chapter 28

6 3 0
                                    

Vale's POV

Isang linggo na ang nakakalipas pero masakita rin ang loob at katawan ko kay Tine. Kaya pala ang tahi-tahimik niya kasi ayaw niyang masayang ang energy niya at ubusin yun sa higaan.

Sabado ngayon kaya wala kaming ginagawa at halos puro kain lang ang ginagawa ko. Limang pack na ng cream-o ang naubos ko dahil sa sobrang boring dito. Ayaw ko rin namang lumabas dahil baka mabangga lang ako dun.

Ang bwisit kasi na ito hindi manlang inisip kung kakayanin ko ba. Pero kasalanan ko rin naman dahil pumayag ako. Pero anong magagawa ko kung hindi rin siya marunong tumigil!?

Mabuti nalang at nandito si azure dahil kung hindi malamang hindi nanaman ako makakabangon bukas at malamang sa malamang lantang gulay na ulit ako.

"So bakit ka nga ulit andito?" Tanong ko sa nakasimangot na azure. Ang sarap pitikin ng nguso niya hahahaha.

"Wala lang, meron kasing peste sa loob nung room eh" sagot niya. Nung nakaraang linggo pa siya nagsasabi sakin na puro daw sila away, para silang aso't pusa.

Magtatanong pa dapat ako sakanya nang biglang tumunog ang phone ko, may tumatawag, ng tignan ko iyon ay pangalan ng ate niyong si Kairi ang tumambad. Ano nanaman kayang kalokohan ang ginawa oh iniisip palang ng taong ito.

"Oh ano? Anong problema mo?" Walang hello hello saamin kapag tawagan kaya deretsong tanong.

"Andiyan ba si Azure?"

"Oo, bakit?" Sagot ko.

"Wala lang,i loud speaker mo nga baka makatulong din siya" utos niya. Ginawa ko naman iyon. Base sa tono ng pananalita niya parang seryoso siya, baka nga may problema talaga siya.

"Makinig kayong mabuti" bumuntong hininga muna siya bago ituloy ang sasabihin niya. "Guys im so t*gang na!! Ayaw akong pansinin ni Jayson! Kaya yung mirror nalang ang hinalikan koo! Help me guys! Please Vale ipadala mo dito sa Azure or--" hindi ko na siya pinatapos dahil sa naririnig ko.

"Tang*na mong demonyito ka, tigilan mo ako! Masakit ang likod ko ngayon, pag itong sakit ko lumala ipapa cremate kita ng buhay!" Sigaw ko saka siya pinatayan ng tawag. Ang baklang iyon talaga ang sarap kurutin.

Ito ang mahirap sa tawag eh, hindi mo mabatukan. Ang bakla talaga na yun, pati salamin pinatulan na.

"May pagkain ba kayo diyan?" Matamlay na tanong ni Azure, hindi na niya inantay ang sagot ko at pumunta na sa kusina. Si Tine naman ang umupo sa gilid ng kama.

"Anong problema nung bestfriend mo?"

"Yung pinsan mo daw inaaway siya, pagsabihan mo nga yang pinsan mo, baka isako ko yung pandak na yun eh" sagot at pagbabanta ko, natawa lang siya sa sinabi ko. Ang pandak pandak na tao tapos ang sungit sungit, magandang paguntugin sila ni Kairi.

"Hayaan mo sila, problemahin mo muna kung paano ka gagaling ng mabilisan"

"Kasalanan mo to eh! Sana hindi nalang ako... basta yung ganun! Alam mo na yun peste ka" binagsak ko ang katawan ko sa higaan at nagpagulong gulong, hindi ko ininda pa kirot sa likod ko at nagpatuloy sa paggulong, paulit ulit ko ding kinagat ang unan ko.

Bakit ba kasi hindi ko masabi ng deretso na may nangyari saaming dalawaaa!?

"Anong nangyari diyan?" Rinig kong tanong ni Azure kay Tine. "Nasapian na yata" dagdag niya. Biglang bumigat ang kanang parte ng higaan kaya halatang may umupo duon, at si azure yun, basta mabigat si Azure o di kayang Kairi lang yan. Aakalain mong isang kilong bigas ang ipinatong sa higaan mo dahil sa bigat nilang dalawa.

Love By The BayOnde histórias criam vida. Descubra agora