Chapter 18

5.9K 235 181
                                    

Yana' s POV

Bigla na lang hinawakan ni Jeon Jungkook yung kamay ko. Wala na akong nagawa kundi hayaan siya dahil ang higpit ng pagkakahawak niya dito at hindi ako makawala.

Kainis. Iniiwasan ko na nga siya pero lapit pa rin siya ng lapit sa akin.
At mas lalong nakakainis dahil nararamdaman ko na naman yung hindi ko dapat maramdaman para sa kanya.

Yung sparks. Yung kilig. At yung mabilis na heartbeat.

Sabay kaming pumunta sa dressing room nila. Pababa na sana ako nun pero sabi niya na hintayin ko na raw sila at kukunin lang daw niya yung mga gamit niya. Wala na akong nagawa kundi sumunod dahil sino ba ako para tumanggi e stylist noona lang naman ako rito.

"BTS, okay na ba kayo? Tara na." narinig kong sigaw ni Manager hyung. Nagsilabasan naman na agad sila. Sabay-sabay kaming bumaba. Pagkatapos ay bumyahe na kami pabalik sa BigHit Ent. Nakasakay kami ni Yella sa van ng BTS. Kami nga lang yung stylists na nakasakay roon.

Pagkalipas ng isang oras ay nakarating na rin kami. Pagpasok namin, puro baloons na heart at flowers ang sumalubong sa amin. Pulang-pula yung Ent. Teka ano bang meron?

Napatingin ako sa katabi ko. Si Taehyung.

"Valentine's day." bulong niya.

Ayun pala. Valentine's Day. Pagkain ba yun? De joke. Bitter dahil wala naman akong lovelife. Happy Independence Day na lang sa amin.

Dumiretso ang Bangtan sa dressing room slash tambayan nila dito sa Ent. Yung iba natulog, yung iba kumain muna. Pagod na pagod na naman sila. Sa pagkakaalam ko limang oras lang yung tulog nila.

"Yana! Hehehe."

Hula ko si Taehyung na naman 'to. Lumingon ako at tama nga ang hula ko.

"Wala si Yana. Nasa ibang planeta." sabi ko sa kanya. Tawa naman siya ng tawa sa sinabi ko.

"Eeh. Kyot mo." sabi niya at pinisil yung pisngi ko. Bilang ganti, pinisil ko rin yung pisngi niya. Tama yan Yana. Si Taehyung ang gusto mo hindi ba? Iwasan mo na si Jungkook. Magfocus ka na lang sa alien na'to.

"Pikit ka." bulong niya sa akin.

"Ayoko nga. Baka may gawin ka sa akin e."

"Wala hehe. Dali na. Magic ulit 'to." Wala na akong nagawa kundi ang pumikit na lang. Kasi kung hindi ko yun gagawin, tiyak na kukulitin lang niya ako.

"Pagbilang ko ng tatlo dumilat ka ah." utos niya. Tumango lang ako.

Ano na naman kayang magic ang gagawin ni Taehyung.

"Isa. Dalawa.... Tatlo!"

Pagdilat ko.

Tatlong mapupulang rosas ang tumambad sa akin.

"Happy Valentine's Day, Yana Banana!" sigaw niya.

Yung singkit niyang mga mata. Yung rectangle smile niya. Kim Taehyung iba ka talaga. Gusto ko na ngang maluha sa ginawa niya. Tatlong rosas? Galing sa isang Kim Taehyung? Saan ka pa di ba? Quotang-quota na ako niyan. Kahit wala akong lovelife, may rosas naman ako galing sa isa sa mga pinakagwapong kpop artist. PWEDE BANG KILIGIN?!

"Ang sweet. Grabe ka talaga Taehyung. Happy Valentine's Day!" sabi ko at niyakap siya. Niyakap din niya ako pabalik. Ang warm ng yakap niya. Kim Taehyung, ang swerte ng magiging girlfriend mo.

"Eto mas sweet. Hehe charan! Chocolates!" Iniabot niya sa akin yung tatlong bars ng chocolate. Mas lalo tuloy humigpit yung yakap ko sa kanya.

That One Fan (BTS FANFIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon