chapter 10

6 3 0
                                    

"Brix" usal ko nang makita siya, namula ang tenga niya at nag iwas siya ng tingin. Umupo ako sa harap niya at pinilit ang sariling ngumiti. Shit , bakit kinakabahan!

"Hmm about... yesterday..." napalunok siya at nagiwas naman ako ng tingin. Sana ma explain mo ng mabuti sakin at sana may matino kang dahilan taena. Tinitigan ko lang siya, nag iwas siya nang tingin kaya mas kitang kita ko ang pamumula ng tenga niya.

"I'm sorry, hindi kasi ako nakapagpigil" nakatungo siya habang sinasabi iyon.

"Anong demonyo ba ang sumapi sayo at hinalikan mo ko?" Naka taas ang kilay kong tanong. Lumunok muna siya bago sumagot.

"Kasi..." bahagya niyang inilapit ang mukha niya saakin "gusto kita" muntikan akong nahulog sa upuan ko at halos hindi ko malunok ang sarili kong laway. Hindi agad ako nakapagsalita at wala akong maisip na isagot sa sinabi niya! Arghh!

Ganun nalang ang gulat ko ULIT! nang tumawa siya. Putang ina pinaglalaruan ako ng tanginang ito!

"Tangina ka!" Sigaw ko sakanya, hindi niya ako pinansin at umalis na.
Anak ka ng ulupong! Animal kang bwisit ka brixxx!!!

Hanggang sa pag uwi ko hindi ko magawang ngumiti dahil sa inis ko, ang sarap niyang sakalin. Nakaka bwisit talaga, at ang malala pa inisip kong pano kung totoo nga! Halos mabasag ko ang mga pinggan na pinagkainan ko habang naghuhugas dahil pa rin sa tanginang inis ko.

Sinuyod ko ang buong bahay pero wala akong nahanap na azure, ni anino niya wala. Anong oras na hindi pa rin siya umuwi, hindi ko rin naman siya matawagan dahil walang load ang phone ko, punyemas na yan. Masasakal ko yata ang isang yun mamaya kapag nakauwi siya.

Mag aalas dose na nang naisipan kong matulog, hindi ko na kayang antayin ang bwisit hayop na azure.

Naalimpungatan ako dahil sa sigaw at sa lakas ng pag katok sa pintuan nang kung sino mang demonyo! Nang tignan jo ang orasan alas dos ng madaling araw na. Punyeta ipapako ko sa bintana kung sino man ang nagiingay ngayong alas dos!

Pagkabukas ko sigaw agad mula sa isang dakilang animal na inantay ko nang ilang oras

"Tagal tagal mong magbukas!"

"Ang tagal tagal mo kasing umuwi! Uuwi ka pala ng late bat di ka magdala ng susi!" Sigaw ko rin sakanya.

"Nakalimutan ko nga! Saka sobrang lamig sa Labas gago ka!"

"Kung maka katok ka sa pintuan akala mo may emergency. Kulang nalang masira yung pinto" sigaw ko ulit saka itinuro yung pinto, tangina kung makakatok siya sa pintuan akala mo may manganganak na balyena.

"Ang tagal mo nga kasing magbukas! Ang lamig nga eh! Pano kasi kung tinawagan mo ako! Para matanong mo kung may dala akong susi!"

"Wala akong load at Naalimpungatan nga ako! Ang tagal tagal ko nang nakatulog pagbubukasin mo lang ako? sana sinama kita sa panaginip ko, umuwi ka dun para dun kita binuksan" dere deretso kong sabi saka siya sinipa sa paa. "Tangina mong animales ka, alas dos ng madaling araw saka ka uuwing punyeta ka" habol ko ang hininga ko pagkatapos ko siyang talakan. Dere deretso parin ang pagmumura ko sakanya. Kung pwede ko lang paluin ng martilyo ang ulo ng isang ito, last year ko pa sana iyon nagawa.

" oh ano saan ka galing?" Masungit kong tanong.

" sa dinami dami nang sinabi mo, ngayon mo lang naisipang magtanong?"  Usal niya saka ako inirapan. Binato ko siya ng unan at tumama yun sa tiyan niya.

"Ayusin mo nga yang paghiga mo gago" eh pano nakataas yung paa sa sandalan tapos yung ulo nasa baba na, abnormal talaga ang tangina.

Kinaumagahan at sa sumunod na tatlong araw ganun padin tulad ng dati, papasok sa bakery, uuwi at matutulog, at paulit ulit lang. Simula nang araw na iyon ni anino ni brix hindi ko nakita, mas mabuti na rin siguro iyon. Tamihik ang buhay ko kapag wala siya, hindi pala tahimik kasi meron akong animal na kasama sa bahay.

Isang hapon na umuwi ako sa trabaho may mga naririnig akong mga chismosa sa daan at iisa lang ang topic nila, mga punyeta nakaharang pa sa daan ang mga balyena jusko lord.

" may bagong lipat?"

"Yes! And omg ang gwapo niya shit!"  Halos lahat ng mga dalaga nagsisilabasan dahil daw sa bagong lipat. Tangina? Mga ignorante tsk tsk.

"Tabi! Excuse me ho dadaan ako, nakaharang kayo sa pintuan namin!" Sigaw ko dahil napakaraming mga babae dito sa harap ng bahay namin. So it means jan sa harap ng bahay lumipat? Artista ampeg. Napairap ako ng wala sa oras dahil dun.

"Kanina pa yang mga yan" pagkabukas na pagkabukas ko ng pintuan nakabusangot na azure agad ang nakita ko.

"Akala mo kung sinong artista, kamote naman ang punyeta" mariin ko siyang tinignan. Tinaasan ko siya ng kikay bago tanungin.

"Kilala mo kung sinong nandiyan?" Inirapan niya ako dahil sa tanong . Tumango lang siya, bakit parang bwisit na bwisit siya? Binato niya pa ako ng unan ng makita niya akong tumatawa.

"Tumigil ka nga kakatawa! Ibabato ko sayo tong vase!" Pagbabanta niya saakin, umayos ako ng upo at pinigilang tumawa. Kinakagat ko pa ang kabi ko para di matawa, iniwas ko rin ang tingin ko sakanya.

"VALE!!" Sigaw niya nang matawa ulit ako. Sinong hindi matatawa sa mukha niya, asar na asar siya tapos nakakunot ang noo na di malaman kung biyernes santo ba o sanyang namatayan siya.

"Eto na titigil na" sabi ko saka humiga sa sofa, inirapan niya lang ako kaya muntik nanaman akong matawa. Nanood nalang ako ng cartoons, mabuti pa si spongebob nakakahinga sa tubig. Ahhhhh!... mula dito amoy ko ang niluluto ni azure, mabango pero sigurado akong kung anong sarap ng amoy, ay siya namang pangit ng lasa.

"Kakain na!" Sigaw mula sa kusina.

"Anong ulam?!" Pasigaw kong tanong, halos pumiyok pa ako dahil sa sigaw ko. Tumayo na ako at pumaroon.

"Yung crabs!" Sigaw niya parin nang makita na niya ako .

"Ayoko! Sumakit yung tiyan ko dahil jan!" Sigaw ko saka kumuha ng biscuits, nung kinain ko ang luto niyang crabs ilang oras ako sa banyo. May kung ano yatang nilalagay ang walang hiyang ito, hindi ako nakapasok ng ilang araw dahil sa sakit ng tiyan ko at ang malala pa malapit na noon ang exam namin.

"Masarap yan! Saka hindi ko na sinobrahan yung asin" nakangiwi niyang sabi habang inaayos ang pinggan. Inirapan ko siya.

"Mas masarap tong biscuit" usal ko kahit medyo puno ang bibig ko.

"Tikman mo kasi!"  Pamimilit niya. Umiling lang ako saka dinala ang biscuits ko sa sala, baka agawin pa eh. Ayoko nang magka LBM ulit.

Hindi pa ako nakakaupo nang may marinig akong kumatok sa pintuan, tangina ang sakit sa pwet, sino bang demonyo ang bibisita saamin ng alas syete ng gabi!? Ughh! Malalakas ang yabag ko papunta sa pinutan, at dala dalawa ang pagkatok ng kung sinong taong demonyo sa pintuan namin.

"Sinong andiy--" hindi ko naituloy ang dapat kong itatanong nang makita ko kung sino ang kumatok, putang ina bwibiwsitin nanaman yata ako ng isang ito!? Lord! Kunin mo na ako!

"Hi babe"

-----

-Khai_3

Love By The BayWhere stories live. Discover now