chapter 17

4 3 0
                                    

"So may nangyari na ba sainyo?"

"Ano bang klaseng tanong yan!?" Singhal ko sakanya at pinunasan ang damit ko. Pilit pinipigilan ni Rain ang tawa niya kaya tumalikod siya saamin.

"Question? Char. So wala pa talagang nangyari?" Binato ko siya ng pamunas at inirapan.

"Seryoso kasi! Nasa iisang higaan kayo tapos wala!? Hay jusko si Rain nga nilapa na iyong ka dorm naming lalake eh! Tapos may pa ano ano pa sila kagabi, tawanan silang ganyan tapos yung lalake puno na ng pagnanasa dahil yang kaibigan nating yan?! Ay jusko! Halos maghubad na! Ak--" hindi niya naituloy ang sasabihin niya nang biglang mapuno ng harina ang bunganga niya. Napakurapkurap ako saka naguguluhang tumingin kay Rain.

"Yang bunganga mo gaga!" Sigaw niya. Bumaling siya sakin at ngumiti "Huwag kang maniwala sa animal na yan. Oh happy jayson!? Siraulo" sigaw niya sa nagpipigil ng tawa na jayson. Umiling iling lang siya at tumalikod.

"Ikaw! Yang bunganga mo ang dumi dumi, sarap punuin ng alcohol!" halos batukan niya na si Kai dahil sa inis. Nakasimangot naman si Kai na naghuhugas.

"May ka dorm kayo?" Tanong ko.

"Malamang! Dalawa sila, dun dapat kayo ni azure eh. Kaso nauna sila, isang babae at lalake" sagot niya saka ako inirapan "isang lalake at babae, magkapatid" dagdag niya.

Pagkatapos ng paguusap naming iyon ay hindi na ulit kami nagkausap usap dahil madaming costumer. Nang matapos kami agad akong dumeretso sa unang klase ko sa hapon, at tulad kaninang umaga hindi ko namalayang natapos na ang klase.

Umuwi akong walang laman ang utak, inshort wala akong naintindihan sa mga lessons namin, tutal introduction palang naman ang mga iyon at hindi pa iyong mga mismong topic. Naabutan kong nakahiga si brix sa sofa, hindi nito namalayan ang pagdating ko. Ganun na ba ako katahimik para hindi niya mapansin?

Hindi ako gumawa ng ingay dahil natutulog pala siya kaya hindi ako napansin. Dumeretso ako sa kusina at naglabas ng cream-o. Inayos ko na rin ang mga gamit ko at mga nakakalat niyang damit at mga papel. First day palang ang dami dami na niyang gagawin? Wow lang ah, daig pa kaming mga seniors. Napailing iling nalang ako dahil dun, kaya siguro bagsak itong isang to kasi madaming ginawa.

Dahil wala naman na akong gagawin maliban sa magluto mamaya umupo nalang ako sa kaharap na sofang hinihigaan ni brix. Nakatitig ako sakanya ng mariin, hindi ko maiwasang mapangiti sa hindi malamang dahilan. Nagiging baliw na yata ako para isiping 'gwapo' ang kasama ko sa dorm.

Nang mainip ako sa kakatitig sakanya ay iniwan ko siya duon at dumeretso sa kusina upang magluto.

"Brix... gising na diyan" niyugyug ko ang balikat niya kaya agad siyang nagising. "Kakain na" sabi ko, tumango lang siya kaya tumayo na ako at iniwan siya ulit duon. Sumunod naman siya mga pagkatapos ng dalawang minuto.

"So, bakit andami mong kalat kanina?" Agad kong tanong nang makaupo siya.

"Ewan ko kay mommy, pinagawa niya eh " tumango tango lang ako, bahala siya. Utos pala ng nanay niya eh, ok lang yun.

"Magkaklase pala tayo sa isang subject?" Usal ko habang kumakain.

"Uhmm... actually, dalawa. Dalawang subject" sagot niya.

"Ha? Eh bakit hindi kita nakita kaninang hapon?" Tanong ko ulit. Nako nako nag absent na first day of school jusko. Bulakbul? Hindi naman siguro, mukha namang matino eh.

"Andun yung aliyah eh, ayokong makita yung mukha niya. Naiirita ako" napatitig ako sakanya dahil sa sagot niya, kinagat ko ang bibig ko upang hindi matawa. Halos lahat sa klase namin last year may nagkakagusto kay aliyah, tapos itong isang ito naiirita? Bakla yata itong kasama ko.

Love By The BayWhere stories live. Discover now