chapter 22

2 3 0
                                    

"So boyfriend mo na ulit ako?"

Parang nalunok ko lahat ng plema sa lalamunan hanggang sa baga ko dahil sa tanong niya. Natampal ko ang noo ko nang maalala iyong kabaliwan ko kaninang iniwan ko siya. Nakukuha ko na talaga iyong ugali ni kairi na hindi nagiisip kapag naiinis na.

"Anong boyfriend?" Nagmaangmaangan kong tanong. Nagiwas ako ng tingin ng ngitian niya ako. Ayan kasi vale! Hay jusko, dagdag nanaman sa sakit ng ulo.

"Sino muna yung katawag mo?" Mataray kong tanong, nagtutunog bakla na ako nyeta.

Tumawa siya bago sumagot "girlfriend?"

"Aba malay ko!? Ako ba yung may katawag? Puny*ta alis diyan!" Parang uminit nalang bigla ang ulo ko nang marinig ang salitang girlfriend, may girlfriend pala ang siraulo bakit ako yung sinama dito sa dorm na to? Kabwisit. Parang nagiging third wheel pa ako sakanilang dalawa. Mabuti sana kung yung babaeng yun ang meron dito kaso iyong lalake ang meron. Masasakal ko yata ang bwisit na ito eh.

"Whoa whoa. Chill val" humalakhak siya. Pati paraan ng pagtawa niya kinaiinisan ko. Adik!

"Chill mo mukha mo! Ipasok kaya kita sa freezer!?" Sigaw ko sakanya.
Tumayo siya at humiga ulit. Hindi pa pala maayos ang higaan namin. Pinagdikit kasi nila ito kagabi para magkasya kaming lahat At ang sabi pa ni Rain sa pwesto ko daw talaga sila pinaka nahirapan dahil ako ang unang natigok.

"Nahh. Wait, are you jealous?"

"Jealous my ass! Umayos ka ng higa mo! Masasapak kita diyan eh!" 
Sigaw ko nang maramdaman kong lumalapit nanaman siya sakin.

"Nah, just kidding. Its my mom" bawi niya. Kombinsido naman akong mama niya yun dahil sa mukha niya.

"Tawagan mo nga siya, kakausapin ko lang" tumango naman siya at nagdial sa phone niya. Inagaw ko sakanya iyon nang itapat niya sa kanyang tenga.

"Hello?"

"Hello po? Roommate po to ni Brix. Magsusumbong lang po sana ako na iyong anak niyo puro babae na ang inaatupag pati yung grades niya bagsak na po at lagi po siyang absent, hindi ko po alam kung saan siya nagpupunta. Hindi rin po marunong maglaba iyong anak niyo po, sige po tita goodafternoon po" pinatay ko agad ang tawag at ibinalik ko sa nakangangang si Brix and phone niya.
Nagtatatalon ako sa kama ng maging tagumpay ang paghihiganti ko.

"Guys! Pwede na kayong pumasok! Magsikain na tayo!" Tawag ko sakanilang lima. Dumeretso ako sa kusina at nagsisunuran naman na silang lahat maliban kay brix.

Masaya kong tinapos ang pagkain ko at iniwan na sila duon. Simula kanina hindi pa nagsasalita si brix, para siyang zombie dahil sa putla niya. Malamang kinakabahan na ito ngayon at nagiisip kung anong magandang rason ang isasagot niya sa nanay niya.
Matalakan ka sana ng bonggang bongga, hinayupak.

Bagama't nakokonsensiya ako dahil pakiramdam ko napaka sama ko dahil sa ginawa ko. Napakahirap talagang maging demonyo na malambot ang puso.

Dumating ang hapon at nagsiuwian narin iyong lima, naisipan pa ni Kairi na maghakot ng pagkain dahil ginugutom daw siya dun sakanila.  Binalingan ko si brix na tahimik pa rin hanggang ngayon.  nakokonsensiya na talaga ako sa ginawa ko, dapat pala sinabi ko nalang na bulakbol siya.

"Ok ka lang?" Nakangiwing tanong ko. Hindi niya ako pinansin. Hay nako vale nagtanong kapa eh halata namang hindi siya ok eh. At kasalanan mo yun siraulo ka.

"Gusto mong cream-o?" Alok ko sa isang pack ng cream-o. Hindi niya parin ako pinansin, sumimangot ako at ihiniga ang ulo sa table.

"Uyy sorry na" ngumuso ko nang hindi niya parin ako pansinin. Inagaw ko sakanya ang phone saka siya tinitigan, lumaban siya ng titig. Ako ang unang sumuko sa titigan namin dahil hindi ko matagalan ang mapungay niyang mata.

"Hmp! Sorry na please? please?" Mas lalo akong napasimangot nang magiwas siya ng tingin. Umalis ako at pumunta sa kama. Saka nagisip kung ano ang magandang gawin para mapatawad? Niya ako?
Nasisira yata kasi ang ulo ko kaya yun nalang ang naisip ko eh.

"Hindi mo talaga ako papansinin?"  Pagtatanong ko sakanya ng humiga na rin siya.

"Hindi" sagot niya. Hindi nakatakas sa mata ko ang pasimple niyang pagkagat sa labi niya, konting push pa val! Bibigay din ang hayop na iyan.
Lumipat ako sa kama niya at humiga habang nakasimangot na nakatingin sakanya.

"Bati na tayo please?"
Hindi niya ako pinansin. Wahh! Kabwisit na yan. Kayanin mo vale magtiis ka, yan kasi mga kabaliwan mong siraulo ka.

"Brix..." mahinang sambit ko sa pangalan niya.

"Fine! Forgiven. Happy now?"  Tumango tango ako. Masaya akong lumipat sa kama ko at humiga. Nginitian ko siya ng matamis at kinindatan
Bigla naman siyang nagiwas ng tingin dahil dun.

"You're still the same, tsk."

"Huh? Ano yun?" Tanong ko. Narinig ko kasi siyang bumulong pero hindi ko alam kung ano iyong binulong niya, sinusumpa na niya kaya ako? Huwag naman sana.

"Nothing" simpleng sagot niya. Bahala siya diyan. Ayokong kulitin kasi baka mayroon nanamang sumapi saakin na demonyo at baka kung ano nanaman ang magawa ko.

"Nakausap mo na ba si mama?" Tanong ko.
Agad naman niya akong binalingan ng tingin at ngumiti
Shizz, may nasabi akong mali.

"I mean yung mama mo" Nakangiwing pagbawi ko.

"Hindi pa, busy siya sa work. Baka mamaya siya tatawag." Sagot niya.

"Mga anong oras? Ako na kakausap" pag sa suggest ko. Babawiin ko lang mga sinabi ko. Baka kasi talakan siya at i cut ang allowance niya, at pag na cut ang allowance niya hindi na niya ako mabibilhan ng cream-o.

"Hindi na, ill handle it" ngumiti siya saakin at umayos siya ng higa habang nakaharap saakin. Ganun din ang ginawa ko. Bakit habang tumatagal mas lalo siyang nagiging cute sa paningin ko. Hindi man siya kagwapuhan para saakin, alam kong mayroong nagkakagusto sakanyang mga babae dito, hindi nga lang nila iyon masabi dahil alam nilang dito siya sa pang couple na room nakatira.

"Dinner na tayo?" Pang aaya niya. Umiling ako. Ayaw ko pang tumayo dahi, gusto kong mas titigan siya ng mas matagal. Dahil sa katititig ko sakanya hindi ko na namalayan na nasa harapan ko na pala siya at naka indian sit habang ang ulo ay naka patong malapit sa unan ko.
Lalayo dapat ako ngunit pinigilan niya ako gamit ang kamay niya at hinila ako papalapit sakanya.
Mga 12 inchess nalang ang layo namin sa isa't isa at napakahirap para sakin ang huminga.
Parang kahit anong oras pwede akong mamatay dahil sa paglapit niya saakin. Itinulak ko siya at nagkumot na. Parang nangyari na ito dati, hindi ko lang maalala kung kailan, napaka pamilyar nito. Maging ang mabango nyang amoy ay napaka pamilyar para saakin at tila nagawala ang sistema ko  dahil dito.
Mas lalo pang gumulo ang sistema ko nang muli siyang magsalita at sa sunod sumunod niyang ginawa.

"I love you rix, I have been waiting for this for a long time"

-----
-khai_3
Kakabitter 😴🤧

Love By The BayWhere stories live. Discover now