chapter 6

11 5 4
                                    

Gusto ko sana habang nasa limang araw kaming nasa bakasyon ay mag relax. Pero stress ang nakukuha ko. At mukhang ma de-depress ako nang wala sa oras dahil andito nanaman ang walang hiyang kamote.

"Hi!"

"Ano nanaman?" Mataray kong tanong.

"Wala naman, gusto lang kitang tabihan" nakangiti niyang sagot. Galing ah, kahit nagtataray ako nakangiti parin. Sira yata ang ulo nito.

Nang balingan ko siya ng tingin nakapikit na ito. Sana talaga hindi niya guluhin ang buhay ko ngayon araw na ito.
Bumaba ang tingin ko sa katawan niya, shit wala nanaman siyang pang itaas.  Hindi matigil ang mata ko sa isang pwesto ng katawan niya.

Hindi siya iyong tipo na sobrang macho at parang bato na, hindi masyadong malalaki ang muscles niya. Sakto lang, kung babae lang ako malamang lag lag na ang panty ko.

"Is staring all you want to do? You can touch it want, i wont mind" napaiwas ako ng tingin nang bigla siyang magsalita. Pakiramdam ko nalapatan ng plantsa ang mukha ko dahil dun. Nakakahiya.

"When you're making a face like this... it's freaking cute" halos hindi na ako makahinga dahil sa lapit ng mukha niya saakin. Nakakailang lunok muna ako bago siya itulak palayo. Gilid palang iyon, pano kung harap harapan na. Baka mahimatay na ako pag ganun.

"Ang init" yun lang ang nasabi ko dahil wala na akong ibang maisip sabihin.

"Ang hot ko kasi" nakangisi niyang sabi sakin saka ako inakbayan. Napaka manyakis talaga ng lalaking ito, baka ilang babae na ang nakama nitong walang hiya.

"Ang kapal ng kalyo mo sa mukha" sagot ko saka tinanggal ang pagkakaakbay saakin. Nyeta bakit nanginginig ang kamay ko. Tinawanan niya lang ako ulit saka nahiga sa buhangin. Hindi ko magawang ngumiti dahil alam kong bwibwisitin nanaman ako ng isang to, pero kahit alam kong gagawin niya talaga yun may kung ano saakin na ayaw siyang iwan dito.

"Touch my abs val"

"Ang manyak mo talagang lalake ka eh no? Kung tigang na tigang kana may baboy yung kapit bahay namin" sagot ko sakanya. Ang gago , may pa touch my abs pa siyang nalalaman porke't  nagagandahan ako sa katawan niya ibig  sabihin nun gusto kong hawakan? Yuck lang pwe!

"What!?" Napabangon siya bigla at napaayos naman ako ng upo dahil sa lakas ng boses niya. Megaphone ka kuya?

"Watawat! Akala ko nakalimutan ko yung ginawa mo saakin kaninang umaga?!" Derederetso kong sigaw sakanya saka siya tinalikuran.

Bigla niyang inilapit sa tenga ko ang mukha niya saka bumulong

"Ano bang ginawa ko?" Parang nakuryente ako sa bulong niya kaya itinulak ko siya palayo at pinalo ang braso niya. Tangina ano ba yun, bakit ganun yung epekto sakin tangina.

" yang ahas mo! Dinikit mo sa tiyan ko!"

"HAHAHAHA, yeah flag ceremony" puno ng pang aasar ang boses niya kaya pinalo ko ulit ang braso niya at saka siya sinipa na madali lang naman niyang napigilan

"Kagaguhan mong lala--" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang may tumamang matigas na bagay sa gilid ng mukha ko, hindi ko maimulat ang mata ko dahil nalagyan iyon ng buhangin. Kahit hindi ko nakita, alam kong bola ang tumama sakin. May naglalaro kasi ng volleyball.

"Shit!" Sunod sunod na mura ang narinig ko mula kay brix bago ako niya ako hawakan. Ginamit niya ang bandang ibaba ng t-shirt ko para punasan ang pisngi ko. Isinunod niyang punasan ang gilid ng mata ko. Hindi siya matigil sa pagmumura habang pinupunasan niya ako.

Love By The BayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon