chapter 31

5 3 0
                                    

The flashback || part 2

"Vale!!" Rinig kong sigaw ni Azure mula sa labas, sa likod ng bahay to be specific. Im sure nakita na niya iyong nangyari sa mga itlog ng manok niya kaya ganun nalang siya kung makasigaw.

Rinig ko ang mabibigat niyang yabag papunta dito sa kusina. Kasalukuyan akong nagpriprito ng gusto niyang noodles na prito kaya hindi ko alam kung malapit na ba siya sa kusina o hindi.

"Bakit mo ginalaw yung itlog ng manok!?" Pasigaw niyang tanong pagkarating niya dito sa kusina. Successful ang revenge natun devin hihihi. Yung itlog kasi ng manok niya ang ginamit ko.

"Diba sabi mo gusto mo nung fried noodles?" Tanong ko sakanya. Kinagat niya iyong pang ibabang labi niya saka umupo sa gilid ko. Para Siyang nag wa-walling eh, kaso kabinet yung sinasansalan niya.

"Bakit kasi yung itlog ng manok?" Nakasimangot niyang tanong. "Halika nga dito" hinila niya ako papunta sakanya at niyakap. "Pinaghiganti mo talaga yung pato mo 'no?" Tanong niya, ngumisi ako at ihinarap sakanya iyong noodles na prito.

"Kain kana!" Sigaw ko, inirapan niya ako kumuha ng dalawa saka umalis papuntang kwarto namin.

"Mauna na kayong kumain, tirhan niyo 'ko diyan!!" Sigaw niya bago sa pumasok.

Tinawag ko na iyong dalawang bisita, hindi ko alam kung bisita ba o kasama sa bahay. Si brix lang iyong lumapit at umupo, so kaming dalawa lang muna ang kakain.

"Ano to?" Tanong ni Brix saka tinusok iyong pritong noodles saka itinaas na parang pinagaaralan niya.

"Basta kumain ka nalang, kumain ka ng mabuti" sagot ko sakanya saka nagsimulang kumain. Tinitigan niya lang ito pinaikot ikot. "Siraulo, pagkain yan hindi laruan" sabi ko sakanya.

"Ngayon lang kasi ako nakakita ng ganitong pagkain" saad niya. Sabagay, wala naman kasing matinong tao ang gagawa ng ganitong pagkain. Ay wait meron pala, ako yun.

"Tikman mo, masarap yan. Pero mas ok kapag isaw-saw mo muna dun sa toyo at kalamansi" utos ko sakanya. Parang nandidiri niyang tinignan iyong gawa gawa kong sauce. "Aish! Kung ayaw mo yung suka nalang or ketchup bahala ka" sabi ko at nagpatuloy sa pagkain.

"Ikaw ba laging nagluluto dito?" Umiling ako.

"Saka lang ako nagluluto kapag wala sila mama, ayaw nilang ako ang magluto pag meron sila. Nag eexperiment daw kasi ako" sagot ko.

"Pero masarap naman eh" napatingin ako sakanya dahil sa sinabi niya, napangiti ako ng makita kong kumagat siya dito. Tinitigan ko lang siyang kumain. Hindi kasi ako nag eexpect na magugustuhan niya eh, wala kasing ganito sa pinanggalingan niyang planeta.

"May dumi ba sa mukha ko?" Tanong niya, umiling ako saka nagfocus sa pagkain pero hindi ko lang talaga mapigilan na mapatingin sakanya. Parang may magnet  a humihila sa ulo ko para matignan ko siya.

Matagal akong natapos sa pagkain dahil sa bagal ko, panay lang kasi ang tingin ko sakanya. Kahit hanggang sa paghuhugas ng pinggan pakiramdam ko nakalutang lang ako.

Hindi ko matanggal sa isip ko iyong mukha niya habang kumakain, ngayon lang ako nakakita ng taong ganun kagwapo kung kumain. Pakiramdam ko nababakla ako, pero hindi eh, alam ko sa sarili kong lalake ako pero may kakaiba akong nararamdaman, may mali akong nararamdaman at kailangan ko iyong alamin.

Nandito ako ngayon sa likod ng bahay, nagpapahangin. Kasama ko si Brix pero magkalayo kami, andito ako sa taas ng puno ng mangga at siya ay nasa upuan lang.

"Gusto mong kumain?" Tanong ko sakanya.

"Katatapos lang natin kumain diba?"sagot niya, ngumuso ako at nag inat-inat. Nagugutom nanaman kasi ako eh, nawala agad yung kinain ko. Nagsisimula nanaman yatang mabuhay yung alaga ko. (Alaga sa tiyan ok? Wag green minded mga hangal) "don't tell me na nagugutom ka?" Nakangisi niyang tanong.

Love By The BayWhere stories live. Discover now