Chapter 34: Kio

46 4 0
                                    

Kio's POV

Ako si Klyde Iñigo Ongoco. Kaya naging Kio dahil yun ang initials ng pangalan ko. Isa akong killer at addicted to cigarettes.

Nangyari 'to nung namatay ang papa ko na kakampi ko sa lahat ng problema ko. Siya lang ang nakikinig sa'kin. Namatay siya because of lung cancer.

Wala na akong paki kahit parehas pa kami ng cause of death. Basta ako, inis pa rin ako sa Diyos.

Simula nung mamatay si Papa, di na talaga ako lumapit sa Kanya. Kahit sa simbahan, kahit sa rosary, kahit sa bibliya, o kahit sa Sto. Niño pa.

Galit ako sa kanya--- galit na galit. Hindi siya ang naging sandigan ko. Kundi ang sigarilyo. At least, nakakalimutan at nalilihis ako sa mga problema ko dahil sa paninigarilyo.

Mahirap ng mag-resist sa sigarilyo. Lalo pa ngayon na pakiramdam ko mababaliw ako pag nauubusan ako ng sigarilyo o nakakalimutan ko ang lighter ko. Sigarilyo na ang buhay ko.

Ayoko sa nanay ko. Wala siyang ginawa kundi pigilan ako. Ayoko rin sa mga kapatid ko, dahil sa kanila, never akong napansin ni mama.

Lagi na lang mali ko ang nakikita nila. Kaya heto ako, nagrebelde. Ngayon, sa isang condo unit ako nakatira. Ang perang nakukuha ko mula sa pagtutulak ng drugs, yun ang pinambabayad ko dito.

Yun ang negosyong binibigay samin ni Harumi. Ayos nga e. Kasi buy and sell ang ginagawa niya sa droga. Buy para sa kanya. Sumisinghot din kasi yun. Tapos kami naman ang mag-sesell.

Kung magkano man ang kitain naming pera, amin na lang yun. What we earn is what we get.

Pero ngayon, bibisita daw ang mga kapatid ko dito. Di ko alam kung bakit. Pero inutusan siguro ng nanay namin. Niligpit ko na ang lahat ng bakas ng sigarilyo dito sa kwarto ko at nag-spray ako ng air freshener para naman di maamoy ang amoy ng sigarilyo.

Mayamaya, may kumatok kaya tinago ko muna ang air freshener saka ko binuksan ang pinto. Pumasok ang mga kapatid ko. Umupo sila sa sofa kahit di ko naman sinabi. Lakas ng loob eh.

"Bat kayo pumunta dito?" Tanong ko sa kanila.

"Sinabihan kami ni mama." Sagot nila. Yun lang naman pala yun e. Mga 'to talaga sa nanay nakadepende. Siguro may kapalit na pera. Nagtaka na rin siguro sila kung paano ako nabubuhay mag-isa.

Vote, comment, and spread. Byee...

My Murder CatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon