chapter 5

9 6 2
                                    

"Hmmm..." ungol ko nang marinig ko na ang ingay ng mga ibon at manok sa labas. Inaantok pa ako nyeta, bakit parang ang aga kong nagising ngayon.

Kahit nakapikit hinahanap ko ang isa kong unan gamit ang kamay ko at nasa bandang likod ko lang kaya humarap ako at saka iyon niyakap.

Bakit ganito yung unan ko? Hindi masyadong malambot at mainit , saka parang may ahas sa bandang tiyan ko.

Iminulat ko ang mata ko at tumambad saakin ang kakagising lang din at naka harap saakin na si brix. Ilang pulgada nalang ang layo ng mga mukha namin ay magdidikit na ang labi namin. Nyeta

"Ahhhh!!" Sabay naming sigaw saka dali daling lumayo sa isa't isa. Tangina!bakit ko nakalimutang katabi ko pala ang tanginang lalakeng ito.

"What did you do to me!?" Pasigaw niyang tanong saakin at hinila ang kumot. Gusto ko sanang isigaw na akin ang kumot kaso baka yun ang pag awayan namin

"Hindi ako! Ikaw! Anong ginawa mo saakin!" Pasigaw ko ring sagot saka ibinato sakanya ang hawak kong unan. Sinasabi ko na nga ba eh! Manyak talaga ang walang hiyang ito!

"You hugged me!" Sigaw niya ulit saakin, nakapamot ako sa ulo at saka siya inirapan

"Oo na!, nagyayakapan tayo!" Pagpapakumbaba ko, fine! Kasalanan ko na kasi niyakap ko siya. Malay ko bang nakaharap siya saakin, peste talaga ang walang hiyang to.

"Ano pang ginawa natin!?" Napapikit ako dahil sa pasigaw niyang tanong. Tangina hindi ba siya titigil sa kakasigaw? Tangina masusupalpal ko itong lalakeng ito.

"Natulog!" Pasigaw ko ring sagot sakanya, bahala na kung sino ang unang mapaos samin. Parang nagulat siya sa sinabi kong natulog kami dahil natigilan siya at tinignan yung pants niya.

"Oh god, is it your first time?" Tangina? Anong first time? First time na may katabing matulog? Syempre hindi tanga ba siya. Pero ano bang first time kasi ang pinagsasabi ng walang hiyang ito.

"Pinagsasabi mo!?" Pasigaw ko uling tanong, ilang beses siyang lumunok bago ulit mag salita.

"Shit did we use protection?"

"ANO!?" Sigaw ko pa. Tangina  anong protection ang pinagsasabi ng isang ito? Kanina first time ngayon naman protection? Gangster ba siya? Adik yata ang walang hiyang ito.

"Am i going to be a father soon!?"

"Tangina mo!" Tangina gets ko na!!  "Walang nangyari saatin bobo! At hindi ko gugustuhing gawin yun kasama mo! Yuck! HIV!!"  habol ang hiningang sigaw ko sakanya saka siya pinalo palo ng unan at pinagsisipa.

"Aray yung likod ko!"  Daing niya nang mahulog siya sa kama. "May lahi ka bang kabayo!?" Napapikit siya at hinimas himas yung likod niyang tumama sa gilid ng drawer. Napalakas yata yung pagsipa ko, pano kase nag iimagine na may nangyari saming dalawa. Hayyyy punyeta hayaan na nga

"Get out!" Sigaw saakin ni brix na nasa ibaba pa.

"Anong get out!? Hoy cottage namin to siraulo ka" sagot ko sakanya. Natigilan naman siya dahil sa sinabi ko. Tinawanan ko lang siya dahil dun. Ibinato ko rin sakanya iyong t-shirt niya.

"Hoy ano ba ang aga aga napaka ingay niyo" sigaw ni rain mula sa kusina. So gising na rin pala ang mga siraulong yon.

Ilang minuto rin ang hinintay ko bago ako tawagin para kumain na.

"Vale! At yung bisita! Kakain na!" Tawag saamin ni Rain. At ang walang hiyang brix mas nauna pa saaking pumunta sa kusina.

"Hoy labas!" Pagtataboy ko dito nang uupo na sana siya.

Love By The BayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon