chapter 8

9 3 0
                                    

"ANONG GINAGAWA MO DITO!?" Pasigaw kong tanong saka umayos ng upo. Napangiwi siya sa lakas ng boses ko.

"Wala, binibisita ka" sagot niya.

"Sinong nagpapasok sayo dito ha?" Tanong ko ulit. "At ano yang dala mo?" Tanong ko nang may makita akong kung ano sa likod niya.

"Si Kairi" sagot niya saka nagiwas ng tingin. Ang baklang yun talaga, nagpapasok nanaman ng hayop tangina. Mag gagabi na tapos mambwibwisit nanaman.

"Hoy, tinatanong kita. Ano yang dala mo?" Paguulit ko sa tanong ko pero hindi nanaman siya sumagot.

"Hoy!" Sigaw ko. Hindi siya nakatingin saakin pero nakikita kong paunti unti siyang lumilingon pero binabalik niya agad ang tingin niya sa bintana.

"Hoy ano nga yan!?" Naaasar kong sigaw.  Pinipilit kong tignan mula dito kung ano yun pero nililihis niya gamit ang kamay niya.

Dahil nga curious ako kung ano yun hindi ko na napigilan ang sarili kong tumayo at lapitan siya.

Kita ko ang marahan niyang paglunok at pagkurap kurap.

"Cake?" Naka taas ang kilay kong tanong nang makita ang nasa likod niya. Napalabi siya saka tumango. Gandang pitikin ng bibig niya kaso napaka pula eh kaya hindi nalang.

"para saakin?"  Tumango lang ulit siya sa tanong ko. Nang ilapit ko ang mukha ko sakanya ay mas lalong namula ang tenga niya. Problema ng isang to? May allergy ba siya?

"Salamat! Nasaan pala sila rain?" Pagtatanong ko ulit.

"N-nasa labas, nag iinuman" hindi pa rin niya ako matingnan ng diretso. Puta ano bang problema ng isang to? Kanina naka ngisi lang tapos ngayon ganyan na? Kagaguhan.

"Gusto mo?"  Alok ko sakanya. Umiling lang ulit siya. Malamang ayaw niya, sakanya galing eh sira ka ba self.

"Nilagyan mo to ng lason no?" Tanong ko.

"W-what? Hey i di--"

"Oo na oo na" putol ko sa sasabihin niya.

Nilagay ko nalang muna sa ref iyong cake saka na humiga ulit. Nagpaalam na rin si brix na aalis na, mabuti nalang hindi niya naisipan na guluhin ako ngayon . Tumango nalang ako, hindi ko na rin inantay pa yung mga kasama ko dito.

Pagkagising ko ineexpect ko nang magulo ulit itong cottage dahil mga lasing sila, pero kabaliktaran nun ang nakita ko. Maayos pa rin hanggang ngayon, nang sulyapan ko silang apat hindi naman sila mukhang lasing, maliban lang kay azure na nakasimangot.

"Morninggg" pagbati ko sakanila at saka nag unat unat. Bumati rin sila pabalik pero hindi masyadong masigla.

"Kain nalang tayo sa labas, tinatamad akong magluto" sabi saamin ni rain habang inaayos ang medyo magulo niyang buhok.

Sumang ayon rin sila saka nag ayos ng higaan pati ang sarili. Sunod sunod kaming lumabas, hindi na ako masyadong nag ayos . Kami pala, kaming tatlong lalake. Pero iyong dalawa parang mga modelo nanaman, kakain lang ng agahan nag make up pa. Mga kaartehan nilang dalawa.

"Mga ma'am,sir kakain po kayo?" Tanong nung waiter pagkapasok namin. Wala pa masyadong tao dahil alas sais palang ng umaga.

"Hindi, magnanakaw asan ang kahera!" Lahat kami nagulat sa sinabing iyon ni azure. Maging si kuyang waiter napalunok nang marinig niya ang sagot ni azure

"Oh kalma! Manong sorry ho may dalaw yang kaibigan namin" pagpapaumanhin ko kay kuya. Hinila ko rin si azure papunta sa mesa saka pinaupo. Napaka kamot nalang ako sa ulo ko dahil sa sinabi kong dahilan. Hindi naman kasi nireregla ang lalake.

"Tangina mo azure bakit ganun sagot mo? Natulala tuloy si kuya"

"Ikaw ba naman ang tanungin. 'Mga sir kakain po kayo?' " panggagaya niya sa tanong nung waiter, pati yung boses ginaya niya rin  "Hindi iinom lang! Tatambay kami." Sagot niya sa sarili niya.

"Yung puso mo gaga! Kalma lang tangina ka" ani Rain

"Agigil mo si ako eh" ani Azure

"Tangina, nasobrahan ka yata sa alak!" Hindi matanggal ang ngisi sa mukha ni K' na halatang pinipigilan ang sariling tumawa. May bagong waiter na dumating at kinuha iyong order namin. At mga gaga, andami nanamang inorder, lalong lalo na si K at Rain. Well , libre naman kasi ni Rain.

"Ang aga aga puro kayo sea foods" reklamo ko, hindi nila ako pinansin.

"Ano nanaman" nakabusangot kong tanong nang maramdaman kong may tumabi saakin. Kahit hindi ko tignan alam kong si brix yun dahil sa amoy ng pabango niya.

"Wala lang, goodmorning"  bati niya habang nakangiti.

"Walang good sa morning ko"

" bakit naman?" Inilapit niya yung mukha niya saakin kaya tinulak ko naman.

"Kasi nakita ko yang pagmumukha mo" pinigilan ko ang kamay niya na dapat aakbay nanaman saakin. Baka Mag kaka stiff neck ako eh.

"Araw araw mong makikita itong gwapo kong mukha" natawa ako sa pagtatagalog niya. Halatang hindi siya sanay mag tagalog HAHAHA. Pano pa kaya kapag nag ilokano ako HAHAHA. Hay, hindi naman maitatanging gwapk siya. Halos maghubad na nga iyong mga babaeng nadadaanan namin kahapon para lang mapansin siya eh.

"Masakit ba yun?" Biglaang tanong ni K kay Rain. Lahat kami natigilan maliban kay rain, Nagkatitigan kaming apat na lalake.

"Malamang, lalo na pag unang try mo. Parang binibiyak" hindi yata nila alam na nandito kami, nagiging green ang utak ko puta.

"Na try mo na? Saka hindi ba nakakadiri yun kapag you know?" Nakita kong ilang beses nang napapalunok si jayson at azure. Sila kasi iyong malapit kila rain.

"Diba may pampadulas naman? Pwede siguro yun para hindi masakit" tumungo ako para hindi ko makita si K', ganun din ang ginawa nila azure at jayson. Rinig ko rin ang mahinang pag tawa ni brix dahil sa mga reaksyon namin. Mahina kong tinapakan ang paa niya para patigilin siya sa pag tawa.

"Sabagay, kaso masakit talaga kapag lumabas yun" halos hindi ko na malunok ang kinakain ko dahil sa topic nilang dalawa. Mga punyeta, nakaka green! Arghh nilulumot na ang utak ko!

"Oh, Hi Brix! Nasubukan mo na ba yun??" Nakangiting tanong ni K kay brix, tumango lang ang loko habang nakangiti rin.

"Problema niyong tatlo?"  Nakakunot noong tanong Rain.

"Wala!"  Sabay sabay naming sagot. Napalingon pa saamin yung ibang costumer. Medyo marami na rin kasing costumer ngayon. Siguro tinamad din silang  magluto.

Pagkatapos naming kumain dumeretso kami sa cottage para magpalit ng pang swimming nanaman. At si brix nagpaalam na magpapalit din. Nauna akong natapos sa pagpapalit dahil shorts at t-shirt lang ang isinuot ko. Hindi katulad nung mga kasama ko na nag lalagay pa ng cream sa mga katawan nila, at ang pasimuno? Si Rain at K syempre.

"VALE!" Hindi ko na kailangang lumingon para malaman kung sino yun dahil boses palang, alam ko na kung sino.

"Tara!" Hinila ako papunta sa dagat at agad nagtampisaw sa tubig. Tinignan ko lang siya, para siyang bata kung maka langoy. Yung parang kakalabas lang na bata kasi strict yung parents niya. Napailing nalang ako saka umupo. Hanggang tuhod lang naman yung tubig sa inuupuan ko kaya hindi ako masyadong naiinitan.

Pagkarating nila jayson at azure agad din silang lumusong sa tubig saka nag wrestling sa tubig, hindi malaman kung napakawalan ba sila sa zoo o sadyang mga isip bata lang. Sumunod naman sila rain at K, akala mo kung sinong artista dahil sa suot nilang pagkalaki laking sumbrero. Pati paglakad ni K' nagiba. Nakangiti ko silang pinagmasdan. Dahil ayoko pang maglaro laro.

Hihiga na dapat ako kaso may naramdaman akong humila sa paa ko at sa kamay. Nakakailang mura ako sakanila dahil pinag tulung tulungan nila akong buhatin at ibinato sa tubig.

"TANGINA NIYO!"

----

-Khai_3

Love By The BayWhere stories live. Discover now