Chapter 17: Vice President

56 4 0
                                    

Ariel's POV

Ilang linggo na ring nawawala si Julie. Naghahanap pa rin ang mga pulis pero wala pa rin silang mahanap.

Bumaba ako sa kusina para kumain ng breakfast. Wala sina Mama, may binili yata sa supermarket. Kumuha ako ng pagkain sa ref.

May narinig naman akong nakakarinding tunog sa second floor. Binaba ko muna yung pagkain sa table at tumakbo papunta sa taas. May nakita naman akong shadow kaya nagtago ako.

"Vice president, you're next. I have your President." Rinig kong may nagsabi.

Nasa kanya si Julie?

Ang boses na yun--- boses ng killer yun. Nagtago agad ako. Bigla namang may tumunog na ingay malapit sa'kin. Bwisit!

Tumakbo ako agad pero naharang niya ako. Sinakal niya ako. Sinubukan kong sipain siya pero hindi niya pa rin ako binitiwan. Mas lalo niya pang hinigpitan ang pagsakal sa leeg ko.

"A-ano ba?" Tanong ko. Nauubusan na ako ng hininga at napapikit na lang ako.

Lemon's POV
♪Sugar, yes please. Won't you come and put it down on me? I'm right here coz I need a little love and sympath---♪

Nagising ako dahil sa tunog na yun. Cellphone ko yun na tumutunog. Kinapa ko kung nasaan yung cellphone ko at sinagot ang tawag habang nakapikit pa rin.

"Lemon, nawawala si Ariel!" Hagulgol ni Tita Pearl (mom ni Ariel) sa telepono. Agad naman akong napamulat at napaupo sa kama. Nauntog pa ako sa double deck nung tumayo na ako. Ang sakit!

"Ano po? Pero paano po?" Tanong ko naman. Syempre, natataranta na ako e.

"Pumunta ka dito sa bahay. May iniwang sulat at para sa'yo ito." Sabi naman ni Tita kaya agad ko ng binaba ang tawag. Nagbihis na ako at pumunta sa bahay nila Ariel.

*dingdong... Dingdong

Agad din namang binuksan ni Tita Pearl ang pinto. Pinapasok niya ako sa bahay nila at pinaupo muna sa sofa.

"Sandali at kukunin ko yung sulat." Sabi ni Tita at umalis na. Kaya naghintay na lang ako. Pagbalik niya, binigay niya ang sulat sa akin. Tinago ko ito at umalis na rin agad. Pupunta ako kina Orange.

My Murder CatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon