Chapter 37: Punishment

48 4 0
                                    

"Lahat ng kasalanan may kaparusahan."--MidnightMarine

Julie's POV

Nandito pa rin kami sa lugar na 'to. Bihag pa rin kami ng walang hiyang killer na yun. May pumasok naman na lalaking naninigarilyo. Nakasuot siya ng all red na damit. Naghanda siya ng projector at laptop.

Mayamaya, pumasok na rin ang lider nila na naka-all black. Siya ang nag-play ng video. Pinakita kung paano nila pinatay ang mga kaklase namin.

Dahil rin sa sobrang pandidiri, napasigaw na kaming mga babae. Ang mga lalaki naman ay nagsuka na. Ang brutal ng pagpatay sa kanila.

"Wala kayong awa!" Sigaw ni Arianne sa kanila.

"Bakit tingin niyo ba may awa din kayo, ha?!" Sigaw nung naka-all black na lalaki samin.

"Bakit mo ginagawa 'to?" Tanong ko habang umiiyak pa rin.

"Yan ang parusa ko sa inyo." Sagot naman nung killer.

"Parusa? Para saan?" Nagtatakang tanong ni Mich dun sa killer.

"Bakit ko sasabihin? Hintayin niyo na lang! Kasi unti-unti niyo rin 'yang malalaman." Sabi naman nung killer samin kaya lalo kaming nagtaka. Umalis na yung killer at sumunod naman sa kanya ang mga alipores niya.

"I can't go wrong. Ka-edad lang natin siya," sabi ni Lemon. Tama. Sa height niya pa lang. Bata pa siya, pero bakit siya pumapatay? Ano bang nagawa namin sa kanya?

Harumi's POV

7-Prada, ipapaalala ko talaga sa inyo ang mga ginawa niyo. Paparusahan ko kayo hanggang sa maalala niyo. Masyado niyo akong ginagalit.

♥MidnightMarine♥
Vote, comment, and spread. Sorry po kung maikli ah.

My Murder CatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon