Special Chapter

6 3 0
                                    

Vale's POV

[ 2 weeks after Brix left ]

"Wala kang balak mag maligo Vale?" Paulit ulit na tanong ni Azure. Umiling lang ako, dalawang araw na akong walang ligo, at kung bakit? Itanong niyo kay Brix.

Halos oras oras nalang siyang nakikipag-VC. Hindi ko malaman kung anong problema niya at hindi siya magsawa sawa sa call. Daig pa yung NBI kung mag tanong eh, pati paginom ko ng tubig tinanong na din. "Baka tumawag nanaman yung isa, baka mahulog phone ko sa banyo" sagot ko.

"Ewan ko ba diyan sa Boyfriend mo, masyadong maarte. Ikaw yung bottom pero kung makaasta siya daig pa yung girlfriend na praning" dere-deretso niyang usal. Gusto kong kumontra pero ganun naman kasi talaga.

Mga ilang minuto pa ang lumipas at nag ring nanaman nga ang phone ko, mauubos na talaga pera ko kakaload. "Hi...goodeve" bati niya habang nakangiti. Babatiin ko sana siya pabalik pero biglang kumunot ang noo niya at pinuna ang mapulang parte ng balikat ko.

"What happened to your shoulder?" Naiinis niyang tanong.

"Ki...kinagat ng lamok..." pagdadahilan ko. Pero mukhang hindi siya naniniwala dahil nakatitig lang siya saakin.

"What kind of mosquito Vale?" Tanong niya ulit. AzureQuito  sagot ko sa utak ko. "As far as i remember walang  pumapasok na lamok diyan" sabi niya, kinagat ko ang labi ko at Binalingan ko ng tingin ang nakangising si Azure at inirapan siya. Yeap, kinagat niya ako kanina. Sinadya niya yung gawin iyon upang pasakitin lalo ang ulo ko.

"Tinamaan siya ng Ligaw na kagat" tahimik na sabi ni Kairi sa isang gilid habang naglalaro ng monopoly kasama si Rain at Jayson. Isa pa to sa mga dahilan kung bakit mas lalong sumasakit ang ulo ko. Simula nung umalis ni Tine dito na tumatambay ang apat na to.
Boring daw kasi sakanila, hindi siguro magaling yung isa kaya bored si Azure. (Boom spoiler)

"Tumahimik ka!" Pabulong na sigaw ko kay kairi saka siya inirapan. Pagkaharap ko ay nakasimangot na si Tine sa harap ng screen ko. Napakamot nalang ako sa ulo ko at ginaya siya. "Ok ka lang Tine?" Tanong ko. Tumango siya bago nagsalita ulit.

"I miss you already..." Pabulong niya at humiga habang hawak hawak parin ang phone. Hindi ako pwedeny lumipat ng pwesto dahil nakasaksak itong LapTop at hiniram ko lang din to kay Rain, nahihiya na nga ako eh. Oras oras na lang kasi tumatawag ang isang ito. Hindi naman pwedw yung phone ko kasi nakay kairi. Yeap, naghihiraman kaming gadgets, at pagkabalik sayo madami ng bago.

"Sino yung maingay diyan?" Bigla niyang tanong, ilang segundo rin kasi yata akong tumahimik, binalingan ko ng tingin ang nakayakap na Azure kay Jayson habang itinutulak palayo si Kairi, parang mga t*nga, plano talaga siguro nilang guluhin ako ngayon.

May pa ungol ungol pa si Azure habang tinutulak si Kai at patawa-tawa lang si Jayson, si Kairi naman ay parang batang inagawan ng candy. Mga hayop, wala talagang matinong araw kapag kasama ko sila.

"Sila Kairi..." sagot ko at iniharap ang camera sakanilang apat na naghaharutan, napakagu-gulo talaga nila. "You know what Tine? May naghahanap sayo dito" natatawa kong sabi pagkaharap. Bigla nanamang kumunot ang noo niya at seryosong tinanong kung sino.

"Admirer mo, Tinatanong niya kung nasaan ka na daw. Inutusan nga akong ipakilala siya sayo eh." Sabi ko habang pinipigilang tumawa, dahil sa itsura ng mukha niya pati na rin sa babaeng nagkakagusto sakanya.

"Who's that girl? Bakit hindi siya nagpakita nung nandiyan ako?" Ang tawa ko kanina ay naglaho ng parang bula, ako naman ngayon ang hindi mabasa ang expression. Anong katangahan ba kasi itong ginawa mo Vale?

Love By The BayWhere stories live. Discover now