Chapter 13: Snakes

50 4 0
                                    

JC's POV

"Hey, JC." Tawag sa akin ng isang lalaking nakahoodie at nakamaskara. Hila-hila niya ang isang malaking pusa.

"Sino ka?" Tanong ko sa kanya.

"Tsk. Kailangan mo pa bang malaman? Mamamatay ka rin naman e." Sagot nung lalaki sa tanong ko. Nanlalaki pa ang mga mata niya. Nakatitig lang ako sa malaking pusa sa harap ko.

"Wag mo siyang tingnan. Di yan ang papatay sa'yo." Sabi niya sa'kin.

"Well, may tanong lang ako. Gusto ko yung honest answer kundi mamamatay ka agad." Sabi nung lalaking nakahoodie tapos umupo sa harapan ko.

Tinabi niya lang ang pagkain sa mesa at binigay sa pusa niya. Tumango lang ako bilang pagsang-ayon sa sinabi niya.

"Diba inahas mo si G sa kaibigan mong si Angelo?" Tanong niya sa'kin na sobrang kinagulat ko.

Paano niya nalaman yun? Kilala ko ba siya? Magkakilala ba kami? Bakit niya alam ang bagay na pinakatatago namin?

Tumango na lang ako bilang sagot sa tanong niya.

Harumi's POV

Kinuha ko ang sakong dala ko kanina pa after masagot ni JC ang tanong ko. Tumango na lang din ako bilang pagtanggap sa sagot ni JC.

"Ay, may surprise pala ako sa'yo." Sabi ko sa kanya at parang nag-lighten up naman ang mukha niya.

Anong tingin niya, palalayain ko siya? Ano ako, tanga? Tsk tsk.

"Isasama lang kita sa mga kauri mo." Sabi ko at nilabas na ang mga ahas mula sa dala kong sako.

Third Person's POV

Naglabasan na ang mga ahas mula sa sako. Buong lakas at kahit natatakot, sinipa ni JC ang mga ahas.

Kahit anong sipa niya, bumabalik lang ito sa kanya. Sa sobra ring dami nito, di na nakawala pa si JC sa mga kagat nito.

Ramdam na ramdam niya ang pagbaon ng pangil ng ahas sa katawan niya at ang pagpasok ng lason sa kanyang katawan.

Dahil na rin sa dami ng lason, nanghina na si JC. Nang papakit na ang mata niya, may narinig pa siya.

"Patay na ang mahal mo at ang kaibigan mo." Sabi ni Harumi kay JC bago pa ito tuluyang mamatay. Ibinalik ni Harumi ang mga ahas sa sako kasama ang katawan ni JC.

My Murder CatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon