chapter 35

5 2 0
                                    

Vale's POV

Simula sa pagkalimot ko at muli naming pagkikita ni Tine, isa lang ang alam kong pwede kong puntahan, Floral Sect. Hindi ako makapagisip ng matino, parang na blanko nalang bigla ang utak ko.

Hindi ko maisip kung ano ang pwede kong gawin, basta ang alam ko huwag akong magpadala sa sakit at sama ng loob. Kailangan kong makarating ng Floral Sect sa lalong madaling panahon para kumalma ako kahit papaano.

Malapit ng dumilim ang paligid, ganitong oras dati ay nandito kami o nasa bahay lang. Palagian kami dito tuwing ganitong oras dati para makita iyong sunset at pati na rin iyong mga maliliit na ilaw mula sa mga bangka. May isang araw pa nuon na sa floral sect kami natulog.

Pagkarating ko sa Floral Sect ay unti-unting bumuhos ulit ang luha ko at kahit anong pigil ko ay hindi ko magawa. Dahan dahan akong pumasok at pumunta sa likuran, hanggang ngayon andito parin iyong picture naming magkasama, wala na iyong kulay at mahahalatang napabayaan na dahil sa kulay nito at mga dumi.

Pinagmasdan ko ang paligid at isa isang pinasadhan ng tingin ang bawat ditalye na meron dito sa garden. Mula sa mga patay na halaman, iyong swing at upuan na marami ng kalawang, ang maraming sira at butas na bubong hanggang sa tablang nakasulat ang pangalan namin at ng lugar na ito.

Marami ng kalat at mga pabulok na dahon. Nakakapagtaka lang na buhay pa ang punong ito kahit may mabigat na nakabitin sakanya. Siguro kailangan ko ring maging katulad ng punong ito. Kailangan kong maging matatag, kahit sobrang sakit na kailangang kayanin, kailangang kong magtiis.

Umihip ang malamig na hangin at nagsiliparan ang mga dahon na nakakalat, pinili kong umupo sa swing at hindi na nagdalawang isip na pigilan ang nararamdaman ko.

Kung ang pagiyak ay mapapagaan ang pakiramdam ko, hindi ko iyon pipigilan. Patuloy lang ang pagiyak ko, wala akong ibang pwedeng gawin maliban sa umiyak at pakawalan lahat ng sakit, mas mabuti na iyon kaysa kimkimin ko.

Hindi ko namalayan kung ilang oras na ang lumipas, pinunasan ko ang luha sa mata ko at pumikit habang humihinga ng malalim.

Tatayo na dapat ako at aalis ng biglang tumunog ang cellphone ko, senyales na may nag text o tumatawag, inilabas ko iyon at halos mabitawan ko ng makita kung sino iyon. Si Tine. Nakalimutan kong dapat pala ay nakauwi na ako ngayon.

"Rix where are you? Please Rix where are you?" Agad niyang tanong ng sagutin ko ito, 23 missed calls at sakanya lahat iyon galing. Nawalan siguro akong signal kaya hindi ko nasagot.

"Tine..." mahinang usal ko, hanggat maari sana ay walang ka emo emosyon ang boses ko. Kinagat ko ang labi ko upang pigilan ang sarili kong magsalita pa.

"Just stay there ok? Goodboy. Now tell me where are you?"

"I'm here at our place" sagot ko sakanya, may parang bumagsak sa kabilang linya at bigla nalang namatay ang tawag.

Napangiti ako ng wala sa oras. Kung iisipin dapat ay galit ako ngayon, pero hindi. Sa simpleng pagtawag niya lang ay parang nawala lahat ng galit ko sakanya. Alam kong nagaalala at kinakabahan siya, base iyon sa tono ng pananalita niya.

Gustuhin ko mang umalis ay hindi pwede, alam kong pupunta dito si Tine.

After 1 hour.

Sa sobrang pagkabagot ko sa pagaantay sakanya ay nagsindi na ako ng kandila para makita niyang andito ako. inayos ko na rin ang ibang gamit kahit na sobrang dumi na.

Nang makita kong may tao na paparating sa mula sa ibaba ay agad akong pumunta sa likuran at inantay ang pagdating nito.

Magaan ang bawat hakbang niya na parang nagiingat. Mukhang adik itong si Tine, akala mo magnanakaw. Nang makapasok siya ay dinig ko ang mabigat niyang paghinga, pagod na siya.

Love By The BayOnde histórias criam vida. Descubra agora