chapter 25

5 3 4
                                    


Vale's POV

2 month later

"It's so nakakastress!!!" Reklamo ni Kai matapos ang huling subject. Periodical exam ngayon, kami lang dalawa ang magkasama. Magulo pa rin kasi ang mga schedule.

Maging ako na puro review kahapon at nung isang araw ay halos walang maisagot. Nakakadrain! Yung feeling na nag review ka naman pero parang maze zero ka? Kabwisit eh.

"Nakaka stress! Tara uwi na tayo. Buti nalang sem-break na! Hays!" Si Kairi ulit. Mabuti nalang mahaba haba rin ang semester break namin. Ok na yung isang buwan, dapat nga 2 weeks lang dahil pupunuin nanaman ako ng kissmark panigurado.

Napangiti nalang ako ng maalala iyong sinabi niyang mag aantay siya, pinanindigan niya iyon. Kaso ako naman itong siraulo na prinoprovoke siya kaya ang ending may mga kissmark sa kung saan saan.
Pero hanggang kiss at hug lang ang nangyayari, hindi siya sumusobra. Mabuti nga at nakakapag timpi pa siya. Minsan nga ay nagaway kami dahil naabutan ko siya sa CR na may ginagawang kababalaghan.

Palagi ko daw siyang sini 'seduce' na hindi ko naman sinasadyang gawin.

"Auh! Toxic tong araw na to bwisit!" Sigaw ko at pabagsak na humiga sa kama ko. Madami ring pinagbago itong room na dorm ang tawag. Ang dating magkahiwalay na kama namin, magkadikit na ngayon. Kaya parang king sizs bed siya.
Malayang nakakagalaw si Tine dito kaya minsan kapag nagigising ako may mga pasa pasa na ako sa likod at paa.

"Are you ok?" Tinitigan ko siya ng masama dahil sa tanong niya.

"Mukha ba akong ok ha?" Pabalik kong tanong saka ibinato sakanya iyong unan.

"Hahahaha... here, drink it" abot siya sakin ng energy drink. Muntik kong maibuga iyon ng malasahan ko. Ang ganda ng kulay pero parang panis yung lasa, kabwisit.

"Saang impyerno mo ba yan nakuha?!" Pasigaw kong tanong. Ang sakit sa lalamunan, parang kumain ako ng sili na may toothpaste.

"Sa 7/11. nakita ko lang kanina eh, so ayun binili. Hindi ko naman alam na pangit yung lasa eh" napairap nalang ako sa sagot niya. Eh pano kung lason yung nabili niya? Edi tigok na ako? Siraulo talaga.

Ibinalik niya sa kusina iyong tinimpla niya at tumabi sakin.

Here we go again! Hugging!!! Hindi man lang siya nagsasawa sa kakayakap. Halos everyday nalang. Minuminuto nalang siyang nakasabit sakin, minsan nagtataka na ako kung may lahi ba siyang tarsier at kung tarsier man siya... impossible yun, kailan pa gu-mwapo ng Ganito ang tarsier??

"Let's sleep na. I'm so sleepy" bulong niya. Nagpapacute ang siraulo. Wala naman na akong magagawa kundi antayin siyang makatulog dahil parang pupunta akong ibang bansa at ayaw niya akong bitawan. Mahigpit ang yakap niya pero tama lang upang makahinga ako.

Halos gabi gabi kaming ganito.

Dahan dahan kong hinaplos ang pisngi niya. Gabi gabi nalang kitang pinagmamasdan pero hindi pa rin ako nagsasawa.

"Dito ka lang muna, maliligo lang ako" bulong ko sakanya at mabilising dinampian ng halik ang pisngi niya. Agad na kumurba ang ngiti sa labi niya. Hindi pa pala tulog ang g*go.

Malamig na tubig ang bumuhos saakin ng binuksan ko ang shower. Padausdos akong umupo habang nakasandal ang likod sa pader. Mabuti nalang naka tiles to, kasi kung hindi malamang sugat sugat na tong likod ko.

Aabutin ko na dapat ang sabon na bumukas ang pintuan at iniluwa nun si Tine na naka shorts lang at deretsong nakatitig sa mata ko, nilabanan ko ang titig niya ngunit sadyang hindi yata marunong kumurap. Ako na ang naunang nagiwas ng tingin dahil sumasakit na ang mata ko, dumagdag pa ang tubig na mabilis na bumabagsak ulo ko.

Love By The BayWhere stories live. Discover now