Chapter 58: Peace

55 5 0
                                    

Mich's POV
Di ako makapaniwalang makakaabot kami dito. Buhay pa kami. Ang saya saya. Di ako makapaniwalang nangyari ang lahat.

Noong una, akala ko di ako mabubuhay. Salamat lang talaga sa mahiwagang bakal ni Orange at kay Lord na nagligtas sa'kin.

Hay, di ko mapigilang di ngumiti dahil sa sayang nararamdaman ko ngayon. Narinig naman namin ang wang wang ng police car.

"Hay sa wakas, makakauwi na rin tayo." Sabi ni Den nung makarating na ang mga pulis. Pinasakay na nila kami sa police car ni SPO3 Mercado.

Tinawagan na rin nila ang mga magulang at kamag-anak namin at ng mga namatay. Masaya nga kaming nabuhay kami, pero sila. Malungkot sila dahil namatayan sila. Dumating sila mama at papa na magkasama. Wow, first time.

"Okay ka lang? May masakit ba sa'yo?" Tanong ni mama sa'kin. Umiling na lang ako. Dumating ang mga magulang nila Den, Lemon, at Orange. Nag-aalala ang mga magulang namin.

"Kamusta ang breathing mo?" Tanong naman ni papa sa'kin.
"Okay lang po." Sabi ko naman.
"Anong okay? Ang dishonest mo talaga." Sabi ni Orange kina mama at papa kaya pinanlakihan ko na lang siya ng mata at nanahimik na.

SPO3 Mercado's POV
Natapos na rin sa wakas ang kasong ito. Nahanap na namin ang pending na mga listahan ng missing na estudyante ng Creamton Academy.

Sinabi nila sa akin ang nangyari at sinulat ko naman yun sa report notebook ko. Itong Alvino pala ang killer.

"Alam niyo ba ang reason ng pagpatay niya?" Tanong ko sa kanila.
"Di niya sinabi samin e." Sabi na lang nila at bumalik na sa mga magulang nila.

Kinuha na namin ang mga bangkay na nagkalat sa buong Starmount. Ang daming namatay.

Pero swerte pa rin at may apat na survivors. Napakatapang nila para makipaglaban sa isang killer.

Ngayon, umiiyak man ang mga magulang ng mga namatay, alam ng lahat ng nandito na mapayapa na sila. Naabot na nila ang kapayapaang inaasam nila.

Ngayon, wala ng mamamatay.

Orange's POV
Nag-uusap usap kami nila Mich ning biglang dumating si Miss Lizette Creamton. Siya ang school principal at asawa siya ni Mr. Alfred Creamton.

"Tomorrow will be your recognition day at dahil apat na lang din naman kayo sa klase, umattend na kayo. And we will also have the prayer for your classmates tomorrow. So, I'll just see you at Creamton. That's 3:00 PM sharp." Sabi samin ni Miss Lizette at umalis na rin agad.

Hay, katapusan na rin ng school year. Mag-hehello second year na kami. Dahil apat na lang din kami, siguradong isasama na kami sa Prima.

Vote, comment, and spread. Last chapter na po ang next dito. Byee.

My Murder CatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon