Chapter 4: Walang hiya!!

79 5 0
                                    

Celine's POV

Nagising ako nang may binuhos na malamig na tubig sa akin. Pagdilat ko isang lalaking naka-hoodie, pants, at nakamaskara ang nakita ko. Ilang linggo na ako dito. Pinapakain ako pero nakatali.

"Celine." Tawag sa akin ng nakakatakot na boses nung lalaki. Kilala niya ako? Ibig sabihin ba nun kilala ko rin siya?

"Are you ready to die?" Tanong niya at umiling ako. Lumapit siya sa akin at may tinutok na kutsilyo sa leeg ko. "Any last words?" Tanong niya sa'kin.

"Napaka-walang hiya mo. Kung sino ka man, nasusunog na sa impyerno ang kaluluwa mo." Sabi ko dun sa lalaki.

"Hahahahahaha. Nagpapatawa ka ba? Matagal ko ng alam yun. Ikaw, alam bang ikaw na ang susunod kay Vina?" Sabi nung lalaki habang nanlalaki ang mata niya. Nagulat ako.

"Walang hiya ka, pinatay mo si Vina!?" Galit na tanong ko dun sa lalaki.

"Hindi ako ang pumatay sa kanya kundi siya." Sabi nung lalaki at may tinuro siyang lalaki na naninigarilyo. Kumaway naman yung lalaki sa akin.

"Walang hiya ka!!!" Sigaw ko sa kanya.

Harumi's POV

"Walang hiya ka!!!" Sigaw sa'kin ni Celine. Alam ko na yan. Wala akong paki. Siya, mawawalan na siya ng buhay.

"Wala talaga akong hiya." Nakangising sabi ko at diniin na ang kutsilyo sa leeg niya.

"Aaaaaaaaaah!!!" Sigaw ni Celine dahil sa sakit. Nahiwa ko naman ang leeg niya at tinanggal ang kutsilyo dito. Napugot ang ulo niya. Sinabit ko sa leeg niya ang ID niya. Bye bye to you Celine.

"Ooopss. Sorry. Ang ingay mo kasi e." Sabi ko at tumawa ulit ng malakas. Sinabihan ko si Asha at Lopi na dalhin si Celine sa CR na malapit sa room ng Prada.

Pinakuha ko ang CCTV footage ng pagdala nila kay Celine sa CR.
Just a spy did that for us. Tiningnan ko ang oras at lunch time na ng Prada.

Tinawagan ko sila. I know they kept the phone on the shelf. Malapit lang kasi sa room nila ang hide out. Dun lang sa maliit na pintuan na naka-lock sa left side ng room nila. May lagusan naman kami. Diretso na agad 'to sa labas.

"Good afternoon, Prada. Sorry kung napatay ko si Celine ah. Ang ingay niya kasi e. Pinatahimik ko lang." Sabi ko sa kanila.

"Walang hiya ka!" Sabi ni Julie "G*go ka!" Sabi naman ni Ariel.

"Di na kami naghanap di ba?!" Sabi naman ni Lemon.

"Tapos pumatay ka pa ng isa!" sabi ni Roaden. Alam na alam ko ang mga boses na yun.

"Wag nga kayong magmatapang. Gusto niyo, kayo ang isunod ko?" Sabi ko sa kanila. Binaba naman nila ang call.

"Chop that." Sabi ko kay Jacko at Jam. Kinalmot muna ni Tajimi ang katawan ni Saji at saka ito hinati nila Jacko at Jam.

"Aaaaaaaaaaaaaah!!!" Malakas na sigaw ni Saji nung pagputul-putulin na nila Jacko ang katawan niya.

MidnightMarine♥

Yung POV ni Celine, yun yung time na bago siya patayin.

See you guys sa next chapter. Abangan kung sino ang susunod na papatayin, kung paano nila madidiscover ang katawan ni Saji, at kung ano ang gagawin ng prada.

Ang lahat ng yan, sa susunod na kabanata. Vote, comment, and spread this story :).

My Murder CatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon