Chapter 16: President

74 4 1
                                    

Julie's POV

Mag-isa na naman ako dito sa bahay. Tsk. Late kasi ako nagising. Naiwan tuloy ako sa lakad namin nila Mama. Tumayo na ako sa kama ko at humarap sa salamin.

"Ganda ko talaga. Hahaha joke." Sabi ko nung nakaharap ako sa salamin.

Pumunta na ako sa kusina para kumain. Swerte namang may iniwang pagkain sina Mama sa'kin.

Yehey! Maglalamon na ako. Kumuha ako ng plato tapos utensils at saka baso tapos pitsel na rin.

Umupo na ako sa mesa at kumain. Hmmm. Yummy. Tosilog.

Nung naghuhugas ako ng pinggan, di ko alam pero parang kinakabahan ako. May narinig naman akong ingay dun sa sala.

"Meow." Rinig ko. Hay, pusa lang pala. May pusa na naman sigurong nakapasok. Yung kapitbahay kasi e.

Tinapos ko lang ang paghuhugas ng plato ko at dinala yung mug ko na may tubig papuntang sala.

May tumunog naman ulit at napalingon ako dun sa may mga vase. Nakita ko ang isang malaking pusa. Puti ang balahibo at asul ang mata.

Naibagsak ko naman ang mug na hawak ko at tumakbo na agad ako. Tiningnan ko kung hinabol ako nung pusa at oo.

May kasama siyang lalaking naka-all black tapos nakamaskara. Siya ba ang killer? Pumasok ako sa kwarto ko.

"Julie, Julie is the President of Prada. But she doesn't want to be caught. Why oh why? Please tell me why." Kanta nung killer.

Di ako pwedeng magkamali. Yan ang nakakatakot na boses na tumatawag sa amin.

"Why?!!!!!" Malakas niyang tanong at bigla namang nasira ang pinto ng kwarto ko.

Nagsimula ng manikip ang dibdib ko. Inaatake na naman ako ng hika ko. Lumapit siya sa'kin na may hawak na kutsilyo. Sisigaw na sana ako kaso nagsalita siya.

"Sige. Sumigaw ka kung gusto mong patayin talaga kita ngayon." Sabi niya sa'kin.

Sinubukan kong tumakbo sa CR ng kwarto ko kaso shutangina, nahila naman niya ang paa ko. Ugh!!!! Hinila niya nga ang paa ko at tumama ang ulo ko sa sulok ng kama.

Nagdilim na ang paningin ko sa paligid at tuluyan na akong nawalan ng malay.

Harumi's POV

Dinala ko na si Julie sa headquarters. Nandito naman sina Lopi at Yeshi para bantayan siya eh.

"Ano? Sino ang isusunod natin?" Tanong ni Asha sa'kin. Sino pa nga ba?

"Edi si Ariel. Ang pinakamamahal ni Julie at ang VP ng Prada." Sagot ko naman.

Sisiguraduhin kong walang kahit isang makakatakas sa kanila. Di ko hahayaang may kahit isang matira. Di ko hahayaang di sila magbayad sa ginawa nila sa kanya.

My Murder CatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon