chapter 34

5 2 0
                                    


Vale's POV

Floral Sect.

Nakasulat iyan sa isang litrato na kasama ko si Tine. Pakiramdam ko alam ko na kung bakit ako nakalimot at kung ano ang nangyari five years ago. Hindi pa ako sigurado dahil hanggang ngayon ay may mga nagpapakita paring imahe sa utak ko at hindi iyon klaro.

Hindi ko mahalughog ng maayos ang bahay dahil palagi akong nahihilo tuwing may magpapakitang mga imahe. Nakadagdag na rin siguro ang pagod dahil sa biyahe kaya halos hindi ako masyadong makatayo.

Sa kusina muna ako dumeretso at kumuha ng makakain, duon na rin ako pansamantalang nagpahinga. Habang kumakain ako may nakita akong isang box sa taas ng kabinet.

Kinuha ko ito at binuksan, puno iyon ng mga papeles at mga alikabok, dinala ko ito sa sala at duon sinimulang halughugin. Natigil ako sa pagbubuklat nang matama ang paningin ko sa mga litrato.

Litrato namin ni Rix. Lahat dito ay may nakasulat na Floral Sect. Sa tingin ko kailangan kong alamin kung saan ang Floral Sect. Floral? Ibig sabihin maraming flowers. Sa city hall lang ang alam kong maraming flowers, pero ang background ng mga nasa litrato ay tubig at mga kahoy na puro flower ang carvings. Para itong sa mga traditional chinese house pero hindi itinuloy dahil tinamad sila.

Natigil ako sa pagiisip at nabitawan ko ang mga litrato ng madapo ang tingin ko sa isang papel na alam kong mula sa isang ospital. Pagkabasa ko dito ay muling may mga nagpakitang mga image.

Anong pwedeng sakit ko para makalimot???

Isa lang ang alam ko, maaaring may nangyari saakin at nagka amnesia ako. Ibinalik ko lahat ng papel ngunit hindi ang litrato, iuuwi ko Nalang ito sayang naman.

Inayos ko lahat ng kalat ko at lumabas na ng bahay. Nilock ko iyon tulad ng dati at naglakad na papunta sa highway. Sobrang init ng panahon ngayon dito, tirik na tirik ang araw kahit malapit ng mag October.

Mga ilang minuto akong nagantay sa gilid ng kalsado bago mag dumating na Jeep, papara sana ako kaso may kasunod itong Van kaya hindi nalang. Umatras ako ng malapit na iyong Jeep saka Van, baka kasi mabangga ako.
Napailing iling nalang ako ng magovertake iyong van.

Parang may narinig akong flat na linya na mula sa isang ospital, tunog na parang may mamatay.

Kitang kita ng mga mata kung paanong nabangga ng Van iyong lalake. Bumigat ang paghinga ko at parang tumamlay ang tuhod ko.

Umagos ang dugo nung lalake at nagsibabaan iyong mga tao upang tignan ito. Bumuhos ang luha ko at napasandal ako punong kahoy sa likod ko. Nagsimula na muling magbigay ng mga image ang utak ko at ngayon ay malinaw na ito.

Parang ilog na rumaragasa ang pagbabalik ng mga alaala ko 5 years ago, isa -isa ko ng natatandaan ang mga ito. Hindi ko na alam kung anong nangyayari sa paligid ko dahil parang dumilim ang paligid ko at isa lang ang sigurado ko.

Nakakaalala na ako at alam ko na ang dahilan kung bakit ako nakalimot.

Nang mabalik ako sa reyalidad ay pinili kong huwag munang bumalik sa University at tumungo sa Floral Sect. Hindi pa rin tumitigil ang pagbuhos ng luha ko dahil ramdam ko parin ang sakit hanggang ngayon.

Nang nasa paanan na ako ng bundok kung saan ang daan papunta sa floral sect ay mas lalong tumulo ang mga luha kong kanina ko pa pinipigil dahil nagiging malabo ang daan at hindi ako makakita ng maayos.

"Fl--floral Sect..." usal ko bago pumasok. Ang lugar kung saan siya nangakong hindi ako iiwan ngunit iyon ay hindi niya tinupad.

"Sinungaling..."

Love By The BayWhere stories live. Discover now