakasako at tinapon sa isang ilog. Napag-alamang ito ay si Giselle Troane na anak ni SPO3 Chiselva Troane at Colonel Hamine Troane.

Nag-aaral din daw siya sa Creamton Academy na napag-alamang may mga nawawalang estudyante.

Sa ngayon ay inaalam pa ang dahilan ng kanyang pagkamatay." Sabi nung reporter sa tv. Napangisi na lang ako.

Ngayon lang nila nahanap 'yang tangang yan? Naalala ko tuloy kung paano siya binaril ni Harumi. Kung paano rin namin siya tinakam ng pagkain.

"Mga tanga nga naman, nagkalat na sa mundo." Sabi ko at nilipat na ang channel ng tv.

MidnightMarine♥

Vote, comment, and spread po. gavvtoboso, yung CHANNEL daw ng tv. Haha lolz XD.

My Murder CatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon