chapter 21

4 3 0
                                    

"Are you ok now?" Tumango ako. Hindi ko alam kung ilang oras na ba ang lumipas dahil sa sakit ng sintido ko, para itong sinipa ng limang kabayo.
Sinubukan kong tumayo kahit alam kong hindi pa masyadong maayos ang paningin ko dahil nahihilo pa rin ako.

"Come on val, just sit down" umiling iling ako. Pinilit kong maglakad ngunit sa huli ay bumagsak ako at mabuti nalang nasalo ako ni brix. "Shit! You're so heavy!" Hindi ko siya pinansin dahil bigla nalamang akong dinalaw ng antok. Inayos ko ang tayo ko ngunit ngayon ay nakakapit ako sa braso niya.
Laking gulat ko nang bigla niya akong buhatin ng parang bago kaming kasal, hindi nalang ako nagreklamo dahil baka ibagsak niya ako rito at iwan magisa. Tutal nakatira naman kasi sa pang couple na dorm eh, wala silang pake kung buhatin niya man ako ng pang bagong kasal.

Nalaman ko nalang na nakarating na pala kami sa kwarto nang marinig ko ang ingay ng mga taong animal na kanina'y iniwan namin pareho. Wala pa rin talagang tatalo sa ingay ni kairi na pinipilit abutin ang kanta niya.
Ibinagsak ko ang katawan ko at hindi pinansin ang kanilang mga ingay, narinig ko pa si kairi na inaasar ng kung ano ano si brix.

Kinabukasan hindi gaanong maaga ang paggising ko dahil sabado naman, hindi ko pa namalayan na nakatulog na pala ako kagabi. Ingay mula sa kusina ang agad na bumungad saakin pagkatayo ko mula sa kama, pag talaga andito ang mga walang hiyang ito siguradong may delubyong mangyayari. At si kairi at Azure ang pasimuno ng kaguluhan na iyon

"Wag mong lagyan ng butter! Siraulo! Ang alat alat na nga eh!"

"Unsalted butter nga oh! Ayan!" Ibinalandra ni azure iyong butter sa mukha ni kairi "kailangan madami! Kasi ganun pag buntis! Gusto nila oily!"

"At paano mo nasabing gusto niya ng oily!? My god naman! Huwag kang mag experiment huy!" Pasigaw na sagot naman ni kairi. Hindi na nila napansin ang pagpasok ko dito dahil sa pagaaway nila. Magluluto nalang ng itlog pagaawayan pa, may pa butter pang nalalaman.

"Buntis ka?" Walang pagaalin langang tanong ko kay Rain nang makalapit ako sakanya.

Binatukan niya ako dahil muntik ng nabuhos sakanya iyong gatas na nasa baso niya. "Animal ka ba? My god i'm still virgin val! " sigaw niya sakin. Ang hilig nilang sumigaw, ang aga aga. Minsan nagtatakha na rin ako kung paanong hindi sumasakit ang pang at mga lalamunan nilang tatlo eh.

"Eh malay ko ba, narinig ko lang diyan sa dalawa na may buntis" nginuso ko sina azure at vale na hanggang ngayon ay nagaaway parin. "Eh ikaw lang naman ang babae satin dito"  dag dag ko.

"Alam mo naman ang kaabnormalan ng dalawang iyan" umiling iling siya habang tinititigan sila. "Samahan pa ng dalawang damuho. Perfect nga eh, nagiging mental hospital itong kwarto niyo"
Napailing iling nalang ako dahil sa kabaliwan nilang dalawa. Maya maya pa ay dumating na ang tatlo na inutusan daw kanina ni Rain na mamili ng groceries, dahil nga daw may buntis na hindi ko alam kung sino.

"Yasss! Ready na lahat! Pak!" Masiglang sigaw ni kairi, pakembot kembot pa itong umupo. "Paupuin ang buntis!"  Dag dag niyang sigaw.
Kumunot ang noo ko nang paupuin nila ako sa bandang gitna, ano nanaman kayang kalokohan ang naisip ng baklang ito.

"So ilang months na iyang nasa tiyan mo?"  Deretsong tanong ni kairi pagkaupong pagkaupo ko. Puno ng pagtatakha ko silang tinignan isa isa. Hindi nakatakas sa paningin ko ang pasimpleng pagtampal ni Rain sa noo niya.

"Adik ka?" Ihinagis ko sakanya iyong kalahati ng hotdog " sige Methamphetamine pa more!" Sigaw ko sakanya. Napaka siraulo, kailan la ba nabuntis ang lalake? Sarap batukan.

" hay nako, magsikain na nga tayo! My god mga kalokohan niyong dalawa!"

"Ano klaseng langaw ba ang pumasok sa ulo niyo at inakala niyong buntis siya?"  Nakataas ang kilay na tanong  ni Jayson.

"Eh pano may pa bridal-buhat-buhat sila kahapon niyang si Brix eh. Tapos deretso tulog kasi siya"  sagot naman ni kairi.

"Sige rugby pa kasi"

Naging maingay ang hapagkainan dahil sa nga sa kalokohan ni kairi, nauna kaming natapos at umalis sa mesa dahil lalabas kami para bumili ng mga nakalimutan nilang tatlo kanina, mabuti nalang at hindi masyadong marami ang nakalimutan nila.
Nagtatakha na rin ako kung bakit andaming pinabili nitong si Rain. May balak yata siyang mag camping dito eh.

"Ay siraulo..." nasabi ko nang makita ko ang mga listahan ng mga bibilhin. Pang dalawang buwan na groceries, ano bang naisip ng babaeng yun?

"So saan natin to ilalagay?" Naiirita kong tanong kay Brix.

"Sa fridge?"  Nakangiwi niyang sagot. Inirapan ko siya,siraulo eh. Pano to magkakasya sa ref?

"Balik dun!" Sigaw ko sakanya, babalik na dapat ako nang bigla niya akong hilain.

"Robinson muna tayo" tumango lang ako, ayoko pa rin namang bumalik, sasakit lang ang tenga ko dun eh.

Pinagsisisihan kong sumama pa sakanya, ilang oras na akong sunod ng sunod sakanya! Tapos hindi pa ako pinapansin dahil sa p*tanginang katawag niya. Tawa pa siya ng tawa, nakakaaaaaaairita! Yung feeling na bwisit na bwisit ka na pero hindi niya maramdaman? Ouch parang crush mo lang di ka niya maramdaman.

"Hoy!" Pasigaw kong tawag sakanya at hinila siya sa pinakamalapit na upuan para umupo syempre.

" anong oras na? Baka may balak kang umuwi? Sino ba yang katawag mo at napakatagal mong matapos? Siraulo ka ba? Kung wala kang balak umuwi ako meron! Goodbye!" Iniwan ko siya at pagkatalikod ko sakanya may mga nakatingin nang tao saamin at may iba pang nagulat.

"Kuya? Boyfriend mo ba iyon? Ang gwapo niyo po parehas" napairap ako nang may magtanong sakin sa may bandang exit.

"Oo boyfriend ko at break na kami! See? Walang forever pati kayo magb-break din!" Sigaw ko sakanilang dalawa at nagderederetso na pauwi.
Kabwisit nagiging bitter ako ng wala sa oras.

"Tabi!"  Sigaw ko kay Azure nang nakabalandra siya sa pintuan, malakas ko siyang itinulak at pabagsak na humiga sa kama ko. Wala pang limang minuto ay dumating na rin si brix. Nakangiti pa ang loko, kabwisit.

" val--"

"Shhhhh! Maingay nagbabasa ako" pigil ko sa dapat na sasabihin niya.
Mas lalo pa akong nainis ng makita kong libro pala ni kairi ang binabasa ko at nasa part na ako na bedscene.
Sinarado ko ang libro at tinitigan ng mariin ang nakangiting si brix.

Inisa-isa kong tinignan silang lahat at nagkusa naman silang lumabas, naiwan kaming dalawa ni brix kaya agad ko siyang binato ng unan.

"Happy?" Tanong ko sa naiinis na tono.
Sasagot na dapat siya pero tinalikuran ko na siya at nagbalot ng kumot.
Gusto ko sanang bumangon at paluin ang nguso niya pero pinigilan ko ang sarili ko.

" hey... im sorry na ok?"
Rinig kong sabi niya. Hinarap ko siya sinimangutan. 

"Sorry para saan?" Pagmaang maangan ko. Sumimangot rin siya, kaya ang ending magkaharap kaming nakasimangot.
Nagiwas ako bigla ng tingin dahil hindi ko mapigilan ang tawa ko.
Paano kasi napaka cute niya kung makasimangot, kalalaki kong tao nacucutan pa ako sakanya.

"So bati na tayo?" Tanong niya saka humiga at tumabi saakin. Gusto ko sana siyang paalisin kaso pinipigilan ako ng utak ko na gawin iyon, ewan ko kung anong meron saakin at bakit pakiramdam ko nangyari na ito dati.

"Ano pa nga ba"usal ko at nakipagtitigan sakanya. Ngumiti naman siya saka ako niyakap, pakiramdam ko umakyat ang dugo ko sa aking mukha, at sigurado akong pulang pula na ang tenga ko.
Pakiramdam ko mas lalong pumula ang tenga ko dahil sa sumunod niyang tanong.

"So boyfriend mo na ulit ako?"

-----
-khai_3

Happy third monthsary! LBTB

Love By The BayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon