Chapter 27: Gather

42 5 0
                                    

Harumi's POV

Hinihintay ko na lang na dumating si Asha kasama sina Joe, Ven, at Flicker. Ang mga tarantandong yun, muntik ko pang makalimutan.

Nung dumating si Asha, tinali niya muna sina Flicker, Ven, at Joe sa magkaibang upuan.

Tumango ako kina Kio at Lopi. Sinabuyan naman nila ng tubig na may yelo ang mga bihag naming walang malay.

"Ice bucket yan." Sabi ko at isa-isa na nga silang nagmulat ng mata. Halos lahat sila nagwawala. Gustong makawala sa pagkakatali.

"Di kayo makakawala diyan." Sabi ni Asha. Kakaiba kasi ang pagtataling ginawa niya sa mga ito.

Lumapit ako kay Julie at pinisil ang sugat niya sa noo. Sumigaw naman siya. Sunod, si Ariel, sinakal ko ulit siya at nagpumiglas siya.

"Nakakatuwa naman kayo." Sabi ko sa kanila.

"As you can see----" di ako natuloy sa pagsasalita nang sumigaw si Arianne.

"Sino ka ba talaga?!" Tanong ni Arianne. Nilapitan ko siya at sinampal ang bibig niya.

"Bakit ka ba pumapatay?!" Sigaw pa ni Mich.

"Ano bang nagawa namin sa'yo?!" Tanong ni Julie.

"Mga babae nga naman talaga, maiingay. Pero sasagutin ko ang lahat ng mga tanong niyo kapag dumating ang tamang panahon." Sabi ko naman. Pero sa totoo lang, nanggigigil talaga ako sa kanila.

"Pero syempre, kumain muna kayo." Sabi ko naman. Di naman nila ginagalaw ang pagkain.

"Kumain na kayo. I know you guys are hungry." Sabi naman ni Asha na kumakain sa tabi ko.

"Ano ako tanga? Mamaya may lason yan e." Sabi naman ni Carlo.

"Tingin mo kakainin kami kung may lason yan?" Tanong naman ni Yeshi.

"Tss. Tanga." Sabi naman ni Penny.

"Praning," sabi pa ni Fraine.

"Narinig niyo, diba? Kaya kumain na kayo." Sabi naman ni Felix. Kaya naman kumain na sila.

Kumain lang kayo, nalalapit na rin ang pagkamatay ninyo.

Wala naman talagang lason ang pagkain. Gusto ko, ako ang papatay sa kanila gamit ang sarili kong mga kamay.

†MidnightMarine†

For the next chapters ay ang buhay ng killers. Abangan po :)

My Murder CatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon