chapter 9

6 2 0
                                    

"Tangina niyo!" Sigaw ko sakanila nang makatayo ako. Ang sakit ng likod ko tangina. Nalagyan ng buhangin ang buhok ko at nakainom pa ng tubig.

Inirapan ko sila isa isa saka lumayo, hindi pa rin sila matigil sa kakatawa dahil sa reaksyon ko. Nabali yata yung kamay ko tangina.

"Isa ka pang tangina ka!" Sigaw ko nang makitang sumunod sakin ang naka ngising si brix. Mabuti sana kung maayos yung pagkakabato nila sakin, baka , matuwa pa ako.

"Tangina mo ulit"  mura ko saka siya binatukan nang makalapit siya sakin. Tinawanan niya lang ako, dapat pala linakasan ko para malunod na.

"Sorry na, si kairi kasi eh. Siya yung pasimuno" nanisi pa ang walang hiya.

"Oh tapos? Pumayag ka naman?"

"Sorry na kasi" mas lumapit pa siya saakin saka umakbay.

"Sandali nga" tinanggal ko ang pagkakaakbay niya saakin saka bahagyang lumayo. "Akala mo ba hindi ko napapansin?" Nakakunoot ang noong tanong ko.

"Ang alin?"

"Lagi kang nakasunod sakin, onti nalang talaga iisipin ko nang magnanakaw ka" dere deretso kong sabi. Kita kong naguguluhan siya sa sinabi ko. Pinagkrus ko ang kamay ko nang tinawanan niya ako.

"Yeah, magnanakaw ng puso"

"Huh?" Naguguluhan ko siyang tinignan

"Wala, saang parte ba ng ulo mo yung tumama sa bato?" Sinuntok ko ang kamay niya nang guluhin niya ang buhok ko.

Wala sa sariling inilubog ko ang katawan ko sa tubig, nasa malalim na parte na pala kami. Hindi ko pa namalayan tangina. Nang imulat ko ang mata ko nakatingin saakin si brix at malapit ang mukha niya sakin.  Lalayo na dapat ako pero hinila niya ako palapit at niyakap, mahigpit... mahigpit pero hindi iyong tipo na nakakasakal.

Binigla ko ang tumayo nang maramdaman kong nawawalan na ako ng hangin.

"Let's stay like this for a while please?" Nabigla ako hindi dahil sa sinabi niya kundi sa narinig kong mahina niyang pag singhot at hikbi. Niyakap ko siya pabalik saka marahang hinaplos ang likuran niya. Hindi ko rin naman gustong humiwalay sa pagkakayakap mo eh, gusto ko mang isatinig ay hindi ko magawa dahil baka ma misinterpret niya  iyon, baka isipin niyang may gusto ako sakanya.

"Tahan na, ok lang yan." Pagpapatahan ko sakanya, mabuti nalang pala malayo layo kami sa mga tao. Kasi kung hindi baka kung ano nanaman ang isipin nila. Mga ma issueng tsismosa.

Bahagya siyang kumalas at saka ako hinarap, kakalas na rin sana ako nang maramdaman kong dumampi ang mainit niyang labi sa labi ko. Hindi agad ako nalagalaw dahil sa gulat, naitulak ko siya ng malakas dahil dun.

"Sorry, aalis na muna ako" pagpapaalam niya saka ako iniwan. Hindi naman iyon ang unang beses kong nahalikan dahil may mga naging girlfriend ako, pero ito ang unang beses na pareho kong lalake ang nahalikan ko. Pakiramdam ko hindi mawala ang init sa labi ko kaya marahan ko itong hinawakan. Shit...

Tulala ako pagkarating ko sa cottage namin, hindi ko pa namalayan na nakapagbihis na pala ako. Inilabas ko sa ref ang cake na binigay niya, pero imbes na kainin nakipagtitigan lang ako dun.

"Wala ka bang balak kainin yan? Nilalangaw na oh" hindi ko pinansin si K' na kanina pa nagbubunganga dito. Hindi talaga mawala sa isip ko ang nangyari kanina, kahit simpleng halik lang halos hindi na ako makapagisip ng tama at lalake siya, lalake din ako.

"Ako nalang kakain kung ayaw mo sayang naman" inilayo ko agad kay azure  nang tangkain niyang kumuha sa cake. Sinimangutan niya ako saka isinigaw na madamot daw ako.

"Vale, kanina ka pa tulala"si rain" kahapon si jayson ang tulala, tapos ngayon ikaw naman" dag dag niya. Sinimangutan ko lang siya at kumuha ng slice sa cake at dineretso sa bibig ko.

"Gago! Dahan dahan , wala kang kaagaw!" Pinalo palo ni K'  ang likod ko at binigyan naman ako ni azure ng tubig.

Nang sumunod na araw wala akong nakitang brix, ni anino niya wala. Ineexpect kong ipapaliwanag niya sakin kung anong kademonyohan ang naisip niya at hinalikan niya ako. Ngayon na kami aalis sa cottage namin, ibig sabihin balik trabaho na.

Pagkarating na pagkarating namin sa bahay agad akong humiga sa sofa, ganun din si azure. Maghahapon na rin pala. 

"May lakad ka bukas?" Tanong ko kay azure habang kumakain kami ng hapunan.

"Wala, dito lang siguro? Ewan ko" iiling iling niyang sagot. "Ikaw? Sa bakery ka ulit?" Tumango ako, hindi naman kasi talaga iyon bakery. May mga upuan sa loob. Parang cafeteria lang, pero ang nakalagay kasi bakery. At ang sabi ni rain tinopak daw yung parents niya kaya bakery ang nilagay.

"Nakakatamad lumabas, hihingi nalang ako kay daddy ng allowance natin" napalunok ako sa sinabi niyang iyon, gusto ko mang sumangayon hindi ko magawa kasi madami nang naitulong saakin si azure, lalo na ang tatay niya.

"Wag na, may ipon pa ako. Kasya na siguro yun" malapit na kasi ang pasukan. Isang buwan nalang sa tuguegarao nanaman kami maglalago ni azure. At may pinag trratrabahuan naman ako dun, at kanila Rain parin yun.

"Psh, bahala ka basta hihingi ako" inirapan niya ako saka dere deretsong sumubo.

Pagkatapos naming kumain siya ang nag prisintang maghugas, kaya dumeretso na ako sa kwarto ko, Syempre nag toothbrush muna ako duh. Ibinagsak ko nalang bigla ang katawan ko saka natulog.

Kinaumagahan maaga akong pumasok sa bakery, mas maaga keysa sa nakasanayan ko. Pagkarating ko andun na rin sila jayson.

"Valeee!!" Sigaw ni K' na kakarating lang din. Hinarangan agad siya ni jayson   at umiling.

"Ano ba napaka KJ mo gaga" niyakap niya si jayson. Napatulala at napalunok naman si jayson dahil dun. "Ayan, wag kana mag selos!" Sigaw ni K' saka isinunod akong niyakap.

Hanggang sa pagpasok namin sa loob ng bakery hindi nagsalita si Jayson, si K' at rain naman panay ang ingay. Halos mabingi na kami pero walang nag reklamo saamin ni Jayson.

" bilis bilis! Jayson! Yung ano ayusin mo! Tapos yun--" hindi naituloy ni K' ang dapat sasabihin niya nang may nahulog na upuan si jayson. Nanginginig ang kamay niyang pinulot iyon.

"Huy ok ka lang?" Sinuri ni K' ang kamay ni jayson nang makalapit siya. Iniwan ko silang ganun ang posisyon at pagbalik ko ganun pa rin. Parang alalang alala si K' sakanya.

Marami kaming mga costumer nang araw na iyon. At lahat kami parang lantang gulay dahil sa dami ng costumer, mga turista ang karamihan sakanila.

"Ughh! Nakakapagod tangina, napaso pa yung kamay ko bwisit na yan" reklamo ni K' na nakasandal ngayon sa pader. Panay ang tawa ni yva saamin kaninang halos hindi kami magkaintindihan dahil lutang si jayson ang napaka ingay ni K'.

"Hayaan mo na may sweldo naman eh" sabi ko at iniligpit na ang mga ginamit namin kanina sa pagluluto ng mga tinapay at cupcake. 

"Ughh! Eh kasi naman ang hirap hirap pa naman mag lagay ng ointment, lalo pat left handed ako" sinulyapan ko ang napaso sa kamay niya at oo nga sa taas yun ng pulso niya, at sa left nga.

" hoy vale, may naghahanap sayo sa labas. Dalian mo jan at magsasara na tayo mamaya"

Sino naman kayang maghahanap sakin? Kung si azure yun malamang dumeretso na dito sa kusina ang mokong na yun.

Agad akong lumabas at ng kusina at ganun na lang ang kaba ko nang makita ko kung sinong naghahanap saakin. Simula kahapon hindi ko siya nakita.

"Brix?"

-----
-khai_3

Love By The BayWhere stories live. Discover now