Chapter 49: Lovers

108 5 2
                                    

Harumi's POV
Nakita ko sina Ariel at Julie sa likod ng isang puno. Masyado silang masaya. Anong karapatan nilang sumaya? Mga bwisit sila! Dahil doon, sumugod ako papunta sa kanila.

Julie's POV
May narinig kami ni Ariel na tumatakbo. Tumakbo na rin naman kami. Sapat na ang pahinga ko para magkaroon ulit ako ng lakas. Inatake na naman kasi ako ng hika.

"Alam niyo naman sigurong walang forever!!! Mga walang hiya kayo!" Sigaw ni Alvino at muling nagpaputok ng baril.

Diyos ko, alam ko pong wala akong karapatang humingi ng tulong sa inyo. Alam kong naging masyado po kaming masama. Pero Lord, kailangan ko po ng tulong mo.

Nung nakita naming malapit na si Alvino ay mas binilisan namin ni Ariel ang pagtakbo. Dahil sa bilis ng pagtakbo at pagapaikot-ikot namin sa mga kalsada ng Starmount, hinika ako.

Walang ibang tao dito sa Starmount. Isa itong village na binili ng pamilya niya. Siya na pinatay namin. Simula noon, umalis na ang lahat dito at maging ang pamilya niya.

Kanina pa madilim ang ulap. Di ko alam kung anong oras na at kung ilan na ang napatay ni Alvino. Ang alam ko lang, kailangan na naming tumakbo.

"Sisirain ko kayo gaya ng pagsira niyo samin! Masyado kasi kayong matalino! Yang katalinuhan at pagmamahal niyo sa isa't-isa ang papatay sa inyo ngayong gabi!!!!!!!" Sigaw niya kaya kahit umaatake ang hika ko, tumakbo pa rin ako habang kahawak kamay si Ariel.

Nagbato naman si Alvino ng mga dagger. Yumuko kami ni Ariel para iwasan yun pero napatigil ako nang may maramdaman akong tumusok sa kanang bahagi ng likod ko.

Napahigpit ang hawak ko kay Ariel dahil sa sakit. Napaupo na rin ako dahil nanghihina na ako.
"Umalis ka na." Buong lakas na sabi ko kay Ariel.

"Di kita iiwan." Sabi niya sa'kin. Napahawak naman ako sa likod ko. Maraming dugo na ang tumutulo mula rito.

"Mamamatay...ka kung.... di ka..... aalis." Sabi ko naman sa kanya. Nanghihina na talaga ako.

"Kung kinakailangang sabay tayong mamatay, sige na. Tatanggapin ko." Sabi niya sa'kin at hinawakan ng mahigpit ang kamay ko.

Ariel's POV
Nararapat naman samin ang mamatay. Kaya wala na akong magagawa kundi ang tanggapin na lang ito.

Masyado kaming nagpaniwala sa sinabi ng mga kaibigan namin. Di ko alam na ganun sila. Hindi ko alam na kaya nilang gawin yun.

Ideya lang naman at suhestyon ang sinabi ko. Pero di pa rin maipagkakailang naging malaki ang parte namin ni Julie sa pangyayaring ito.

Kung di namin naisip ang mga bagay na yun, di sana kami mamamatay ngayon.

Nung makita namin ni Julie si Alvino, mas lalong humigpit ang hawak namin sa isa't-isa. Nakapatong ang ulo niya sa hita ko at nakatingin ako sa kanya.

"Sa langit na lang kayo magpakasaya!" Sigaw ni Alvino at namato na ulit ng dagger.

Sa mga oras na 'to, lahat ng pagbato niya, tumatama na. Pati ako ay natamaan na. Kagaya ni Julie, napahiga na rin ako sa kalsada.

Bumigat na ang aming mga mata at pumikit na. Pero sa pagpikit namin, nagbato ulit si Alvino ng mas malaking dagger kaya gulat kaming napamulat niya.

Ngayon, alam kong mananahimik na kami. Sana lang talaga, di na siya makahanap ng iba. Sana po may kahit isa lang na mabuhay.

Vote, comment, and spread. Antok na ako.

Abangan sa Chapter 50: Flicker
"Sa'yo na yan." Sabi ni Alvino sa taong ito.

My Murder CatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon