Chapter 18: Letter

41 4 0
                                    

Orange's POV

Nagising ako nang maramdaman kong may umaalog sa'kin. Nagdilat ako ng mata. Naaninag naman ng mata ko si Lemon. Ano ba yan? Siya talaga ang pambungad? Tsk.

"Anong ginagawa mo dito? Bakit ka nanggigising? Kitang natutulog ako, e." Sabi ko sa kanya. Di niya ba alam na wala pa akong kumpletong tulog? Tsk.

"Eee. Nawawala na rin si Ariel at may iniwang sulat para sa'kin." Sabi ni Lemon. Napabangon naman ako at nagkauntog pa kami.

"Kung para sa'yo pala, bat ka pumunta dito?" Tanong ko. E kasi naman di ba? Ang layo kaya ng Orange sa Lemon.

"Kinakabahan kasi ako eh," sabi sa'kin ni Lemon. Kinuha ko naman ang envelope na hawak niya.

"Vina: †
Celine: †
Saji: †

Ella: †
Min: †
Mara: †

Angelo: †
G: †
JC: †
Yaki: †

Julie: √
Ariel: √

Sinong susunod? Ikaw, Lemon. The ever intelligent treasurer. Get ready!!!"

Pagbasa ko sa letter. Natakot si Lemon at pumunta sa isang sulok ng kwarto ko at siniksik ang sarili niya doon.

Nakunot naman ang noo ko. Kung ganun, by order kaming officers? Pag nakuha si Lemon, ako ang isusunod? Ganun ba? Lumabas ako ng bahay habang dala ang sulat.

"G*gong killer! Alam kong nandyan ka lang! Para sabihin ko sa'yo, di ako natatakot sa'yo!" Sigaw ko at tinapon na ang letter sa basurahan. Bwisit! That man is a son of a bitch. He's crazy. Why is he doing this to us?

Harumi's POV

"G*gong killer! Alam kong nandyan ka lang! Para sabihin ko sa'yo, di ako natatakot sa'yo!" Sigaw ni Orange at tinapon ang letter sa basurahan. Napangisi naman ako.

"Dapat ka nang matakot. Kasi nalalapit ka na rin." Sabi ko mula sa malayo.

My Murder CatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon