chapter 32

3 3 0
                                    

The flashback ||  part 3

"Vale..."

Dalawang araw na ang nakakaraan simula ng mangayari iyon, hanggang ngayon ay hindi parin ito matanggal-tanggal sa isip ko. Para lang akong nakalutang sa hangin.

"Vale!"

"Oh!!" Sigaw ko dahil sa gulat.

"Kahapon kapa tulala ah, may problema ka ba?" Tanong ni Azure, umiling ako. Andito kami ngayon sa kusina. 3 palang kasi ng umaga kaya hindi pa sila gising.

"Ah azure..." tinaas niya iyong kilay niya. Gusto ko sanang sabihin sakanya iyon eh, kaso baka awayin niya si Brix. Baka mamaya kasi kung ano ano nanaman ang sabihin niya sakin.

"Oh? Ano? May sasabihin ka ba?" Masungit niyang sabi saka humikab, nakapikit pa ang mata niya at laglag ang balikat, iyong upuan lang ang sumusuporta sakanya at paa niya lang ang pumipigil sa katawan niyang bumagsak.

"Wala lang hehe" nakangiwi kong sabi.

"Ano? Kung wala kang sasabihin matutulog na ako! Gigising-gisingin mo ako ng ganitong oras tapos wala ka palang sasabihin?" Masungit niyang sabi, stress na stress na yata kasi siya kay Winchester.

"Eh kasi... ano eh"

"Ano nga? Kung nagugutom ka, pwede ka namang magluto diyan. Kung naiihi ka, edi ilusot mo na yang sayo duon sa bintana kung natatakot ka mang pumuntang CR" napakamot ako sa batok ko ng wala sa oras, kung ano ano nalang talaga ang pumapasok sa isip nitong si Azure. May langaw yatang nakapasok sa utak niya.

"Ano na vale? May sasabihin ka ba o wala? Tumatakbo ang oras. Pag ako talaga nag ka pimple, hahambalusin kita" pagbabanta niya saakin. Hindi pa rin ako nagsalita, kinakabahan ako sa magiging reaksyon niya eh. "Huy!" Kinalampag niya iyong lamesa "magsalita kanaaaa!" Mahina niyang sigaw.

"May umamin kasi saakin na may gusto siya saakin" ipinikit ko ang mata ko pagkatapos kong sabihin iyon. Ang inaasahan ko ay sisigawan niya ako at baka nga paluin pa, pero nung imulat ko ang mata ko ay tumambad sakin ang nakasimangot niyang mukha.

"Alam ko" sagot niya. Parang tumalon iyong puso ko dahil sa kaba. Hindi ko magawang ibuka ang bibig ko dahil sa kaba, wala namang masama kung may umamin na may gusto saakin pero kung kabahan ako para akong nagnakaw at sinusundan nako ng madaming pulis.

"Paano mo nalaman? Ibig sabihin nakikinig ka?" Halos hindi ko masabi iyon ng buo, muntikan pa akong nabulol sa huling dalawang salita.

"Oo" sagot niya at tinaasan ako ng kilay "alam kong nanaginip ka pa! Gumusing kana diyan." Inirapan niya ako " O baka gusto mo ng kape para magising kana talaga? Siguro kailangan mong maligo. Teka, uminom ka ba kagabi? Or nakasinghot ka ng rugby?"
Ako naman ang umirap sakanya

"Meron nga! Si ano... an--"

"Ano? Wala kang masabi? Sige Vale hit hit pa" sabi niya.

"Meron nga kasi talaga, hindi mo naman kailangang malaman yung pangalan niya eh!" Angil ko, sinimangutan ko siya at pinalo ang braso niya.

"Matulog ka nalang ulit vale, ewan ko kung anong lason ang nakain mo" sabi niya at hinila na ako papunta sa kwarto.

"Bakit ba kasi ayaw mong maniwala?" Naiirita kong tanong sakanya nang makaupo ako sa higaan naming dalawa. Tulog pa iyong dalawa naming kasama kaya hindi gaanong kalakasan ang boses ko.

"Eh kasi nga hindi naman yung kapani-paniwala Vale, saka never kitang nakita na may kasamang babae at ni minsan hindi ka lumapit sa kahit na sino. Kahit pa nga ikaw yung nilalapitan parang wala lang sayo"

Love By The BayDove le storie prendono vita. Scoprilo ora