chapter 30

6 3 1
                                    

The flashback || part 1

[Mga bata pa po sila dito, mga 15-17 ganun! Basta yun! Sasadyain ko din yung mga maling pronunciation saka spellings]

Vale's POV

"Vale! Hindi ka pa ba napapagod?" Tanong saakin ni Azure habang naglalangoy sa dalampasigan. Umiling lang ako, gusto ko nga sanang pumunta duon sa may bandang malalim na eh. Pero huwag nalang isusumbong nanaman kasi ako nitong lalakeng ito eh, mapapalo nanaman ako tapos di ako papalabasin.

"Hindi, tata uwi na tayo. Baka paluin nanaman tayo nung matigas na cocomban" (bond paper po yan ha? Copun bond)  sabi ko kay azure at umahon na, kinuha ko na yung tuwalya ko na cute na may picture ng favorite kong si superman! Ang gwapo niya kasi hahahahaha.

"Buti nga cocomban lang sayo, akin hanger!" Sigaw niya saakin at ipinakita iyong mga pantal sa likod niya. Hindi ko mapigilan ang sarili kong hawakan yun, napalayo siya saka ako tinignan ng masama "m-masakit ba?" Kinakabahan kong tanong.

"Bungol ka? Asan ba yung sugat mo, hahawakan ko lang. Tignan ko kung hindi ka masaktan" dahil sa sinabi niyang yun napailing iling ako at wala sa sariling tumakbo.

"Ouch! What the hell are you doing!?" Napapikit ako ng makita ko iyong bagong sugat sa siko ko. Namumuo na ang luha sa mata ko pero hindi ko hinahayaang tumulo yun, mas sasakit lang kasi kapag umiyak ako.

"Your not going to say sorry?!" Hindi ko pinansin iyong sumisigaw dahil masakit ang sugat ko at hindi ko naman naiintindihan iyong pinagsasabi niya, bulol yata siya.

Tumayo akonat tumambad saakin ang dalawang bata kagaya ko, isang parang masungit na matalim ang tingin saakin at iyong isa naman ay nakatingin lang sakin. mukha siyang mabait.

"Winchester, bakit ka ba sumisigaw?" Tinignan ko iyong malaking babae na kadarating lang.

"Eh kasi tita" tita? Tita niya? Ok "nabangga niya po si Brix" tinuro niya ako "tapos ayaw niyang magsorry!" Napapikit ako sa sigaw niya.

"Ang arte mo namang pandak ka, hindi naman ikaw yung nabangga. Kung makaarte ka akala mo nasagasaan ka" sabi ni Azure na kadarating lang din. Rayt on taym! Pumunta ako sa likod niya at nagkunwaring nagtatago.

Pansin ko ang pagngiti, nung babae. Pero ang mukha nung winchester parang bulkan na. Hinila ako ni Azure papalayo sakanila at dumeretso kami sa bahay.

(Iba po ang bahay nila noon at ngayon. Medyo sa gitna po ng Aparri yung dati at yung ngayon is medyo malapit na sa dagat)

"Azure?" Tawag ko sakanya.

"Halika gamutin natin yang sugat mo" umiling ako sakanya dahil sa hawak niyang alcohol. Pinandilatan naman niya ako, nakasimangot ko siyang tinitigan at nagkunwaring maiiyak na. Hindi niya ako pinansin at lininisan ang sugat ko. Napangiwi ako ng dampian niya ito cotton na may alcohol ang sugat ko sa siko at tuhod.

Mga ilang minuto din ang lumipas at nawawala na ang sakit ng sugat ko. Nakakapagtaka lang, bakit wala ngayon si mama at tita? Baka may pinuntahan sila.

Ah tama! Sinabihan pala kami kanina na may pupuntahan muna sila, o mas tamang sabihin na may susunduin, ang natatandaan ko ay kaibigan daw nila.

"Ang tagal naman nila mama, malapit ng maluto yung ulam eh." Reklamo niya at nagkamot ng ulo. Oo alam na naming magluto, este ako lang pala. Pangit ang lasa ng niluluto ni Azure, pero ngayon hindi dahil tinulungan ko siya. Lumaki kasi kaming walang Ama kaya dapat maging responsable kami para hindi mahirapan ang Mama naming dalawa.

Love By The BayWhere stories live. Discover now