Chapter 33: Fraine

43 4 0
                                    

Fraine's POV

Ako si Fraine Darwin Rivera. Killer at alcoholic. Nagkaganito ako dahil sa pagkawala ng bestfriend kong si Jamil.

Lalaki siya. May pumatay sa kanya. Isa dun ay ang mga bihag ni Harumi. Si Flicker. Mukha man siyang inosente, pero hindi.

Katulad lang din namin siya. Kaya nga, pinipigilan ko ang sarili kong patayin siya pag nakikita ko siya dahil alam kong di pa yun ang tamang panahon.

Pero sa araw na papatayin na ni Harumi ang mga bihag niya, ipapaubaya niya daw sa'kin si Flicker.

Ako ang papatay sa g*gong yun. Igaganti ko si Jamil. Hindi ako papayag na hindi ako ang tumapos sa kanya.

Wala namang naging kasalanan si Jamil. Di naman kasalanan ang manalo sa DOTA. Hanggang ngayon ay di pa rin ito alam ng mga magulang ni Jamil.

Di nila alam na alam ko kung sino ang pumatay sa anak nila. Kasama ako ni Jamil nung gabing yun. Natalo si Flicker sa DOTA at inabangan niya si Jamil sa kanto.

Nung hinahabol na ni Flicker si Jamil habang may dalang dos por dos, pinatakbo na ako ni Jamil.

Tumakbo ako nun at nagtago sa isang malapad na poste. Doon ko nakita ang lahat. Nang tanungin ako ng mga magulang ni Jamil, sinabi kong di ko alam ang nangyari dahil nauna akong umuwi sa kanya.

Gusto ko kasi, ako ang makahuli at makapatay kay Flicker. Di rin naman kasi siya ikukulong ng mga pulis dahil sa menor de edad pa lang siya.

Kaedad ko sina Harumi at ang mga kasamahan ko. Tinigil lang namin nila Harumi ang pag-aaral namin dahil makakasagabal lang ito sa mga plano namin.

Its always a pleasure to kill.

Vote, comment, and spread. Byee.

My Murder CatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon