Chapter 25: Escort

46 4 0
                                    

Den's POV

Ako na lang mag-isa dito sa bahay. Lumabas ako sa kwarto ko habang dala-dala ang isang swiss knife at cutter. Binili ko lang 'to kahapon nung makalabas ako sa bahay nina Mich.

Narinig kong may tumunog sa 1st floor ng bahay. Dahan-dahan at tahimik akong pumunta sa may sulok ng 2nd floor.

"Bakit mo pinili 'to, Den?!" Rinig kong tanong nung killer. Bakit nga ba?

Siguro dahil mas gugustuhin kong makuha at mamatay para makasama ko na ang bestfriend kong si Vina sa langit.

Mahal ko siya, oo. Kaso masyado ng late para sa nararamdaman ko. Bakit ko pa kasi dineny sa sarili ko ang lahat noon e?

Noong nawala siya, ginawa ko lahat para mahanap siya. Nung namatay siya, kung pwede lang talaga--- kung posible lang, bubuhayin ko siya.

Kaso imposible nga e. Di ko namalayang tumutulo na pala ang luha ko. Kinagat ko na lang ang labi ko para mapigilan ang aking paghikbi.

Sinilip ko kung nasaan na ang killer at nakita ko siya sa may sala. May dala siyang pusa. Napakalaki, nakakatakot. Puting balahibo, asul na mga mata.

Lalo akong naiyak nung makitang umakyat dito ang pusa. Napasigaw naman ako. Nakita ako ng killer at nagsimula na akong tumakbo.

"Halika rito, Den! Desisyon mo 'to, diba? Bakit hindi mo panindigan? Naduduwag ka na naman ba?" Tanong nung killer habang hinahabol ako.

Bumaba ako sa first floor at tumakbong muli. Ano bang sinasabi niya? Dahil sa pag-iisip, bumagal ang pagtakbo ko.

Binilisan kong muli at di ko na nakita ang killer sa likod ko. Pero nagulat ako nang makita kong nasa harapan ko ang malaking pusa na tumatakbo rin.

Bumalik ako sa likuran at naharang ako ng killer. May pinaamoy siya sa'king panyo at nakakapanghina ito. Nung gumaan ang katawan ko, naramdaman kong may sumalo sa akin.

My Murder CatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon